OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #4:

7.5K 345 61
                                    

Typos and grammatical error ahead!







¤¤¤
MANDY POV:
¤¤¤

Hindi ko mapigilan ang lihim na mapangiti habang pinagmamasdan ko siya sa malayo.

My Xaviel.

Kumuha na naman ako ng larawan dahil sa ganda ng anggulo kung saan ako nakapwesto habang pinagmamasdan ko siya.

Napacute niya sa paningin ko na siyang lalong nakakapagpahulog ng loob ko sa kanya. Sa pagsunod ko lamang sa kanya ng ganito ay mas lumalalim ang damdaming nararamdaman ko sa kanya.

My Precious Xaviel.

Isa, dalawa, tatlo at higit pa ang nakuha kong larawan niya. May maidadagdag na naman ako sa mga collection ko at ilalagay sa mga photo album na ang mga larawan lang niya ang laman.

Walang ibang magagandanf tanawin ang makakahigit sa ganda ng tanawing natatanaw ko sa kanya.

My one and only Xaviel.

"I will make you mine, Xaviel." Bulong ko habang patuloy parin akong nakamasid sa kanya. Sa bawat paggalaw ng kamay niya. Nabibilang ko ang bawat pagkurap niya. Kung paano kumibot ang mga labi niya habang nagsasalita.

Nanatili lamang ako sa kinauupuan ko habang naghihintay na matapos siya sa pakikipagdeal na naman sa mga negosyo niya.

Napakahard working niya at hindi ko pa nakitang nagsayang siya ng oras. Lagi siyang busy sa trabaho. Trabaho sa opisina at sa bahay lang ang routine ng buhah niya. At iyon ang isa sa babaguhin ko sa kanya.

Gusto ko ding iparanas sa kanya ang saya sa kabilang mundo na nakasanayan niya. Kung paano ang ganda ng buhay ng may nagmamahal sa kanya. At kung magkakaroon ako ng pagkakataon ay ako anh magpaparanas sa kanya ngkaligayahang iyon.

Pupunan ko ng pagmamahal ang buhay niya ng magkakulay naman. Hindi lang sa negosyo niya dapat umiikot ang buhay niya. Dapat bigyan din niya ng pansin ang makakapagpaligaya sa kanya.

"My Xaviel." Naibulong ko. Nakikita ko kasi lagi sa mga mata niya ang kalungkutan na itinatago lamang niya sa pagkaabala sa trabaho. Alam ko. At nararamdaman ko na may mabigat siyang problemang dinadala. At isa iyan sa mga aalamin ko para matulungan siya.

Napakurap ako at nawala ang ilan sa mga iniisip ko ng makitang tumayo na siya at nakipagkamay sa kausap.

Matagumpay na ngiti ang napaskil sa kanyang mga labi matapos itong makipag usap sa kaharap.

"Good for you." Muli kong bulong. Kahit man lang sa ngiti ng tagumpay na iyon ang makita ko sa kanya kahit hindi abot iyon sa kanyang mga mata na may nagtatago paring lungkot doon.

Palaging ganito ang nakikita ko sa kanya.

"Why?" Pero sa tanong kong iyon ay wala naman akongmaisasagot maliban sa tanungin ko iyon mismo sa kanya. Pero paano kung sa tuwing tatangkain kong lumapit sa kanya ay wala na siya o di kaya naman ay lagi siyang umiiwas at hindi man lang umaabot sa isang minuto para makausap siya.

Palabas na siya ng restaurant kaya naman mabilis akong kumilos para muli siyang sundan. Hindi dapat siya mawala sa paningin ko kahit na ilang sigundo lamang. Gustuhin ko pa sana na kahit sa gabi ay nakikita ko siya pero imposeble pa iyong mangyari ngayon dahil hindi ko pa nakukuha ang loob niya. Pagtitiyagaan ko na lang muna ang mga larawan niyang nakukuha ko sa araw araw na pagsunod ko sa kanya.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon