CH 5

1K 5 1
                                    

[Asher's POV:]


Hindi ko alam ang nangyari kung bakit ganito ako mag-alala masiyado sa babaeng ito. Kung dati ay wala naman akong pake sa mga babae pero siya, hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ko at tulungan ko siya. Nang matumba siya sa mga kamay ko hindi ko maiwasan ang mag-alala ng sobra sakanya, lalo na ay naaakit ako nito ng mala-anghel niyang mukha.


Halos naiinis ako sa dami ng mga sasakyan sa daanan kahit anong gawin ni Killian ay wala siyang ibang magagawa kung hindi ang maghintay dahil sa araw ngayon at paniguradong maraming pumapasok sa mga trabaho sa mga oras na ito. Hindi ako makampante lalo na at nakahiga sa akin ang babaeng ito ng nakapikit, kahit anong gawin kong yugyog hindi siya nagigising! 


Naiinis ako na ewan, hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayong araw. Kung ano ba ang nangyayari sakanya, bakit bigla bigla nalang sumasakit ang ulo niya ng wala sa oras. Ang dami, ang daming tanong na gusto ko masagutan ngayon mismo it's either ang kaibigan niya ang sumagot or siya mismo.


"Killian bilisan mo!" Sigaw ko kay Killian, hindi ako mapakali naiinis ako ng sobra sa dami ng mga sasakyan ngayon.


"Asher sadyang maraming sasakyan." Sagot nito sa akin, kung pwede lang sagasaan na ang mga ito ginawa ko na, pero hindi baka ipahamak pa namin lalo na ang babaeng ito.


"Asher calm down." Si Jeremiah na pilit akong pinapakalma kanina pa, palibhasa hindi niya nararamdaman ang kaba na nararamdaman ko ngayon, dahil sa babae na ito.


"Paano ako hihinahon? Hangga't hindi ko nakikitang gising ang babaeng ito, hindi ako kakalma Jeremiah, alam mo yan!"


"Pero wala tayong magagawa, okay?! Marami ang bumabyahe ngayon." Sambit nito at halos masuntok ko na ang upuan ng sasakyan.


"Fuck!" Tanging mura ko nalang sa sarili ko at wala ako nagawa kung hindi ang isandal ang sarili sa upuan.


Halos hindi ko na alam ang gagawin ko tinignan ko ang mukha ni Kash, napakaganda mo Kash, para kang anghel... Hinawakan ko pa ang kaniyang pisngi gamit ang palad ko, napakalambot, makinis, mas maganda ka kung nakikita kitang nakamulat ang mata ngayon. Hindi ako sanay na makita kang walang malay, sanay ako kapag nakatawa ka nakangiti ka sa harapan ko.


Sa halos one-week na pagbabangayan natin, mas lalo pa akong naging interesado sayo, Kash...


Bakit ngayon kalang dumating? 


Bakit ngayon ka lang dumating sa school na 'yon? 


Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sayo Kash, ayokong masaktan kita sa oras na malaman mo ang tunay na ako.


Tunay na ako.


Nang makarating kami sa hospital ay mabilis namin itong binuhat at nilagay sa hospital bed. Agad din siyang dinala sa emergency room pero sa oras na iyon hindi ko nanaman maiwasan ang magalit sa mga nurse dahil hindi na nila kami pinayagan tatlo na makalapit pa sakanya. Nagstay kami kung saan lang inabot ang mga paa namin bago kunin si Kash ng mga nurse sa hospiital, tinitignan kami ng mga ibang nurse pero pinabayaan ko nalang iyon dahil na siguro sa naka uniform kaming tatlo.

Full of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon