OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #14

4.3K 264 49
                                    

Typos and grammatical errors ahead!


Tahimik akong nakamasid sa kanya habang abala sa pagluluto ng agahan. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa ekspertong galaw niya sa pagluluto.

"Gutom ka na ba? Sandali na lamang 'to." Nakangiting bumaling pa siya sa akin sabay taas ng bahagya ang palayok na hawak at sandok.

"Yeah!" Tipud kong sagot saka ako tumayo sa pagkakaupo ko. Naisipan ko na ding maglabas ng pinggang kakainan namin para makatulong sa kanya.

Nasa mga labi niya ng muli akong sulyapan. "Umupo ka na lang, ako na ang bahala dyan."

"I insist." Saka ko ipinagpatuloy ang pag aayos ng pinggan at mga kubyertos sa lamesa.

Hindi naman din nagtagal ay tapos na siyang nagluto.

"Here we go. Tsaran." Sabay lapag ng mga nilutong agahan. "Let's eat." Saka ito umupo sa tabi ko.

"Ako na." Pagpigil ko ng lagyan niya ng kanin ang pinggan ko saka kinuha sa kanya ang sandok.

"Gusto lang maman kaita pagsilbihan."

"Hindi na ako bata, Mandy. Saka ikaw na ang nagluto, kaya hindi mo na kailangang pati paglalagay ng pagkain sa pinggan ko ay ikaw pa ang gagawa." Pagsagot ko sa kanya. At para matigil na siya ay siya na lang itong ipinagsandok ko ng pagkain at inilagay iyon sa pinggan niya. "Here." Sabi ko na napatingin pa ako sa kanya dahil napatitig siya sa akin. "What?" Kunot ang nuong tanong ko na muling naglagay ng ulam sa pinggan niya.

"I really love you." Pagsagot niya na sinabayan pa ng paghalik niya sa pisngi ko.

Napailing ako pero napangiti din dahil sa kaunting bagay lang na ginawa ko ay malaking bagay na iyon sa kanya.

"Tigilan mo na iyan. Kumain tayo."

Magana na nga naming pinagsaluhan ang pagkaing niluto niya. Magaan din naman pala sa pakiramdam na hindi siya sinusuway sa kakulitan niya basta huwag lang talaga niyang susobraham dahil masisita ko na naman siya.

Matapos nga kaming kumain ay sabay kaming bumaba ng palapag hanggang sa palapag ng opisina ko.

At tulad ng dati, tawag attraksyon talaga ang dating niya sa iba dahil nangingibabaw ang kagwapuhan niya.





"Paano mo sasabihin sa iyong ama ang pag ayaw mo sa kasal?" Seryusong tanong ko sa kanya ng mapag usapan namin ang kasal niya sa babaeng anak ng kaibigang maharlika ng kanyang ama.

"Nag iisip pa ako. Siguradong magwawala ang aking ama kapag sinabi ko na hindi na ako magpapakasal sa anak ng kayang kaibigan."

"Gusto mo bang samahan kita? I can help you with..."

"No." Mabilis na pagtanggi niya sa inaalok kong tulong na kausapin ang kanyang ama. "Sinabi ko sayo na ayaw kong madamay ka sa galit ng aking ama."

"At sinabi ko din sayo na hindi basta basta ang Anderson, kaya wala kang dapat ipag alala."

"Alam ko iyon pero hindi ko kayang isakripisyo ang katahimikan ng buhay mo sakaling madamay ka sa galit ng aking ama sa akin. Mag iisip pa ako ng paraan."

Napatitig ako sa kanya. Puno ng determinasyon ang mga matang nakatingin sa akin na ayaw talaga niya akong madamay sa problema niya.

Pero naisip ko na iyon nung una pa lang bago ko siya pinigilan sa pag alis. Pero hindi ko akalain na ganito siya katigas na huwag akong makialam sa problema niya.

"Look..."

"Still no, Xaviel." Pigil niya sa muli kong sasabihin. "Gagawa ako ng ibang paraan huwag ka lang madamay."

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon