[2] Time Will Come

16 4 0
                                    

C   H   A   P   T   E   R   2:TIME WILL COME

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

C   H   A   P   T   E   R   2:
TIME WILL COME

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

TODAY is Sunday and sabi ni Mommy ay pupunta daw kami ngayon sa church, kaya pinasuot niya sa akin ang favorite niyang white dress ko. Sabi niya, I look like an angel daw if suot ko ito kaya ito ang favorite niya.

Every Sunday ay pumupunta kami ni Mommy sa church, except lang last Sunday dahil naging busy siya. Ang sabi ni Mommy is dapat maging thankful daw kami sa mga blessings na binigay ni Papa God sa amin, tapos dapat daw ay humingi kami ng guidance sa kaniya para hindi kami lapitan ng bad spirits araw-araw kagaya ng mga sakit.

"Mommy, bakit ba kailangan nating pumunta sa church every Sunday, if pwede naman tayo mag-thank you kay Papa God kahit nasa bahay lang tayo?" tanong ko kay Mommy na nagdri-drive ng kotse.

"Yes, pwede naman tayo magdasal kay Papa God kahit nasa bahay lang tayo, pero if pupunta tayo sa church ay parang sign 'yun na naniniwala tayo sa kaniya, dahil nagpapasalamat tayo sa lugar na kanyang tahanan dito sa mundo, which is ang church."

Hindi ko masyadong naiintindihan si Mommy, pero alam kong maiintindihan ko rin siya if malaki na ako at maraming taon na akong pumupunta sa church.

Pagdating namin doon ay nakita kong ang daming tao ngayon na pumupunta sa loob, kahit maaga pa ay marami pa ring tao.

Hawak naman ni Mommy ang kamay ko habang papunta kami sa loob.

"Augustine, once na mag-start na ang misa, you will listen kay father, okay? what he will say during the mass is very important especially for you."

"Bakit po para sa akin?"

"Because that's my wish kay Papa God."

Hindi ko nga alam kung anong wish ni Mommy ngayon.

Ilang minuto na ang lumipas at nag-start na ang misa, biglang pumasok ang mga taong naka-puti na kasama ni father.

Tahimik lang ako, at gaya ng sabi ni Mommy ay nakikinig lang ako sa sinasabi ni father.

Ang lakas ng boses niya kaya naririnig ko kaagad ang sinasabi niya. Dapat daw ang mga magulang is kailangan nilang i-guide ang mga anak nila hanggang sa lumaki sila.

Pero sabi din ni father, Mommy at Daddy daw ang mag-aalaga sa mga bata, pero... wala naman akong Daddy, kaya mali si Mommy, hindi talaga para sa akin ang sinasabi ni father dahil wala akong Daddy na kasama.

Agad kaming lumuhod lahat sa nakalagay na maliit na foam sa harap namin, tapos sabi ni father ay kailangan na daw mag-pray.

Papa God, sana makita ko na talaga si Daddy, parati ko nalang sinasabi, pero wala pa rin kaya sana dumating na talaga ang panahon na dumating na siya sa buhay namin.

"Lord, please guide Augustine, don't let it harm her, please... I don't want to lose her in my life, she's my angel so please... please help me guide her and fight for her life. I don't want it to eat her, I don't want it to break her, I don't want it to take me away from her, and I don't want it to happen," narinig ko si Mommy na nag-pray din sa tabi ko.

Ako kaya ang pinag-pray ni Mommy? Pero hindi ko maintidihan kung ano ang ibig sabihin ni Mommy na para sa akin.

"Mommy, bakit ka po umiiyak?"

"No baby, hindi ako umiiyak, nakipag-usap lang si Mommy kay Papa God."

Buti pa kay Mommy dahil kinausap siya ni Papa God ngayon, bakit sa akin wala? Nag-pray din naman ako pero bakit hindi ako kinausap ni Papa God? Bakit si Mommy lang?

Nagsalita pa si father tapos ilang kanta pa ang natapos bago kami lumabas ng church dahil natapos na ang misa.

"Mommy..."

"Yes, baby?"

"Wala nalang po."

Nasaan na kaya si Daddy? Nagpra-pray din kaya siya ngayon sa church?

"Saan mo gustong pumunta ngayon, Augustine?"

"Mommy, bilhan mo ako nito please..." pinakita ko kay Mommy ang nakita kong unicorn toy set kanina pagpasok namin dito.

"Ang rami mo nang ganito sa bahay, huwag na 'yan."

"Wala pa naman po akong ganito, tapos po nakita ko sila Klarisse, Karol, at Christine na may ganito sila, tapos sabi nila bili din daw ako para maglalaro kami sa school."

"Augustine, hindi na lang 'yan ang bilhin natin sa iyo. Itong mini camera nalang, maganda 'to kasi you can picture and record all the beautiful things sa buhay mo, para paglaki mo, makikita mo ang mga bagay na nakuha mo sa buong buhay mo."

"Pero Mommy..."

"Sigi na Augustine, mas mabuti na ganito nalang ang bilhin mo kaysa sa unicorn toy set na 'yan."

"Okay po."

Sana 'yung unicorn toy set nalang ang bilhin ni Mommy para sa akin para makalaro ko sila Christine at Karol gamit ang laruan na ito.

"Don't worry, Augustine, time will come and you will understand kung ano ang ginagawa ko para sa iyo, but for now, since you are still young to understand all of this, you better listen to what Mommy say, okay?"

"Yes po, Mommy."

Sana malaki nalang ako para maintindihan ko na si Mommy.

Sana malaki na ako para umuwi na si Daddy.

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

Follow me on my socials;
Facebook: Rhon Justine Samodal
Instagram: @rvboligrafo

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

Join the official hashtag blast online: #DramaofaNaiveGirl

And, share your inspiring stories online with a hashtag; #What'smyDrama and get the chance to be recognized and win something.

Drama Of A Naive GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant