OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #26

Start from the beginning
                                    

Pang apat na gabi na namin dito sa palasyo kaya may tatlong araw pa kaming natitira para manatili bago bumalik ng Pilipinas.

"May problema ka ba?" Tanong pa nito.

"Nothing."

"Hmmm, want me to help you sleep?" Tanong niya sa makabuluhang tinig na sinabayan ng paghaplos sa ibabaw ng tiyan ko.

"No need. Just go back to sleep." Sagot ko saka ko hinuli ang kamay niya para pigilan sa pagdausdos pababa sa kaselanan ko.

Napatingala siya sa akin. Yumuko naman ako at dinampian siya ng halik sa labi.

"Good night."

"Hmmm." Hindi na siya nangulit. Nagsumiksik siya sa katawan ko at mahigpit ang naging pagyakap sa akin.

Ilang minuto lang ay agad din itong nakatulog dahil lumuwang na ang yakap niya sa akin.

Maingat ang naging kilos ko para kalasin ang pagkakayakap niya sa akin at nagpasyang bumangon na lang muna at magpahangin.

Inayos ko ang itim na roba na suot ko ng makatayo ako.

Sa maluwang na balkonahe ng silid ako nagtungo. Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin kaya agad na napayapa ang pakiramdam ko.

Humugot ng malalim na paghinga para langhapin ang sariwang hanging. Naipikit ko din ang mga mata ko para mas lasapin ang napakapayapang pakiramdam. Tahimik na ang paligid dahil kalaliman na ng gabi.

Sa kinatatayuan ko habang nakadantay ang mga kamay ko sa barandilya ng balkonahe ay tanaw ko ang maluwang na lumapin ng kinatatayuan ng palasyo.

Wala na ang mga kawal na rumuronda sa umaga.

"Tahimik ang gabi pero maingay sa umaga." Mahinang turan ko. Sa apat na araw na pananatili namin sa palasyo ay walang araw na hindi tumatanggap ng bisita ang Sultan. Kaya masasabi kong abala ang lahat sa umaga.

Kahit si Mandy ay nakikisalamuha din sa mga bisita ng Sultan kahit na halos pinipilit ko pa siyang makiharap sa mga bisita nila at paunlakan ang mga iyon. Ayaw niyang makipagsosyalan sa mga iyon.

Ibang iba ang ugali niya kapag nakikiharap sa ibang tao. Seryuso at walang ibang makikitang emosyon maliban sa pormalidad. Hindi makikita ang ngiti nito kahit na patuloy siyang nakakatanggap ng papuri sa mga panauhin.

Pero kapag ako ang kaharap niya, nasa mga mata niya ang mga kislap na kahit hindi bigkasin ay nagpapahiwatig iyon ng pagmamahal sa akin.

"Indeed." Mahina ulit na turan ko dahil nagustuhan ko talaga ang karakter niyang iyon.

Muli akong humugot ng malalim na paghinga. Naging magaan na ang pakiramdam ko sa pananatili ng ilang minuto sa balkonahe.

Nang tila hinahatak na ako ng antok ay nagpasya na akong bumalik sa loob. Pero sa pagtalikod ko....

"Ugh." Napaigik ako at natigilan sa paghakbang ng makaramdam ako ng tila may bumaon na kung ano sa katawan ko.

Marahas ang naging paglunok ko na tila bumagal na din ang lahat sa akin. Kumilos pa ang kamay ko para damhin ang tila kirot sa tapat ng puso ko.

"W-what.." halos wala na akong maapuhap na salita dahil sa kauntin paggalaw ko ay tuluyan ng nawalan ng balanse at tuluyang bumagsak ang katawan ko sa sahid na nakagawa pa ng ingay dahil tumama ang ang kamay kamay ko sa upuan at kasama ko iyong natumba.

Hindi na naging malinaw sa akin ang lahat. Pero bago pa man ako tuluyang nawalan ng malay ay narinig ko pa ang pagsigaw ni Mandy sa pangalan ko.








Naalimpungatan at napabalikwas ako ng bangon ng may marinig akong kumalampag sa balkonahe na tila ba may kung anong bumagsak sa sahig.

Doon ko napagtanto na wala si Xaviel sa tabi ko kaya mabilis ang naging kilos ko para puntahan at tignan kung anong ingay ang narinig ko.

At ganun na lang ang pagkagimbal ko ng makita kong si Xaviel mismo ang bumagsak sa sahig.

