OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #10:

7.3K 354 48
                                    

Typos and grammatical error ahead!!!





ºººXAVIEL POV:ººº

"I told you na huwag mong sanayin ang sarili mo na yakapin ako o halikan ako ng wala akong pahintulot." hindi naman ako galit kundi nagulat lamang ako dahil bigla na lang siyang sumulpot sa likuran ko, niyakap ako at hinalikan sa batok.

Dahil sa gulat ko at naitulak ko siya ng malakas na ikinabigla din niya sa naging reaksyon ko.

Hindi agad siya nakaimik at talagang tumitig pa sa akin na tila nagtatanong ang mga mata pero napalitan din iyon ng mga ngiti pagkalipas lamang ng ilang sigundo.

"I just miss you a lot. Naging busy ako nitong nakaraang araw. Hindi ko tuloy nagagawa ng maayos ang trabaho ko sayo."

"Hindi mo naman kailangang magtrabaho sa akin. Sinabi ko na sayo yan sa simula pa lang kaya hindi mo kailangang magtrabaho sa akin dahil hindi ko naman tinanggap ang pagaaply mo. Ikaw lang itong mapilit."

"Pero gusto ko."

"Hindi ka na bata tulad noon na laging nakasunod sa akin kaya pwede bang umakto ka sa naayon sa edad mo." parang batang pinagsasabuhan ko siya na tila kinagiliwan naman dahil naaliw na nakatingin sa akin at nakikinig lang sa panenermon ko sa kanya.

"Pero gusto ko paring laging nakasunod sayo. Hmmm." at kumilos siya at muli akong niyakap mula sa likuran. Sisitahin ko din sana siya agap ay hindi ko na nagawa dahil nakabaon na ang mukha sa mga balikat ko na may kasamang malalim na paghinga. "Let me stay by your side, Xaviel." mahinang sabi niya.

Hindi ko na itinuloy ang gusto ko sanang pagkawala sa mga yakap niya. Dahil ng hawakan ko ang kamay niyang nakayapos sa may baywang ko ay naramdaman ko ang panginginig niya na tila ayaw talaga akong bitawan. Napatingin pa ako mismo sa repleka namin sa salaminng bintana kung saan doon ko nakita ang malungkot na kislap ng kanyang mga mata.

Bakit pakiramdam ko ay natatakot siyang pakawalan ako? Ano ang nangyayari sa kanya?

"Are you okay!" hindi ko mapigilang tanong sa kanya dahil kakaiba talaga ang nababasa ko sa kislap ng mga mata niya na pilit na itinatago sa tuno ng boses at kilos niya.

"Yeah! Okay lang ako basta nasa tabi kita." agad niyang sagot na mas humigpit pa ang pagkakayapos sa baywang ko. Napakislot naman ako ng maramdam ko ang labi niya sa batok ko at madama ang hangin na lumalabas sa ilong niya na siyang dumadampi balat ko.

Kinilabutan ako na dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

"Whatever. Bitawan mo na ako dahil marami pa akong ginagawa." Pilit kong kinakalas ang kamay niyang nakayapos sa baywang ko. "Mandy, will you." humigpit ang pagkakahawak ko sa pulsuhan niya ng ayaw niya akong pakawalan.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagpapakawala niya ng marahas na paghinga kaya napalingon ako dito ng wala sa oras ng bitawan ako.

Kunot ang nuo ko at nais siyang tanungin kung ano ang problema niya dahil kahit hindi niya sabihin ngayon ay hindi iyon maitatago sa mga mata niya na hindi ngayon makatingin sa akin ng deretso.

"Wanna drink later?" kuway tanong ko kaysa tanungin siya. "Tatapusin ko lang ang ilan sa mga trabaho ko saka tayo lalabas para uminom."

"Sa bahay na lang. May mga alak ako doon."

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon