OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #21:

3.6K 223 40
                                    

Typos and grammatical errors ahead!




XAVIEL Pov:

"And I pronounce you Mr.'s Anderson. We can seal this with a kiss. You may kiss each other now."

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya ko naibaling ko ang tingin ko sa kanya mula sa kambal ko na patapos na ang kasal.

Hindi man siya deretsang tumingin sa akin ay nakita ko ang pasulyap sa gilid ng kanyang mata na may ngiti siya sa labi na nakatingin parin sa ikinakasal.

Muli kong ibinalik ang paningin ko sa harap ng altar na ngayon ay nasaksihan ng lahat kung paano halikan ni Frances ang asawa.

Masaya ako para sa kanila na tuluyang naselyuhan ng kasal ang pag iibigan nila.

"Gusto na kitang pakasalan." Saad niya ng balingan ako na mabilis pang dinampian ako ng halik sa labi.

"Mandy." Alam ko naman na lagi niya akong hinahalikan sa publikong lugar kung may pagkakataon siya pero kamag anakan ko lahat ng nasa paligid kaya bahagya akong nailang. Hindi dahil sa hindi ko gusto kundi dahil sa alam kong may ilang mga matang nakakita ng ginawa niya at tutuksuhin na ako pagkatapos.

"Why? You don't like me kiss you now?" Tanong pa niya na may lungkot sa tinig at tingin niya sa akin.

"Oh come on, Mandy. I just...." hindi ko na naituloy ang pagsagot ko sa tanong niya ng hilain kaming dalawa ng mga pinsan ko dahil gusto nilang sumali kaming dalawa sa pagsalo ng bulaklak na ihahagis ni Lance.

"Wag ka ng KJ kuya Xav. Diba gusto mo ding masalo, Kuya Mandy?" Tanong pa ni Erin kay Mandy na isa sa triplets nina Tito Vienn.

"Yeah ofcourse." Nakangiti namang pagtugon niya na tila nakalimutan na ang tanong niya sa akin kanina.

Siya na din ang nanghila sa akin para makisali sa siksikan ng mga pinsan namin. Kahit na sin Danilo at Daniel na triplets ni Erin ay hindi din nakaligtas dahil isinali din sila ng mga ito. Even Dwyne na kambal ni Kate na hindi na maipinta ang mukha dahil sa hindi siya pinakawalan ng mga ito at hindi hinayaang umalis.

Nailing na lamang ako. Hindi na ako tumutol pa o nagtangkang umalis. Hinayaan ko na lamang at nakisali sa kakulitan ng mga nakakabata kong mga pinsan.

Ilang sandali pa ay pumuwesto na si Lance patalikod sa amin at inihagis na nga iyon.

Wala naman akong balak saluhin iyon kaya hindi ako nakigulo sa iba na naghahanda ng saluhin iyon pero ang hindi ko inaasahan ay sa akin mismo iyon tumapat. Sa kabiglaan ko ay napatingin na lang ako sa bulaklak na babagsak sa mukha ko.

"Gotcha." Nasalo niya iyon mismo na halos wala ng isang dangkal ang layo sa mukha ko. Napaalalay pa ang isa niyang kamay sa likod ko ng bahagya akong napaliyad kanina na ang akala ko ay tatama talaga iyon sa akin.

Nakangiti siyang nakatitig sa akin na masayang masaya na siya ang nakasalo sa bulaklak.

Hiyawan ng mga pinsan namin ang namayani. Palakpakan naman ang iba dahil sa kagalakan niya ay nahalikan na naman niya ako sa labi na ginawang pangharang sa kabilang panig ang bulaklak.

"I love you, my beloved." Bulong pa niya ng pakawalan ang labi ko.

Mas umugong ang hiyawan. Sa di kalayuan ay pagtango ang itinugon ni Frances ng magtama ang mga mata namin. Tumango na lang din ako na kahit hindi kami mag usap ay alam kong nagkakaintindihan kami sa kung ano ang gusto naming ipahiwatig sa isa't isa.

Kausap na niya ngayon si Tito Elijah. Habang kami ay abala na sa pagsalag ng kulitan ng iba kong mga pinsan. Na nauwi sa masayang kwentuhan at tawanan na halos minsan lang mangyari ang ganitong tagpo sa pagitan namin dahil sa may sarili na kaming pinag kakaabalahan sa buhay-buhay.








✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon