OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #26

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong gayuma ang ipinakain mo sa Prinsipe at ganun na lang ang pagtanggi niya sa akin.  You, disgusting filthy gay."

Para akong nabingi sa narinig ko. Naipilig ko ang ulo ko kasabay ng pagkuyom ng kamao ko.

Humakbang palapit dito at walang babalang hinawakan ito ng mahigpit sa braso.

"Disgusting? Filthy?" Pang uulit ko. Naipilig ko ang aking ulo na seryusong nakatingin dito. Wala akong pakialam kung marinig ko ang gay sa salita nito pero ang dugtungan iyon ng hindi nakakaaya sa pandinig ay parang gustong mandilim ng paningin ko.

"Yeah! You are. Disgusting filthy." Pang uulit pa nito kaya ang pagtitimpi ay tuluyan ng natipag.

Gusto kong isampan ng malakas ang likod ng palad ko sa pisngi nito ng matauhan ito at maalog ang utak nito ng magising na mas nakakasuya ang mukha nito at mas namadumi ang bunganga nito.

Pero bago ko pa man maidapo ang kamay ko dito ay may sumampal na dito ng malakas kaya ito napaigik at napaatras. Nagmula agad ang pisngi ng babae sa lakas ng pagkakasampal dito.

"Mandy." Napatitig ako dito. Hindi ko naramdaman ang paglapit nito kaya talagang nagulat ako.

"Wala kang karapatang bastusin ang asawa ko." Sabi niya na mahigpit pang hinawakan ito sa braso at pinilipit iyon sa higpit ng hawak nito.

"Awww. B-bitawan mo ako. N-nasasaktan ako."

"Ito na ang huling araw na makikitang aapak dito sa palasyo. Oras na makita pa kita ay magpasensyahan tayo sisiguraduhin kong mawawala sa inyo ang karangyaang tinatamasa niyo." Galit na may pagbabanta niyang sabi pa dito. "Itapon niyo siya sa labas ng palasyo." Kuway utos niya sa mga kawal na nakasunod lamang sa kanya na agad tumalima

"Bitawan niyo ako." Pasigaw na pagpupumiglas ng babae pero hindi ito binitawan ng dalawang kawal na kumaladkad dito palabas ng palasyo.

Nakasunod na lang ang tingin ko sa mga ito habang patuloy sa pagsigaw hanggang sa nawala na sila sa paningin namin.

"You okay?" Tanong niya sa akin ng balingan ako.

Napatitig ako sa kanya na puno ng pag aalala ang mga matang nakatingin din sa akin.

Ngumiti ako. Masuyong humaplos ang palad ko sa pisngi niya.

"Yeah!" Tipid kong sagot bago ko binalingan ang kamay niya. Kinuha iyon. Tinignan ang likod ng palad niya. Namula din iyon sa lakas ng pagdapo sa pisngi ng babae kanina.

"Are you hurt?" Kuway tanong ko din sako ko niyuko iyon at dinampian ng halik sa labi bago iyon inihipan. "Hinayaan mo sana ako ang gumawa nun ng may kalalagyan."

"Hmmm, pero ayaw kong madungisan ang kamay mo." Sagot naman niya na nakapagpangiti pa lalo sa akin saka ko naman siya niyakap. "At hindi ko papalampasin ang mga taong mangbabastos sa taong mahal ko."

"Yeah! That's why I love you even more."

Kumalas siya ng yakap sa akin. Umangat ang isa niyang kamay at humawak iyon sa batok ko saka niya tinawid ang pagitan ng mukha namin at hinalikan ako.

Walang pag aalinlangang tumugon ako sa halik niya. At wala na akong pakialam kung may makakita sa amin dahil ipinagmamalaki kong siya ang kahalikan ko na mahal na mahal ko.







"Hmmm, bakit gising ka pa?" Tanong sa akin ni Mandy ng maalimpungatan siya.

Umayos siya ng pagkakaunan sa braso ko at yumakap sa akin.

"Hindi lang ako dalawin ng antok." Sagot ko dito. Sinabayan ng pagsuklay sa buhok niya at may marahang pagtapik sa balikat niya ang isa kong kamay.

Hindi ako mapakali na parang may kung anong bumabagabag sa isip ko na hindi ko naman mapangalanan.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon