OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #13

4K 252 36
                                    

Typos and grammatical errors ahead!





"Thank you, Sultan Malik." Tipid kong pasasalamat ka ama ni Mandy matapos akong makipag usap dito.

Hindi ko naman talaga itinigil ang pakikipag ugnayan tungkol sa aming negosyo pero hindi na si Mandy o ang nagpapanggap na Mandy ang aking kaharap kundi ang sultan na mismo.

Limang araw na din simula nung huli kaming magkita at magkausap ni Mandy. At ang limang araw na iyon ay pinakamahaba ng araw na hindi siya nagpakita sa akin.

Tuluyan na ba talaga siyang magpapakasal?

"Fuck, bakit ko ba iniisip iyon?" Sa loob loob ko dahil na rin sa hindi parin ako mapakali.

Inaamin ko na ang laki ng ibinago ng buhay ko simula ng dumating siya sa buhay ko at nangulit pero ngayon.. parang kulang na ang mga araw na wala siyang nangungit sa akin.

Pero paano at ano ang dapat kong gawin?

"My son, married soon." Ang sultan na pinipilit paring mag english.

"Greetings for him, Sultan Malik." Mahina kong sagot na halos walang boses na lumabas sa bibig ko. Sinundan ko pa ng pagtikhim dahil tila may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Kung hindi ko siguro alam na si Mandy ang anak nito ay baka mas may buhay ang pagbati ko dito pero may kung anong pumiga sa puso ko dahil doon.

Nagsalita pa ang Sultan. Habang nagsasalita ito ay isinasalin naman ng taga translate nito ang sinasabi. Sinabi nitong gusto akong anyayahan sa kahal ng nag iisang anak na lalaki.

"Ofcourse, sultan Malik." Kuway pagtanggap ko ng inbitasyon nito pero hindi naman ako sigurado at wala akong balak dumalo sa kasal ng lalaking nagparamdam na espesyal ako sa kanya.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga matapos ang aming pag uusap. Nagpaalam na ang mga ito at magkikita na lang ulit sa susunod na meeting namin para sa iba pang mga detale bago masimulan ang pagsasagawa ng naturang gusali.

Nakasunod na lang ang tingin ko sa sultan kasama ang mga guard nito at taga salin ng salita.

Bakit ba kailangang naging komplekado pa ang lahat. Bakit kailangang isa pa siyang anak ng sultan kung maayos na din naman ang kanilang pamumuhay.

"I hate this feeling." Naikuyom ko ang kamao ko dahil hindi ako makapag isip ng maayos dahil sa kakaisip kay Mandy dahil sa nalalapit niyang kasal?

Ano ang gagawin ko?

"No! Kailangan kong makausap si Mandy. Kailangang magkaliwanagan kami. Kailangan kong muling marinig ang side niya." Turan ko habang inaayos ko na ang mga gamit ko.

Habang palabas ng aking opisina at hawak ang cellphone at tinawagan ko na si Mandy para sabihin magkita kami pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

"Damn! Answer the phone, Mandy." Gigil na paulit ulit lamang ang ginawa kong pagtawag sa kanya pero wala paring sumasagot sa kabilang linya.

Nagtungo ako sa taas ng building kung saan ang penthouse niya pero wala parin siya doon at halatang hindi pa siya umuuwi. Kaya ang naisip kong puntahan ay ang maliit na kainang  pinuntahan namin noon.

It took me twenty minute bago ako marating ang naturang kainan nila.

"Good afternoon, Ms. Selvester." Pagbati ko sa kanyang ina na sumalubong agad sa akin ng makita ako.

"Magandang tanghali din, hijo. Kakain ka ba?"

"Hindi po, gusto ko lang sana makausap si Mandy." Magalang at seryuso kong sagot dito.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon