CH 6

1K 3 0
                                    

[Kash's POV:]


"71." Sambit ng isang lalaki.


"Anong 71?" Tanong ko sakanya dahil sa dami ng number ay bakit 71 ang kaniyang sinasabi niya.


"Tandaan mo ang number na yan, Kali."


"Para saan ang number 71?" Muli kong tanong dahil maraming tumatakbo sa isip ko kung anong meron sa 71 na number.


"Just remember it."


"Okay, fine." Pag-payag ko nalang dahil mukhang wala rin siyang balak sabihin sa akin kung ano ang dahilan ng 71 na number, napaka-special ba ng number na 'yon?


"71, seventy-one na beses sa isang araw na lagi kong sinasabi sayo na you are enough."


"Ano ba yan." Napangiti ako at that time.


"Kinikilig ka na niyan?" He asked me, I was just looking at him.


"Stop, manahimik ka na nga." Nakangiti kong sabi sakanya at umiwas ng tingin.


"Love me till the end, okay?" Sinikap kong ngitian siya sa mga sandaling 'yon, napakahirap ng ganito, ang mahiwalay sa taong mahal mo.


"Yeah, don't worry." Tanging sagot ko nalang dahil wala na akong choice kung hindi ang palayain siya.


If that's make him happy, I will let him go just to see his precious smile. 


Labas sa mga gulo dito at masaya siya sa pinili niya.


"Walang papalit sa akin ha?" Ani pa nito, hinawakan niya ang aking kamay that time.


"Ikaw lang."


"That's my girl." 


Ang mga yakap niya. Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para maiyak ako sa kaniyang dibdib. Hindi ko lubos maisip sa tagal tagal, sa ganitong paraan pa kami mahihiwalay sa isa't isa. Until now, gumugulo ka pa rin sa isip ko kahit ilang taon na rin ang lumipas.


Bakit patuloy kang nagpaparamdam sa akin?


Ano ang gusto mo sa akin? Okay na tayong dalawa, pero hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kung ano ang ginagawa mo bakit mo ako sinusundan.


"vous pouvez choisir d'être heureux maintenant."


May luha sa aking mata ng bigkasin niya ang salitan 'yon. Salitang, dinala ko habang buhay, siya lang talaga.


"Je vous aime."


Bigkas ko sakanya at pumikit ng may tumulong luha sa aking mata. Lalong humigpit ang yakap ko sakanya when the time he was trying to let go everything.

Full of SecretsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora