[15] Is He Too Late?

11 4 0
                                    

C   H   A   P   T   E   R   15:IS HE TOO LATE?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

C   H   A   P   T   E   R   15:
IS HE TOO LATE?

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

KARL'S P.O.V

I am scared.

Ilang araw na ang lumipas noong huli ko siyang nakita, at ang huling pagkikita naming iyon ay hindi ko pilit na malimutan.

Ilang araw na ang lumipas pero presko pa din sa mga mata ko ang mukha ni Augustine noong bigla na lang siyang natumba hanggang sa mapunta na siya sa hospital. I know she's suffering, I know she's in pain, I know she's fighting for something, pero wala akong nagawa... wala akong nagawa dahil natatakot ako.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang takot na ito pero... alam kong natatakot ako.

For the past few days, wala na akong ibang iniisip kundi ang kalagayan niya sa hospital lalo na at alam ko na ang kalagayan niya.

Sa totoo lang, I tried to forget her. I tried to forget anything about her and start a new journey gaya ng huli niyang sabi sa akin... pero hindi ko talaga kaya. Ilang beses kong sinubukan na baguhin ang isipan ko pero hindi ko talaga kaya, hindi kaya ng konsensya kong isipin na magbabagong buhay na ako samantalang siya ay nahihirapan doon sa loob ng hospital.

Ilang beses kong ginustong puntahan siya pero... ang duwag ko!! Ang duwag ko para harapin uli siya, ang duwag ko dahil natatakot akong makita siya sa sitwasyon niya, natatakot akong makita siyang ulit na nahihirapan.

Dahil hindi ko kaya.

Hindi ko kayang makita siyang nagkaganoon, kaya pilit akong pinipigilan ng sarili kong puntahan siya.

At isa pa... nandito pa rin ang iba pang takot na baka kung pumunta ako sa kaniya ay ipagtabuyan niya na naman ako, baka sasabihin niya lang na umalis na lang ako dahil ayaw niyang nakikita siyang ganoon o mahalin ko siyang ganoon, sinabi na niya sa akin ang nararamdaman niya sa sitwasyon at sinubukan ko siyang pigilan pero ayaw niya, kaya natatakot ako na baka wala na rin akong makukuha pagpunta ko doon, natatakot ako na kahit pa pumunta ako doon ay hindi ko na talaga maibabalik ang pagmamahalan naming dalawa.

Ako ang lalaki dito, alam kong dapat ako ang dapat na nagpapakatatag sa relasyon naming dalawa pero... hindi ko naiintindihan kung bakit ako ang natatakot at kung bakit ako ang naduduwag. Ako ang lalaki pero ako ang mahina ang loob at kumpyansa sa relasyon namin.

"Alam mo, Karl, mas mabuting puntahan mo nalang si Augustine, wala mang kasiguraduhang babalik ang dating kayo pero at least 'diba... pinakita mo sa kaniya na nandyan ka pa rin para ipakita sa kaniya na kumakapit ka sa inyong dalawa. And... no one knows what's about to happen, and yet we all know that regret is always at the end, kaya kung ako sa'yo puntahan mo na. That's your girl, Karl, you need to show her some support to keep on fighting sa kung ano mang nararamdaman niya. And also, visit her also for us, we can't go there kaya ikaw na ang mag-abot ng pagmamahal namin sa kaniya," saad ni Karol sa ibang linya ng tawag.

Drama Of A Naive GirlWhere stories live. Discover now