OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #18

3.7K 244 39
                                    

Typos and grammatical error ahead!






XAVIEL Pov:

"Xaviel, hey buddy." Nakangiting sumalubong sa akin ang head ng gym kung saan ako laging nag gi-gym.

Pagbati na hawak kamay, hila. Yakap na may kasamang pagtapik sa balikat.

"Isang buwan ka na ding hindi napaparito. Akala ko nag iba ka na gym na pinupuntahan." Sabi pa nito na umagapay na sa akin sa paglalakad patungo sa locker ko.

Hindi naman ako pumunta dito sa gym para mag-exercise kundi para kunin ang mga gamit ko dahil titigil ako ng ilan pang mga buwan dahil sa kalagayan ko.

"Naging abala lang ako sa trabaho, Tristan. Saka hindi ako narito para mag ihersisyo. Gusto ko lang kunin muna ang mga gamit ko."

"Huh. Bakit?"

"Titigil na muna ako ng ilang buwan." Tanging sagot ko dahil hindi ko naman masabi dito ang totoong dahilan.

Gusto ko pang mag ihersisyo pero hindi na dito dahil ayaw kong makita nila na lumalaki ang tiyan ko sa mga araw pang dadaan.

"Nakakalungkot naman. Pero hindi mo naman kailangang kunin ang mga gamit mo."

"Yeah! But I insist. Hindi ko na din naman magagamit muna ang mga ito kaya kukunin ko muna para maayos na maitago."

"Uhm.. and.." natigil ito sa pagsasalita ng madako ang tingin niya sa pinto. "Holy shit. Take your time, buddy. Sasalubungin ko lamang ang bagong dating." Sabi nito.

Napailing ako na may kasamang pagngiti ng magtama ang mga mata namin ng sinasabi nitong bagong dating. Si Mandy iyon na ang akala ko ay maghihintay na lang sa labas ay sumunod din naman pala siya sa akin.

Ipinagpatuloy ko ang pag aayos ng mga gamit ko at isinilid iyon sa dala kong bag.

"Are you done?" Tanong niya ng makalapit sa akin na hindi pinansin ang pagsalubong sa kanya ni Tristan.

"Yeah."

"Do you know each other?" Tanong pa talaga nito na kahit hindi naman sagutin ay nakikita naman ng kunin niya sa akin ang bag na hawak ko.

"I'm his partner." Si Mandy na seryusong sumagot kay Tristan.

"What? Seriously?" Hindi makaaniwalang tumingin ito sa akin na may kasamang paghawak pa sa braso ko pero mabilis na tinapik niya iyon.

"Let's go, my Xaviel." Saka niya ako hinawakan sa kamay. Pinagdaop ang mga palad namin.

"Mauna na kami, Tristan." Tanging nasabi ko na lamang na hindi naman kinontra ang paghawak sa akin ni Mandy at magkahawak kamay na lumabas ng gym.

Hindi maalis ang pagkagulat ng mga palagi kong kasabayan sa pag ihersisyo na nakasunod sa amin ang tingin pero hindi ko na iyon pinansin.

"What?" Tanong ko ng bigla siyang tumugil at hinarap ako ng marating namin kung saan niya ipinarada ang sinakyan namin.

"Ganun ka ba ka close sa owner ng gym na yon?" Kuway tanong niya na tila hindi nagustuhan ang bagay na iyon.

"No." Sagot ko dahil hindi naman ako mahilig makisalamuha sa iba o maging close sa.kahit na sino.

"Then why he hold you..."

"Nah! Para saan naman ang..." kunot ang nuo kong hindi itinuloy ang nais kong sabihin ng mapagtanto ko kung bakit ganun ang inasal niya sa harapan ni Tristan. "Are you..."

"I want to be the only one holding you." Sagot nito na hindi pa pinatapos ang tanong ko sa kanya. Taas ang isa kong kilay na naaliw ako bigla na pagmasdan siya.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon