DIARY OF A NAIVE GIRL

10 4 0
                                    

JULY 10, 2018

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JULY 10, 2018


Bakit ba kasi ako pinigilan ni Mommy?

Gusto ko nang matapos na ang mga problema ko dahil hindi ko lang man din makakasama si Daddy ngayon, magiging masaya na sana ako sa heaven pero pinigilan pa ako ni Mommy.

Bakit ba ganito siya?

Ayaw niya sa lahat, pati ba naman sa gusto kong gawin sa buhay ko para maging masaya nalang ako at mawala na lahat ng mga problema ko?

Ano ba ang gusto niya? Na mabuhay pa rin ako kahit ayaw ko na dahil wala lang din naman si Daddy sa tabi ko?

Ano ba talaga ang gusto ni Mommy sa buhay ko?

Sa ilang taon kong nabubuhay, puro mga sinasabi niya at gusto niya ang ginagawa ko, kung ano ang gusto niyang bilhin para sa akin at kung anong gusto niyang gawin ko ay sumusunod ako, wala akong nagawa sa buhay ko na ginusto ko.

Ilang taon akong pabalik-balik humihiling na bumalik na si Daddy, tapos ngayon na bumalik na siya, ayaw naman ni Mommy na makasama ko na siya habang buhay at maging masaya at magkaroon ako ng kompletong pamilya.

Wala na nga sina Karol at Christine, wala na akong kaibigan na kasama ko palagi sa school, tapos pati dito sa bahay ay kulang pa din ang mga kasama ko.

Oo, nandito nga si Mommy pero ayaw ko na sa mga gusto niya. Nandito nga si Mommy pero kulang pa din ang lahat.

Gusto kong nandito si Daddy.

Nong nakita ko siya kanina ay wala na akong ibang ginawa kundi ang yakapin siya at niyakap niya din ako, for the very first ay nakaranas ako ng isang yakap ng isang ama, pero nagalit ulit si Mommy.

Bakit ba ganito siya?

I hate her.

Sana hindi nalang siya ang naging Mommy ko.

Sana si Daddy nalang ang nandito at sana si Mommy nalang ang wala.

Sana si Mommy nalang ang umalis at hindi na si Daddy.

Sana mawala nalang siya.

I hate her.

I really hate her.

I hate Mommy forever.

Kahit tumanda pa ako, I really really hate her.

Sana mawala na talaga siya dito.

Augustine Leonora De Vera
12 years old

Drama Of A Naive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon