OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #1:

17.6K 500 90
                                    

Typos and grammatical error ahead!!






¤¤¤
XAVIEL POV:
¤¤¤

Magandang tindig. Magandang porma. Ginagalang ng lahat.

"Magandang umaga sir." Halos sabay sabay na pagbati sa akin ng mga empleyedong madadaanan ko sa unang palapag ng gusali ng kompanya ko.

Tinitingala ng karamihan.

Hindi na bago iyon dahil isa akong Anderson. Ang kilala at tanyag na angkan ng Anderson na siyang patuloy na pumapayagpag ngayon kasalukuyan.

Isa na ako ngayon sa namamahala sa isang negosyo ng aming papa. Isang tanyag din na Anderson na kabilaan ang mga kawang gawa sa mga mahihirap. Ako na ang isang magpapatuloy sa mga nasimulan ng aming angkan na sinimulan pa noon ni lolo.

Kami ni Frances ang mga naunang apo sa tuhod ng lolo.

Naikwento nga sa amin kung paanong naging Anderson parin si papa kahit na natabunan ng ang apelyedong iyon sa kanya. Na ngayon ay dala na din namin.

Sinabi ng lolo na hindi dapat mawala sa amin ang apelyedong Anderson kahit na anong mangyari.

Pero paano ako?

Paano ko iyon ipapamana sa magiging anak ko sa kasalukuyan?

Damn!

Hindi sa ikinakahiya ko ang pagiging ganito.. pero bakit ako? Bakit ako ang kailangang magmana ng kalagayan ng nagsilang sa amin.

Yes, I admit that... namana ko ang kalagayan ni daddy na siyang mismong nagsilang sa aming dalawa ni Frances. At sa kambal pa naming nakakabatang kapatid.

"Sir... Sir.. Narito na po tayo." Napakislot ako at napatingin ako sa assistant ko. Tinignan kong saang floor na kami.

Tumango ako. Muli akong tumindig ng tayo bago naglakad palabas ng elevator. Dumeretso sa opisina.

Habang naglalakad ay sinasabi na sa akin ng assistant ko ang mga naka schedule na gagawin ko ngayon araw na ito.

Magiging abala na naman ako maghapon. Iyon na lang ang tangi paraan na ginagawa ko para maalis sa isipan ko ang isang mabigat na katutuhanang pilit kong kinakalimutan.

"Thank you." Kinuha ko mula dito ang mga papeles na kailangan kong ng permahan. "Makakabalik ka na sa lamesa mo."

"Yes sir."

¤¤¤
¤¤¤

Overtime na naman.

Parang ayaw ko pang umuwi pero gusto ng sumuko ang mga mata ko. Gusto ng pumikit kaya naman itinigil ko na ang trabaho ko.

Pasado alas diyes na ng gabi. Ako na lang ang natira maliban sa mga guard na magbabantay magdamag.

Naging abala na ako maghapon at nawala na sa isip ko ang ilang mga agam agam pero ngayong tapos na naman ang oras ng trabaho ay muli ko na namang naisip ang kalagayan ko.

"Damn!." Kuyom ang kamao ko na naisuntok iyon sa ibabaw ng lamesa ko.

Pitong taon na din ng malaman ko sa sarili ko na namana ko ang kalagayan ng daddy. Na noon lang din kinumperma ng papa iyon na matagal na pala nilang itinatago sa akin.

Alam ko na para kay daddy ay isang biyaya ang pagkakaroon ng sariling matress dahil naisilang niya kami ni Frances at ang dalawa pang kambal na kapatid ko.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon