OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #25

Start from the beginning
                                    

Wala na talaga akong masasabi pa maliban sa maswerte ako dahil muling nagkross ang landas namin na pinaghiwalay noong kabataan namin. At masaya ako at walang pagsisisi ngayon na nagpailalim sa kanya dahil ramdam ko kung gaano siya kaseryuso at kung gaano niya ako kamahal.

"Bakit di mo ako ginising?" Kinukusot pa ang mata nito na tila kagigising nga lang. Tanging ang itim na panloob lamang ang suot nito.

"Ang himbing ng tulog mo kaya hindi muna kita ginising. Tumawag na ako kay mama na siya na muna ang bahala sa kambal."

"Hmmm." Hindi nito pinansin ang sinabi ko. Yumakap siya mula sa likuran ko at ipinatong ang baba sa balikat ko.

"Nag order na din ako ng makakain. Maya-maya lang ay ihahatid na dito ng guard iyon."

"Hmmm, pwede naman tayong magluto. Ginising mo na lang sana ako para naipagluto kita kita."

"Hindi na kailangan. Saka gabing gabi na at kung magluluto ka pa, anong oras na tayo kakain?"

"Yeah! Pero gusto kong pagsilbihan ka. Ipagluto ka, ipaghanda."

"Yeah! Yeah! Pero hindi lang naman to ang gabing pwede mo akong ipagluto."

"Hmmm." Tumango ito. "Aalagaan at pagsisilbihan kita. Ganyan kita kamahal." Saka humigpit ang pagkakayapos ng braso niya sa akin.

Naipilig ko na lang ang ulo ko sa ulo niya. Umangat ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya.

Ilang minuto din kami sa ganung ayos ng tumunog na nga ang doorbell.

"Sandali lang, kukunin ko lang iyon." Sabi niya ng pingilan ko.

"Baka nakakalimutan mong panloob lamang ang suot mo." Saka ako tumingin sa maliit na tela na tanging bumalot sa kaselanan niya.

Napakamot siya ng ulo sabay ngiti.

"Stay here, ihanda mo na lang ang kakainan natin." Utos ko sa kanya bago ako tumalikod palabas.

"Salamat." Tipid kong pasasalamat sa guard na nagbabantay sa gate ng A. Place na siyang naghatid nga ng order ko.

Wala naman kasing ibang nakakapasok sa A. Place maliban sa kanila kaya hanggang gate lang ng A. Place ang mga magdi-deliver.

"Sige po, young master." Paalam nito ng makuha ko dito ang pagkain. Agad din akong pumasok sa loob.

Nakahanda na din ang lamesang kakainan namin.

Sinalubong niya ako at kinuha mula sa akin ang paper bag ng pagkain.

"Sit down, my beloved."

Ayaw ko pa sanang maupo pero hinila niya ang upuan saka siya humawak sa balikad ko at itinulak paupo.

Nailing na umayos na lamang ako ng upo at pinanuod ko na siya sa pag aayos ng i order kong pagkain.

Napangiti ako.

"Why?" Tanong niya ng mapatingin siya sa akin.

"Just happy for us, Mandy."

"Uhm. Me too, my Xaviel." Sagot niya na mabilis akong niyuko at ginawaran ng halik sa labi.

"Let's eat." Pagbaling ko sa pagkain dahil sa pagtitig ko sa kanya at paghalik naman niya sa akin ay parang gusto kong halikan na lanh siya at ang maalab na halik na lang ang pagsaluhan namin.

Tumango siya. Asikasong asikaso niya ako. Sa paglalagay ng ulam sa pinggan ko at panakang susubuan din ako.

Magana naming pinagsaluhan ang mga pagkain sa kailaliman ng gabi na sinamahan ng ilang kwentuhan.








✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Where stories live. Discover now