"Xaviel." Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya at agad itong dinaluhan. "N-no. No." Magkakasunod na pag iling ang ginawa ko na nanginginig ang kamay kong pinatihaya ito. "N-no. This can't be....X-xaviel." Malakas na sigaw ko sa pangalan niya na bumulabog na sa buong palasyo.

Kahit na nanginginig ang buong katawan ko ay nagawa ko paring buhatin ito. Mabigat siya dahil magsingbigat lamang kami pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko siya kayang buhatin.

Nagmamadali ang naging hakbang ko na tamang nasa pintuan na ako ay bumukas iyon.

"Anong nangyari?" Ang ama na nagulat din ng makita akong karga ko si Xaviel.

"Hospital." Iyon ang tanging naging tugon ko at nilagpasan ang ama. Sumunod na din naman ito sa akin at nag utos na bilisan ang paghahanda ng sasakyan.

Wala akong sinayang na oras. Ako na mismo ang nagmaneho at mabilis na tinahak ang daang papunta ng hospital.

Hindi naman kalayuan ang hospital pero parang naging mabagal ang lahat para sa akin dahil sa kabang lumukob sa buong pagkatao ko.

"Hang on, my Xaviel. Hang on, my beloved."

Hindi ko alintana ang mga nakakasalubong kong sasakyan. Para akong nakikipagkarera sa bilis ng pagmamaneho ko na nakagawa mismo ng trapiko sa kalsada.

Ilang minuto pa ay narating namin ang hospital na agad sumalubong sa amin ang mga medic. Agad na ipinasok sa ER si Xaviel. Gusto ko pa sanang sumama pero hindi na ako pinayagan ng mga nurse at doctor na humarang mismo sa pinto ng ER.

Hindi na ako mapakali. Lakad dito. Lakad doon. Pabalik balik ako ng lakad habang naghihintay na lumabas ang doctor na umasikaso kay Xaviel.

"Huminahon ka. Hindi iyan makakatulong." Ang ama na kararating lamang sa pagsunod sa akin.

Naikuyom ko ang mga kamao ko na napasuntok pa sa pader. Hindi ko na ramdam ang sakit na tila ba nadurog mismo ang mga boto sa kamay ko.

"I will kill whoever is behind this."

"Pinapahalughog na ang buong nasasakupan natin kaya mahahanap din agad ang nagtangka sa buhay niya. Kaya huminahon ka muna dahil hindi iyan makakatulong sa asawa mo."

Nanginginig ang mga labi kong pinipigilan ang mapasigaw. Ipagsigawan na papatay ako kahit na anong mangyari at walang makakapigil sa akin sa oras na mahanap ang nagtangka sa buhay ng taong mahal ko.

Lintik lang ang walang ganti.

"Doblehin ang pagbabantay sa kambal." Ani ko ng maisip ko ang mga anak namin. Baka may masama ding mangyari sa kambal lalo na at nagkagulo sa loob ng palasyo dahil sa pamamaril kay Xaviel.

"Napagsabihan ko na din ang mga kawal para sa bagay na iyan dahil mas lalong hindi ako makakapayag na may masamang mangyari sa mga apo ko." Sagot naman ng ama.

"Sultan Malik." Ang isa sa kawal na nagmamadaling lumapit sa kanila.

"What?"

"Nawawala ang isa sa kambal." Pagbabalita ng kawal na mas nakapagpagimbal sa kanya. Sa amin ng ama.

"Ano?" Dumagundong sa buong hospital ang boses ko sa pagkabigla ko.

"Mga walang silbi." Sigaw din ni Ama bago tumingin sa akin.

"Ako na ang bahala sa paghahanap. Hindi ako papayag na saktan nila ang apo." Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na umalis ang ama at sumama sa kawal.

Nahahati ang pagpapasya ko. Gusto kong umalis para hanapin ang anak ko pero hindi din ako mapapanatag lalo na at wala pa akong balita sa kanya na nasa loob pa ng ER.

"Fuck." Muli akong napamura. Nanlulumonhg napadaosdos ako paupo sa sahig at marahas na naihilamos ang mga kamay sa mukha ko. "Damn it. Hindi na lang sama kami pumarito. Damn it." At hindi na natapos tapos ang pagmumura ko habang puno ng pag aalala kay Xaviel at sa isa sa kambal na tinangay ng kung sino.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Where stories live. Discover now