[3] Restrictions

11 4 0
                                    

C   H   A   P   T   E   R    3: RESTRICTIONS

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

C   H   A   P   T   E   R    3:
RESTRICTIONS

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

"HOW'S your school, Augustine?" agad na sabi ni Mommy pagpasok ko dito sa bahay.

"There was a bad news, Mommy."

"Anong bad news 'yan?"

"Kasi po, sabi nila Karol and Christine ay simula next week is lilipat na sila ng school, tapos ako nalang ang maiiwan dito, tapos wala na akong ibang friends pa sa school dahil sila lang naman po ang kasama ko simula Grade 1 palang ako."

Nasa Grade 6 na ako ngayon tapos ngayon ko pa sila hindi makakasama na matatapos na kami sa Elementary?

Simula pa lang dati is kami lang tatlo ang magkakasama tapos nakikipag-laro lang kami sa iba naming mga classmates. Promise pa nga namin sa isa't-isa ay magkakasama kami hanggang matapos kaming mag-aral ng Elementary, tapos High School, tapos College.

"Tumabi ka nga sa akin dito, Augustine," sabi ni Mommy at agad lang akong tumabi sa kaniya.

"Bakit po, Mommy?"

"Augustine, you need to remember and understand what is really the truth in our life. Kahit ano mang mangyari dapat marunong tayong umintindi na hindi lahat ng meron tayo ngayon ay magtatagal, at hindi lahat ng mga taong kasama natin ngayon ay makakasama natin habang buhay, people come and people go, okay? Intindihin mo nalang sina Karol at Christine, dahil kailangan nila 'yung gawin para sa dreams nila and kailangan mo ring gawin ang gusto mong gawin dito para sa dream mo."

"Pe—"

"Remember the mini camera I bought you how many years ago? I think 3 years ago? Remember that? Do you have a photo with them doon sa camera?"

"Opo."

"That's the purpose of that camera, Augustine, for you can save the memories you have with people na hindi mo na makakasama soon."

"Pero, Mommy... paano po si Daddy? Hindi ba sabi mo I need to save photos on the mini camera of those people na hindi ko na makakasama, pero paano po ito na wala po akong picture ni Daddy? How many years na akong nagwi-wish na makita ko na siya since 7 years old pa lang ako, pero ngayon na 10 years old na ako ay wala pa rin siya, paano po 'yan?"

"Augustine, ang mga taong dapat na nasa mini camera mo lang is 'yung mga taong importante sa buhay mo, okay?"

"Ibig po bang sabihin ay hindi importante si Daddy sa buhay ko?"

"Stop asking questions anymore, Augustine," sagot ni Mommy.

Napapansin ko na sa mukha niya na medjo napipikon na si Mommy sa mga sinasabi ko dahil nawala na 'yung mga ngiti niya habang nakikipag-usap sa akin ngayon.

"Per—"

"Augustine, I told you to stop asking questions, 'diba? Bakit hindi mo'ko maintindihan? Sino bang mas gusto mo? Ako na nandito simula sanggol ka pa or ang Daddy mo na hanggang ngayon ay hindi mo pa nakikita at nakikilala? Ano?!"

"Sorry po, Mommy, huwag ka na pong sumigaw sa aki—"

"Tumigil ka sa kakatanong kung ayaw mong sumigaw ako sa'yo."

This is why I don't like Mommy to get angry, nawawala 'yung pagiging sweet niya sa akin bilang anak niya.

Ilang taon ko nang sinubukang tanongin si Mommy tungkol kay Daddy, pero ganito lang paulit-ulit 'yung sinasagot niya, galit.

"M-mommy? Can I ask a favor po? Promise... hindi po ito tungkol kay Daddy."

"What is it?"

"Pwede po ba akong sumama kina Karol at Christine sa park bukas? Maglalaro lang po kami kasi last kita na naming tatlo kasi wala na talaga sila dito next week. Please po, Mommy... kahit ngayon lang po ako maglalaro sa labas kasama sila, please..."

Isang beses lang talaga ako nakaranas na maglaro kasama ang ibang bata, 'yun ay 'yung 7 years old pa ako kasama ang mga classmates ko dati, tapos nakita ako ni Mommy, wala nang iba dahil ayaw niya.

"No."

"Sasama naman po ang parents ni Karol, or pwede din po na sumama kayo sa amin para sabay tayo doon sa park, please po..."

"I said no."

"Pe—"

"I said no! Ang tigas ng ulo mong bata ka, kanina ka pa!"

"Ngayon lang naman p—"

"Ayaw mo talagang tumigil?"

"Sigi na po, last na pagkikita na po naming tatlo buk—"

"Ayaw mo talaga?"

"Sigi na po..."

"Ang tigas talaga ng ulo mo, sabi kong hindi pwede d—"

"Bakit hindi pwede Mommy?! Parati nalang bawal, bakit bawal akong makipaglaro sa labas at sa ibang bata? Bakit hindi ako pwedeng maging katulad ng ibang bata sa labas na pwede mag-enjoy? Puro nalang bawal, wala na akong karapatan dito para maging bata!!"

"Augustine, bumalik ka dito!"

Ayaw ko na dito, ayaw ko na sa'yo, Mommy.

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

Follow me on my socials;
Facebook: Rhon Justine Samodal
Instagram: @rvboligrafo

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

Join the official hashtag blast online: #DramaofaNaiveGirl

And, share your inspiring stories online with a hashtag; #What'smyDrama and get the chance to be recognized and win something.

Drama Of A Naive GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora