OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #29

Start from the beginning
                                    

"Hindi ako makakaramdam ng pagod kung para sa kanila, dad." Sagot ko.

"That's our boy."

Napalingon ako kay papa dahil sa sinabi niya.

"Go, kami na muna ang bahala sa mga anak mo. Puntahan mo na muna ang asawa mo bago ka bumalik sa palasyo. Alam namin may mga gagawin ka pa doon na hindi natatapos."

"Salamat, papa." Ginawaran ko ng damping halik sa nuo ang kambal bago ako maayos na nagpaalam sa mga ito para puntahan si Xaviel at doon na ako magpapalipas ng oras bago ako bumalik sa palasyo.









"My Xaviel." Mabilis ang naging paghakbang ko palapit ng maabutan ko itong gising.

"Mandy." Mahinang sambit niya sa pangalan ko.

Nagbigay daan naman si Frances na umalis sa kinauupuan sa tabi nito sa gilid ng kama.

Niyuko at ginawaran ng halik sa labi. Mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

"Are you okay now? Wala bang masakit sayo?"

"Just a moment ago and I'm fine." Sagot naman niya sa akin. "So, don't worry."

Muli ko siyang dinampian ng halik sa labi ng makarinig ng pagtikhim. Doon ko naalala si Frances na nasa likod ko at nakatingin na sa amin.

"Ehmmm."

Napalingon ako kasunod ng pagtayo ko.

"Salamat sa pagbabantay kay Xaviel." Kuway sabi ko saka nakipagkamay dito.

"Haha. Ang formal mo parin makipag usap sa akin gayong asawa ka na ng kambal mo. Cut the formality."

Bahagya akong natigilan. Bihira naman kasi kami magkaharap kahit na asawa ko na nga si Xaviel kaya hindi ko pa masyadong nasasanay ang sarili kong alisin ang pagkapormal kapag kaharap ito.

"Sorry for that. Hindi ko lang maiwasan." Totoong sagot ko. "I will do that. And thank you."

"Yeah!"

"Kumusta ang kambal? Hindi ba siya napahamak? Naitawag man nina papa na okay na siya ay nag aalala parin ako kapag hindi ko sila makikita."

Napalingon naman ako sa kanya.

Muli akong naupo at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit at dinala iyon sa tapat ng labi ko.

"Sorry, hindi ko sila napabantayan ng maayos. Kasalanan ko."

"Hindi mo kasalanan. Sadya lamang na masyadong magulo ang pamilya mo kaya wala kang dapat ihingi ng tawag." Sagot niya na binawi ang kamay niyang hawak ko at humaplos iyon sa pisngi ko.

"Gusto kong makita o masaksihan kung paano maparusahan ang mga gumawa nun sa anak ko."

"Hindi pa namin napapag usapan iyan ni Ama pero may alam na ako kung ano ang ipapataw sa kanila?"

"Ano?"

"They will execute by firing squad."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko.

"Isa lamang iyang sa mga capital punistment na umiiral dito. Shooting, hanging, beheading, stoning at marami pang mabibigat na parusa ng kamatayan lalo na at pinagtangkaan nila ang buhay ng tagapagmana ng sultan. Mabigat na kasalanan iyon kaya isa sa mga iyon ang magiging parusa sa kanila." Mahaba kong paliwanag sa kanila.

"Hindi ba sila pwedeng makukulong lang at.."

Umiling ako kaya hindi naituloy ni Frances ang sinasabi.

"Kung sa Pilipinas ay maaring iyon lang ang mangyayari pero dito hindi iyon palalampasin ng sultan at lalong hindi din ako makakapayag na semple lamang ang magiging parusa nila. Kung ako lang ang masusunod ay sa kamay ko na mismo sila babawian ng buhay."

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Where stories live. Discover now