OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #6:

7.1K 417 55
                                    

Typos and grammatical error ahead!






¤¤¤
XAVIEL POV:
¤¤¤

Wala na akong ibang alam na paraan kung paano ba pagsasabihan si Mandy na tumigil na siya sa pagsunod sa akin.

Nasasanay na din ako sa presensya niya na bigla na lang susulpot sa akin kung nasaan ako. Kakausapin na para bang magkakilang magkakilala kami kahit na ang totoo ay halos wala naman akong ibang alam tungkol sa kanya maliban sa ang hilig ay ang sundan ako.

"What?" Balewalang tanong ko habang nakasunod lamang siya sa akin. "Anong nginingiti mo dyan?"

Palabas na din ako ng gusali at tulad ng inaasahan ko ay nakaabang siya sa akin sa labasan.

Nakangiti pa talagang naghihintay sa akin.

"I just happy to see you. Where to go? Want to have snack?" Tanong niya na feeling close lang ang dating.

"Hindi ako gutom."

"Just give it a try. C'mon, mayroon akong lugar na pwede nating kainan."

Kunot ang nuo ko na tumingin sa kamay niya na humawak sa pulsuhan ko. Ngumiti na naman siya ng tignan ko siya pagkatapos pero hindi niya pinansin ang pagbabanta ko bagkus mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.

"Ipagmamaneho kita. Tara." At walang babalang hinila ako hanggang sa may parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko. Binuksan ang pinto at pinasakay.

Kunot ang nuo ko na tumingin sa kanya. Kahit na ayaw ko sana ay wala akong nagawa dahil sinabayan niya ng pagtulak ang pagsakay ko.

Mabilis na inikot ang kotse at sumakay na din.

"Hang on. Sigurado magugustuhan mo doon." Sabi pa niya. Inilahad ang kamay sa akin. Kahit na gusto kong magreklamo ay kumilos naman ako para ibigay sa kanya ang hawak kong susi.

Hindi na ako umimik pa ng paandarin na ang kotse ko. May kasama pang mahinang pagkanta habang nagmamaneho siya.

"Gusto mo bang kumain ng dinner sa unit ko mamayang gabi. Tinuruan akong magluto ng mama kaya marunong akong magluto."

Ayaw ko man sana siyang tapunan ng tingin pero napalingon parin ako sa kanya. Bahagya din siyang lumingon sa akin bago ulit itinuon ang paningin sa kalsada.

"Minsan tumutulong ako kay mama magluto sa karenderya niya." Pagpapatuloy niya sa pagsasalita.

Kunot na naman ang nuo ko? Ang tanong ko, paano siya nakakatulong sa mama niya kung halos lahat ng oras ay nakasunod siya sa akin.

"Halos 24 hours kasi ang kainan na iyon ni mama. Kapag nasiguro kong nakauwi ka na ng maayos ay saka ako pumupunta doon. Tumutulong ako." Nabasa ba niya ang nasa isipan ko kaya niya sinasabi iyon.

"Di mas maganda sana kung mas ibubuhos mo ang oras mo sa pagtulong sa mama mo kaysa sa ubusin ang oras sa pagsunod sa akin." Pakontra kong sagot sa kanya.

Lumingon na may ngiti parin sa labi.

"Sabi naman ng mama na kahit hindi na ako tumulong sa kanya dahil kaya naman na kaya nga kahit hindi na ako kailangan sa gabi ay pumupunta parin ako. At.. mas nangunguna ka sa priority ko."

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon