Maselan rin ang pagbubuntis ko, hindi ako makakain dahil lahat ng kinakain ko ay sinusuka ko lang din.

Paglabas ng dalawang bata ay hindi ako makapaniwala, siyam na buwan ako ang naghirap.

Para silang photocopy ni Xanth.

Wala silang nakuha sa'kin, bukod sa kulay ng mata, lahat ay sa ama nila.

Maging ang mata nga nila ay parang hindi pa pabor, fifty-fifty pa rin.

Ang kaliwang mata ni Luke ay kulay gray gaya ng sa ama niya.

Habang ang kanang mata naman niya ay kulay hazel.

Kay Lucas naman ay kabaliktaran ni Luke, ang mga mata nila ang palatandaan ko sa kanila.

Laking pasasalamat ko kay Lynx lalo na nung mga panahong pinagbubuntis ko pa lang ang dalawa.

Hindi niya ako pinabayaan, maging sa cravings ko ay ibinibili pa niya ako, siya na rin ang kinalakihan at tumayong ama ng mga anak ko.

Hindi namin inililihim na hindi si Lynx ang totoo nila papa.

Hanggang ngayon, tatlong taon na ang mga anak ko. Ipinasok na namin sila sa daycare.

Tatlong taon rin ang nakalipas nang nag-umpisa si Lynx sa panliligaw sa'kin.

Hindi ko pa rin siya sinasagot sapagkat nawalan ako ng interes sa pagmamahal ng ibang lalaki.

Mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang mga anak ko.

Aakyat na sana ako sa taas nang makasalubong ko si Ate Minerva na pababa ng hagdan.

"Uwi na po ako ma'am." Pagpapaalam nito sa'kin.

"Ayy sige po, eto po." Saad ko saka siya inabutan ng five hundred pesos.

"Ayy hindi na po ma'am, malaki na ho masyado ang perang ipinapasweldo niyo sa'kin, binigyan na rin ho ako ni sir." Pagtanggi nito saka pilit na itinutulak ang kamay kong may hawak na pera.

"Sige na po kunin niyo na po, bigay niyo na lang po sa anak ninyo." Saad ko.

Kinuha na lang ito ni Ate dahil alam niyang pipilitin ko talaga siya nang pipilitin.

May anak rin si Ate Minerva, sa totoo lang ay malaki ang pamilya nila.

Meron siyang dalawang anak na nag-aaral sa kolehiyo, tatlo sa highschool at apat naman sa elementary. Sipag nila no? Eme.

Pumunta ako sa kusina para magluto na ng ulam namin.

Nakapag saing na si Ate Minerva kaya ulam na lang ang aasikasuhin ko.

Hindi naman mabigat ang trabaho niya dito bilang katulong.

Magbabantay lang naman siya ng bahay kapag walang tao, maglilinis ng kalat ng mga bata, at mag sasaing lang.

Ako na ang naglalaba ng mga damit namin, sa paghahatid at sundo naman ay si Lynx na.

Pagtapos kong magluto ay umakyat ako sa taas para tignan ang ginagawa ng tatlo.

Sumilip ako sa pinto ng mga bata na bahagyang nakabukas.

Nakita ko silang masayang nagtatawanan.

Binilihan na naman pala ni Lynx ng laruan ang mga bata, lagi niya talagang iniispoil tong dalawang to.

Binuksan ko ng maluwag ang pinto saka ako pumasok ng nakapamewang.

"Tuwang-tuwa kayo ah, kain na tayo."

Agad na tumayo si Luke tsaka yumakap sa binti ko.

"Mama mama sabi ni Tito gagala daw po tayo after ng event sa school." Masayang sabi nito.

Binuhat ko ito saka ako naupo sa sahig, iniupo ko itong bibong bata sa hita ko.

"Saan naman punta natin?" Tanong ko kay Lynx.

"Sa Park lang po Ms. Ma'am or kung gusto niyo sa Sea Side? Sawa na daw kasi sila sa sapa ei." Tugon ni Lynx.

"Oh sige, tara na kain na tayo." Saad ko saka tumayo at inakay ang dalawa kong anak.

Pagdating namin sa hapag ay tinulungan ako ni Lynx sa paghahain ng pagkain.

Masaya kaming kumain ng mga bata, nag tatawanan at pinag-uusapan ang mga bagay na gusto namin, plano namin, at gagawin namin.

Natawa ako nang marinig ko ang malakas na dighay galing sa anak kong si Luke.

"Oops, excuse me hehe.. Nabusog ato ei talap kate.." Saad nito saka kumamot kamot sa likod ng ulo niya. Ang cute talaga kahit kamukhang-kamukha ng ama.

Pagtapos kong maghugas ng pinggan ay ipinaghanda ko na ng damit ang mga bata para makapag shower sila, para presko bago matulog.

Hindi ko na sila pinagbabad pa dahil baka pasukin sila ng lamig, pinagbihis ko na agad sila at pinahiga na sa higaan nila.

Nag request si Luke na bago daw sila matulog ay kantahan ko sila ng lullaby.

Matapos ko ngang kumanta ay tulog na sila, bago ako lumabas pinatakan ko muna ng halik ang noo nilang dalawa.

Tinungo ko ang kwarto ko para makapagpahinga na rin.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Lynx na nasa kama ko.

"Anong ginagawa mo dito? Do you need something?" Tanong ko dito, magkahiwalay kasi ang kwartong tinutulugan namin ni Lynx.

"I have to tell you something." Sagot nito.

Lumapit ako sa kaniya saka naupo sa kama kaharap niya.

"Kailangan kong pumunta ng Russia, mawawala ako ng isang linggo." Saad nito, bakas sa boses niya ang kalungkutan.

"We'll be fine, mag-ingat ka ha, wag mo kaming alalahanin kaya ko to." Ani ko dito saka siya nginitian at tinapik-tapik sa balikat niya.

"Kailan pala ang alis mo??" Tanong ko pa rito.

"The day after tomorrow." Sagot nito.

Nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin.

"I'll miss you.." Mahinang saad nito. "and the kids.." Dagdag pa niya.

"Isang linggo lang naman, kaya mo yan."

Humiwalay ito sa yakap saka tumayo na para lumabas.

"Good night my dear." Saad pa nito bago tuluyang lumabas.

"Good night Lynx.." Turan ko kahit nakalabas na siya.





-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now