CH 8

823 7 0
                                    

[Asher's POV:]


Napuno ako ng kaba sa mga oras na ito ng dumating ang oras para sa Student figh Day. Paniguradong hindi lang ako ang nagtataka bakit napaaga ang ganito, kung tutuusin dati ay nasa gitna ng taon pero ngayon wala pang isang buwan ay sinimulan na nila.


Mukhang may kakaiba, iba ang nararamdaman ko sa taon na ito. Maraming kaganapan, at maraming bago na hindi ko masabi. Ang tanging nalalaman ko lang sa ngayon ay parang ang hirap harapin at laruin ang taon na ito.


"Yung mall ah?" Pangungulit ko pa sakanya ulit, para na rin makampante ako habang hindi pa nag-uumpisa ang laban.


"Ilang beses mo ba uulitin sa isang araw 'yan, Asher?" Halata na sa kaniyang mukha ang pagkairita that makes me smile.


"Hanggang hindi dumadating yung araw na mag-mall na tayo." I smiled.


"Hay, ang kulit mo!" Sigaw niya pa sa akin sabay irap.


"Atleast, sayo lang!" Sigaw ko sakanya pero mahina lang 'yon, siyempre hindi ako magpapatalo sa babaeng ito.


Narinig ko ang pag-smirk niya sa akin while her arms were across. She was just focus na pinapanood ang mga nag-aayos sa harapan. 


"Sa tingin mo, sino kaya makakalaban ko?" Maya maya tanong niya sa akin.


"Either babae or lalaki makakalaban mo." I answered dahilan para mapatingin siya sa akin.


"Paano kapag lalaki?" She asked and I bit my lip that time.


"Sa tingin mo papayag ako?" Seryoso kong tanong sakanya dahilan para magulat siya ng bahagya.


"Paano nga?" Pag-uulit niya pa.


"Edi, ako yung papalit." Mahinang sagot ko na may ngiti sa akin.


"Sasaktan mo ako?" Nahinto ako sa sinabi niya, dahil sa kaniyang sinabi hindi ko alam bakit may kirot ng sabihin niya ang salita na 'yon.


"Hindi kita sasaktan," Pag-iling ko sakanya. "Hahayaan ko ang sarili ko na saktan mo ako hangga't gusto mo."


"Willing ka mag-sacrifice?"


"Kung sayo, oo."


I didn't hesitate answering her question.


I didn't think twice and say yes.


Pero bakit nga ba ako pumayag sa kaniyang tanong? Bakit ako pumayag na sasaktan ako ng isang babae. Ang puso ko, parang hindi ko maipaliwanag kung ano ang gusto niya sabihin kaya kung ano ano nalang ang nasasabi ko.


Mahirap magmahal sa mundong kinagagalawan namin...


Full of SecretsWhere stories live. Discover now