CH 9

736 7 0
                                    

[Asher's POV:]


Nang matapos akong magbihis for the swimsuit competition ay agad akong lumabas sa fitting room, short at sando lang ako. Sinabi sa akin ni Jeremiah ang isang tip niya na hindi niya pa ginagawa. Pero yung tip na kaniyang sinabi ay tip ko na rin dahil ganon na ganon ang naiisip ko dati, hindi ko akalain na iisa lang ang aming gusto.


Lumabas ako sa fitting room at sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Yung mga babaeng contestants ay hindi na matanggal ang tingin sa akin.


"Naks, lakas ng dating natin Asher, ah?" Biglaan na ni Amara sa side ko. 


"Hoy! Hoy! Yung mata mo nga huwag mo ituon sa kaibigan ko." Singhal sakanya ni Zayden kaya sinamaan lang ni Amara ng tingin ang kaibigan ko.


"Hindi ko aakalain na ang ganda pala ng katawan mo." I was just smiling on what Amara saying.


"Amara, ganyan rin katawan ko! Gusto mo pakita ko sayo?" Singit ni Zayden dito, akmang itataas na ang kaniyang damit.


"Ikaw ba sinabihan ko?!" Sigaw ni Amara dito.


"Swerte mo nga ikaw palang makakakita sa katawan ko." Hindi talaga nauubusan ng bardagulan ang dalawang ito.


"Ako palang?" Tanong ni Amara dito. "Yung magulang mo hindi pa ba nakita katawan mo?" Pangbabara ni Amara dito na ikinatikom ng aking kaibigan.


Halos mapakamot nalang ako ng ulo dahil maya't maya ay nagsisigawan silang dalawa. Konti nalang ata ay maglalagay ng ako ng headset para lang hindi ko sila marinig dalawa. Parang mga batang nagsisigawan sa harap namin, kaya hindi namin maiwasan na mairita sa dalawang ito.


"Nasaan na si Kash?" Tumingin pa ako sa kaibigan ko ng tanungin ni Killian si Kash.


"Ah, nasa fitting room pa, sandali tawagin ko lang." Sagot sakanya ni Freya at agad naman itong umalis.


"Tignan niyo lang kung gaano kaganda kaibigan ko na si Kash." Mayabang na sabi ni Amara dito.


Naghintay kami ng ilang minuto para lumabas si Kash, mukhang hindi pa siya tapos. Hindi pa naman nagsisimula ang swimsuit competition kaya hindi kami naghahabol ng oras. Sa mga oras na 'yon, narinig ko na ang boses ni Amara na nagagalit na.


"Tanggalin mo na kasi, ikaw lang may cover-up sa lahat!" Rinig ko ang sigaw ni Amara sa kalayuan.


"Ayoko!" Balik sigaw ni Kash dahilan para lumingon ako sa kanilang gawi.


"Bakit ba ayaw mo? Sila walang cover-up, ikaw meron? Huwag kang papatalo, kaibigan." Ani ni Amara dito.


"Ayan nanaman sila." Napasapo nalang sa noo si Freya, dahilan para hanapin ko ang dalawa.


Hindi ko alam, bakit tumigil ang mundo ko at bumagal ang paligid ng tuluyan ko na siyang makita. Hindi ako nakuha ng katawan niya kung hindi nakuha niya ang atensyon ko kung gaano siya kaganda sa aking paningin.

Full of SecretsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz