OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #22

3.8K 249 40
                                    

Typos and grammatical error ahead!




XAVIEL Pov:

"Hey."

Nakita ko ang paglunok niya ng tawagin ko ang pansin niya.

Hindi maitatanggi na kinakabahan siya dahil kita pa lang sa kamay niyang nanginginig habang hawak niya ang isa kong kamay na paulit ulit niyang dinadampian ng halik.

"Hindi ba masakit? Hindi ka ba masasaktan? Wala na bang ibang paraan para mailabas sila at hindi hihiwain ang tiyan mo?" Magkakasunod na tanong niya na talagang nanginginig siya. Mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin.

"Iyon lang ang tanging paraan hijo." Si daddy ang sumagot na kakapasok lang at narinig ang mga tanong niya. "Hindi naman niya mararamdaman ang sakit habang inooperahan siya. Kaya huwag kang masyadong mag alala." Paliwanag pa ng daddy. "So relax." Tinapik pa siya ni daddy sa balikat ng tuluyang makalapit sa amin.

"Pwede ba akong sumama sa kanya sa loob, tito?"

"Mandy." Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil sa sinabi niya. "No. Hindi ka pwedeng sumama."

"Pero...."

"Huwag mo ng ipilit hijo. Mabilis lang naman ang operasyon. Wala pang isang oras ay matatapos na at makikita na nating lahat ang mga baby niyo."

Muli siyang napalunok. Mariing lumapat ang labi niya sa likod ng palad ko na may pagpisil habang hawak niya.

Ilang sandali pa ay dumating na si Papa at sinabing oras na ng operasyon ko para tuluyan ko ng maipanganak ang kambal.

"I love you." Bulong pa niya na mariing hinalikan ako sa labi bago ako pinakawalan at hinayaang dalhin na sa Operating room.

Kinakabahan din naman ako pero mas kailangan kong magpakatatag. Hindi naman ako papabayaan ni papa dahil siya mismo ang magsasagawa ng operasyon.

"Relax, hijo."

"Yes, papa." Pagtugon ko bago ko tuluyang maramdaman ang pamamanhid ng katawan ko dahil sa itinurok nitong anistisya.

Gising na gising man ako habang isinasagawa ang paghiwa ng tiyan ko ay wala akong ibang maramdaman. Nakikinig na lang ako sa bawat sabihin ng papa sa mga kasama niya.

Hindi ko alam kung ilan ng minuto ang lumipas ng tuluyan kong marinig ang unang iyak ng baby ko. Doon nalaglag ang aking luha dahil sa kagalakan. Hindi ko pinagsisisihan ang pagdadala ko sa kanila kahit na minsan kong isinumpa ang kalagayan kong pwede akong magbuntis.

Pero ngayon.. tuluyan ng naglaho iyon dahil kakaibang galak ang naramdaman ko sa puso ko.

"My baby." Bulong ko na halos hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa pamamanhid. Ilang minuto pa ulit ang lumipas ay muli kong narinig ang iyak ng pangalawang baby ko.

"Ang lulusog nila." Ang papa ng dumungaw sa akin. "You can sleep now, hijo. Para paggising mo mamaya ay masisilayan mo na sila." Ani ng papa na kahit hindi na niya sabihin ay hinihila na nga antok ang kamalayan ko. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na nga akong nakatulog.









MANDY Pov:

Lakad dito. Lakad doon. Hindi ako mapakali dahil talagang binalot ako ng kaba habang naghihintay sa paglabas nila sa operating room.

Pinaghandaan ko na ang araw na ito pero iba din pala talaga ang kaba ko ngayon dumating ang araw na panganganak niya.

Nanginginig ang buong katawan ko sa pag aalala ko sa kanya. Sa kanila ng kambal. Para na rin akong masusuka.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon