OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #8:

7.3K 398 63
                                    

Typos and grammatical error ahead!!
MATURED CONTENT!!

R-🔞


¤¤¤
XAVIEL POV:
¤¤¤

Habang nakatingin ako sa monitor ng cctv na siyang nasa labas ng opisina ko ay kitang kita ko siya kung paano dumugin ng mga dalagang employee's ko.

Hindi naman nakapagtataka. Nasa katangian ni Mandy ang pagkakaguluhan ng mga kababihan. Pero nakapagtataka na sa katangiang taglay niya ay sa akin pa talaga niya itinuon.

Ang tindig at porma? Talagang napakalakas ng dating tulad na lang ngayon. He smile while he is talking to them.

"Huh! Such an Angel in disguise." Mahinang saad ko habang patuloy parin ako sa pagmamasid sa kanya.

Nandito naman siya kanina sa loob pero nagpaalam siya para bumili daw ng meryenda namin.

Sinabi ko naman na hindi niya iyon kailangang gawin at hindi ko naman ugaling magmeryenda pero nagpumilit parin siya at tulad ng dati hindi ko na naman siya nasuway.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago ko nag out sa pagnunuod. Hihintayin ko na lang ang pagpasok niya kung kailan siya makakawala sa mga atensyon ng mga employee ko.

Pinagtuunan ko ulit ng pansin ang trabaho ko habang hinihintay ang pagpasok niya muli sa loob ng opisina ko dala ang pinamiling meryenda.

○○○

"Pasensya ka na, medyo natagalan ako." napaangat ang tingin ko mula sa binabasa ko ng magsalita siya. Narinig ko naman ang pagpasok niya pero hindi ko na inabala ang sarili kong tignan siya kanina.

"Sinabi ko naman na hindi mo kailangang abalahin ang sarili mo."

"But I insist. Saka masaya akong pagsilbihan ka." may ngiti parin sa mga labing saad niya. Nilinisan ang lamisita bago maayos na inilagay doon ang mga pagkaing binili niya.

Hindi ko na naituloy pa ang ginagawa ko dahil natuon na ang paningin ko sa kanya. Sa bawat galaw ng katawan niya ay nahihipnutismo akong pagmasdan siya.

"Halika na." Napakurap pa ako ng humarap at magsalita siya.

Sa salitang iyon ay awtomatikong kumilos ang katawan ko para tumayo sa kinauupuan ko. May kung anong isip ang mga paa ko na humakbang palapit sa kanya at tumigil mismo sa harap niya.

Nasa mga labi niya ang mga ngiti na laging nakapaskil doon sa tuwing tinititigan niya ako. Kusang umangat ang isang kamay ko at humaplos iyon sa pisngi niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin iyon. Gusto ko mang suwayin ang naging kilos ko ay huli na dahil masuying humahaplos na ang palad ko sa pisngi niya.

"Hmmm, what is that for?" para akong napaso at agad kong binawi ang kamay ko pero mabilis niya iyong napigilan at muling ibinalik iyon sa kung saan ko siya hinaplos. "May problema ka ba?" tanong niya na iyon parin ang tinig na laging nanunuyo.

Napakurap ako. Binabawi sa kanya ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan bagkus dinala niya iyon sa tapat ng labi niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

"I wish every single day to be with you like this." siya naman ngayon ang humaplos sa pisngi ko.

Sa haplos niyang iyon ay parang bumigat ang talukap ng mga mata ko kaya ako napapikit. Ramdam ang init na nagmumula sa palad niya na siyang nakapagparamdam sa akin ng kaginhawaan, kapayapaan at radam ang kaligtasan sa tabi niya.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon