Chapter 35: Misunderstood

Start from the beginning
                                    

"Give up?"

"YESSS! I lose!hahahaha!stop this...! I won't fight! hahahahaha"

"Pre,ok pala kung tanungin mo na si Ashley. Para mapasagot mo na!"

"pagkakataon na yan tol!Ahahahaha"

mga mokong na ito! Pagkaisahan pa ako. May kung ano pang balak. Tinigilan na rin ako ni Daniel na tuwang-tuwa sa pang-iinis talaga sakin. Umupo na ako ng maayos. Grabe, halos habulin ko hininga ko kakatawa. Ang gulo gulo pa ng buhok ko.

"uy, kayo talaga. Sinasamantala nyo kahinaan ni Ashley"

pagtatanggol naman sakin ni Khate. Ahaha. Ang hinhin talaga niya, ang cute pa ng boses nya. So bait, naglabas sya ng suklay at iniabot sakin. Hayst. Talaga bang may kaibigan akong ganito? Hindi ba ako maging mukhang B.I.? Ahaha.

"Thanks Khate." I smiled at her. Tinalikuran ko si Daniel at humarap sakanya habang sinusuklayan yung buhok ko. Bahala sya! Galit ako.. Psh. "naku Khate.Grabe talaga mga yan, makakatikim na talaga sila sakin..palibhasa kasi katulad sila ng Captain nilang baliw,mga nakashabu yata, panget pa.." pagpaparinig ko. Mga nagsama-sama pa kasi yung mga kumag sa mundo. Badtrip!

"awch. Ang hard dre!"

"LQ na agad hindi pa nga napapasagot"


"psh. Siraulo talaga kayo! Galit na nga sa atin."

Pinapakinggan lang namin sila ni Khate habang nagmamake face ako. Psh. Galit talaga ako. Lalo na sakanya. Kainìs!


"Dapat kasi tinanong mo na pre.Ang daling pasagutin kanina. You lose the chance."

"Lol. Ang daling pasagutin kapag ganun, bakit hindi mo gawin kay Jamielle? Para hindi ka nababusted ng kapatid ko.Ahaha."


nasabi pala sa akin ni Daniel na nililigawan dati ni Lawrence kapatid nya kaya nagkakilala sila. Alam ko dati may nakwento rin sakin si Lawrence kaso hindi ko naman kilala dahil taga ibang school. Yung time na parang kinaladkad ng truck mukha nya. Ahahaha! Kawawa!

"awch! Tol! Wag mo ng ipamukha sakin yan."  

 "Dapat kasi pinaghihirapan yun, hindi yung makukuha mo nga,napilitan lang naman. Diba Ash? Dapat ganun? Sorry na ha?"

Naramdaman ko yung pagpulupot ng dalawang kamay nya sa bewang ko. Napastiff tuloy ako. I felt something sa tiyan ko. Ito ba yung 'butterflies in stomach' na tinatawag? Ngayon ko lang naman kasi nafeel yung ganyan. Parang nakaback hug sya sa akin. May kakaibang feeling pala kapag ganito. Maybe because first time ko lang maback hug galing sakanya.

"Tsk. Alisin mo nga yan!"
siniko ko sya. Napalakas pa nga yata kasi napaubo pa sya. Nakakapantaranta naman kasi yung ginawa nya, nabigla tuloy ako.

"Ahh. Ang sakit. Sorry na. Hindi ko na talaga uulitin. Promise! Bati na tayo, Ash."

Niyakap nya ako ulit. This time mas mahigpit at hinawakan na nya yung kamay ko para hindi ko na sya masiko.

"Sorry.sorry! Wala na! Alam na ng mga mokong yan kahinaan ko! Binisto mo na!badtrip! Lubayan mo nga ako!" kahit anong palag ko ang higpit parin ng pagkakayakap nya. Hindi pa ako masyadong makakilos kasi yung ulo nya nasa balikat ko, mamaya onting lingon ko....BOOM! Hindi pa pwede yun.


"hindi yan. Ako bahala. Hoy, kayo.! Walang mangingiliti kay Ashley..ako lang dapat!"

"Anong ikaw lang?!--"

"ok.Joke lang pala. Wala ng mangingiliti kay Ashley simula ngayon. Mangiliti may kutos sakanya. Okay?!"

"Ok! boss Ashley!"

"Sus. Chumachancing ka lang kay Ash."

"ssshh! Wag ka ngang magulo.Babatukan na kita dyan...Inggit na naman kasi kayo. Hay! Sarap sarap yakapin ni Ash, parang teddy bear. Ang bango pa, amoy baby"
inamoy amoy nya pa talaga ako tapos yung buhok ko. Ewan ko nalang kung nakapikit pa sya habang ginagawa yan, inaasar pa kasi sya, I mean kami nila Lawrence. Kyaaaah! Kilig lang. At ang init na ni face! Myghaad!      

"Fine! Fine! Pwede alisin mo na yang kamay mo bago magbago isip ko"
kahit kinikilig ako syempre may limit. Mamaya nyan mamihasa yung mokong na ito. Saka naiilang parin ako kapag mga ganung bagay. Lalo na daming nakakakita.


"Yes! Bati na tayo ulit ah?"
inalis na nya pagkakayakap sa akin at humarap na ako sakanila.

"whatever!"

"I love you Ashley!"

"ayiiiee. I love you daw oh"

"yun oh, kiss na next nyan!"

"pagbigyan mo na si Captain,Ash"

"kahit sa cheek lang uh,diba Daniel?"

"Huy, namumula na si Ashley. Wag kayong ganyan"--khate


"a-ano?!hala! hindi kaya!"

AHH! shiz! Wala na akong mukhang maihaharap. Lagi nalang akong binubuking ni Khate kapag nagbblush ako. Yah! Hate you! Hindi ko pa matignan ng maayos si Daniel, kasi naman ih...nakangiti sya habang nakatitig sa akin.

"wala ka bang sasabihin Ash? I love you daw."

"baka naman hindi narinig, ulitin mo nga pre"

"a-ano naman sasabihin ko?"

Golly. Nagwawala na yung puso ko. Yung tiyan ko kinilig..hindi ko alam kung dahil kay Daniel or tinatawag na ako ng kalikasan.

"Ashley Shaine Santos.."
Hinawakan bigla ni Daniel ang magkabilang pisngi ko. Napatingin tuloy ako sakanya ng diretso. Ghaad! Nababaliw na ako sa mokong na ito. Masyado akong pinapakilig. Yung tipong titig palang mapapaOMG ka na! Aish!

"I....Love...you...."

He said it slowly like he wants to say it clearly.

Halos hindi ako makapagreact. Si Khate naman halos tumili, niyugyog na nga yata ako para maalis pagkatulala ko. Parang gusto nyang sabihin na 'Say Something Ash. Say it!'

"naks.yan ang Captain namin"

"binata na. Hindi ka na torpe tol! I'm proud of you!"

"Tol, naiinlove na ako sayo!"

"lab yu pre!"

"l*l! Mga loko toh!"

niyakap nila si Daniel.Yung iba naman tinatapik yung balikat nya at merong nanggugulo ng buhok nya. Nakakatuwa sila.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now