OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #26

2.6K 180 29
                                    

Typos and grammatical errors ahead!!
○○○

Isipin po natin na salitang Malay ang usapan nila habang nasa Brunei sila. Salamat po sa nakakaintindi...
○○○



"Hi."

Pagtango ang naging tugon ko sa pagbati sa akin ng babaeng dapat sana pakakasalan ko noon.

Lumapit ito sa akin.

Mabilis akong umiwas ng tangka ako nito akong hawakan sa kamay.

"What are you still doing here?" Seryusong tanong ko dito.

"Nais ko lang naman sana makilala ng maayos ang prinsipe."

"Hindi mo na kailangang makilala ako, Ms. Shika. Wala ng rason para sa bagay na iyan."

"But I insist. May oras akong kilalanin ka. Hindi ko naman sasayangin ang araw na ito lalo na at nakita na kita. Hindi kasi ako nagkaroon ng pagkakataon noon."

Kunot ang nuo ko sa ipinakita nitong kumpyansa sa sarili na makikipag usap ako dito.

"Ayaw kong maging bastos pero wala akong panahon para makilala ka. At lalong hindi ko sasayangin ang oras ko para sayo." Taas ang nuo na sabi ko dito sa seryuso paring tingin dito. "Dahil kung wala kang naging pagkakataon noon lalong mas wala kang aasahan ngayon."

"Prince Manjar. Hindi mo ba man lang ako bibigyan ng kahit na kaunting oras? Baka sa kaunting oras na iyon ay magbago ang isip mong muling ituloy ang..."

Marahas ang ginawa kong pagtabig sa kamay nito ng mangahas na muli akong hawakan.

"Ms. Shika, kung gusto mong igalang ka ng iba ay dapat mong pag aralan na igalang muna ang sarili mo. Sa ginagawa mo ngayong ipagpilitan ang sarili mo sa akin ay pinapakita mo lang na napakababa ng tingin mo sa sarili mo."

"Prince Manjar..."

"From the start... wala akong naging interest na pakasalan ka. Kaya kung wala ka ng ibang sasabihin ay pwede ka ng umalis sa dadaanan ko kung ayaw mong makaladkad palabas ng palasyo."

"You.."

May pagbabanta na ang naging tingin ko dito kaya natigil ito sa pagsasalita. Ng hindi pa ito umalis sa harapan ko ay ako na mismo ang umiwas para lagpasan ito.

At gaya ng sabi ko kanina. Wala akong balak sayangin ang oras ko sa walang kwentang tao.







Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang lihim na nakamasid kay Mandy na kausap ang babaeng iyon.

Gusto ko sana agad lumapit kanina pero napagpasyahan kong magtago na lang muna para makita at marinig kong ano ang gagawin at pag uusapan nila.

At hindi ako nabigo dahil sa ipinakitang walang kainti-interest si Mandy na makipag usap sa babae.

"That's my man." Naibulong ko ng magpasya na akong lumabas sa kinakukublian ko ng makaalis na si Mandy at naiwang tulala ang babae.

"Hey, you."

Wala naman sana akong balak kausapin ang babae at lalagpasan lang ito pero sinita niya ako kaya ako tumigil.

Kunot ang nuo kong nilingon ito pero hindi ako nagsalita at hinintay kung ano ang sasabihin nito.

Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa na ang sarap lang tusukin ang mga ito para mabulag na sa ipinakitang pagmamaliit sa akin. Isa pa naman iyon sa pinakaayaw kong ugali ng isang tao lalo na kung isa ito sa titignan ako ng ganun.

"Huh. Haha." Mahinang pagtawa ko na pingilan ang sarili na huwag nga iyong gawin. Baka kapag hindi ako makapagpigil ay mabura ang mukha nitong hindi naman kagandahan.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon