DIARY OF A NAIVE GIRL

28 4 0
                                    

SEPTEMBER 2, 2013

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SEPTEMBER 2, 2013


Hello, sabi sa akin ni Mommy ay ituring ko raw ang notebook na ito na best friend ko na dapat ay maging malapit sa puso ko, sabi din niya na dapat daw isulat ko lahat ng nararamdaman ko everyday.

Kanina lang ay tinuruan ako ni Mommy kung paano magsulat ng diary. Una ay isulat ko raw ang date kung kailan ako nagsulat tapos kung ano ang mga gusto kong sabihin, ang sabi din niya sa akin ay dito ko raw isusulat lahat ng mga bagay na hindi ko sasabihin sa iba kaya lahat ng mga dapat nandito ay mga secrets ko lang.

Sa totoo lang, mas gusto ko kung stuff toys ang binigay sa akin ni Mommy kaysa notebook dahil first time niya akong binigyan ng ganito. Ang favorite ko kasing animal is unicorn, at mga stuff toys ng unicorn ang binibigay sa akin ni Mommy kapag birthday ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan ang sinabi ni Mommy sa akin kanina at bakit bigla nalang siya umiyak pagbigay sa akin ng notebook na ito. Wala namang nakakaiyak sa notebook diba? Pati ako nga ay hindi iiyak dahil sa notebook lang.

Pero masaya pa rin ako ngayon sa birthday ko dahil ang raming pagkain, sa lahat ng birthday ko ay pinaka-favorite ko itong 7th birthday ko dahil ang raming nagbigay sa akin ng mga laruan at kanina sa school ay binati ako ng lahat pati ni teacher, sinabi sa akin ni teacher na sana matupad daw lahat ng wish ko kapag malaki na ako.

Nagdrawing din kami kanina kung ano ang gusto namin paglaki at gumawa ako ng nurse dahil gusto kong maging nurse para makatulong sa mga taong may sakit. Excited na nga akong lumaki kaya wish ko everyday na lumaki na ako para maging nurse na ako at para maging masaya na ako at makapunta sa ibang bansa lalo na sa Japan.

Pero ang wish ko talaga ay makita si Daddy, hindi ko sinabi ang wish na ito kanina pagblow ko ng candle dahil ayaw ni Mommy na pagusapan namin si Daddy. Ayaw niya na magtanong ako tungkol sa kaniya dahil nagagalit siya agad at sinisigawan niya ako.

Kahit na nagagalit si Mommy ay wish ko pa din makita si Daddy, hindi ko alam anong pangalan niya at kung ano ang mukha niya dahil ang sabi ni Mommy ay wala na raw siya.

Pero kanina, naiinggit ako sa mga classmates ko na sinusundo ng mga Daddy at Mommy nila at kumakain ng ice cream, pero sa akin ay si Mommy lang sumusundo sa akin at kasama ko kumain ng ice cream.

Kanina din ay nakita ko ang classmate ko na naglalaro kasama ang Daddy niya at binilhan siya ng unicorn na lollipop sa labas ng school.

Sana ay kapag nakita ko na si Daddy ay bibilhan niya din ako ng lollipop na unicorn at sabay-sabay na kami ni Mommy na kakain ng ice cream sa labas at paglaki ko ay pupunta na kaming tatlo sa Japan.

Gusto kong pumunta sa Japan dahil gusto kong makita ang mga pink na bulaklak doon, tuwing nanonood kasi kami ni Mommy ng palabas mula sa Japan ay nakikita ko ang mga nahuhulog na pink na bulaklak mula sa mga puno kaya gusto ko ding makapunta doon.

Masaya ako ngayong araw pero kanina lang ay nakita kong umiiyak si Mommy habang may katawag sa cellphone, sumisigaw din siya na para bang nasasaktan siya sa sinasabi ng kausap niya.

Narinig ko na si Marcus ang pangalan ng kausap niya sa cellphone.

At narinig ko din na sinasabi ni Mommy ang pangalan ko at sinabi niyang nanganganib daw ako dahil may s...

Pinapatulog na ako ni Mommy, bukas nalang daw ako magpatuloy sa pagsulat.

Augustine Leonora De Vera
7 years old

Drama Of A Naive GirlWhere stories live. Discover now