Chapter Thirty Nine

90 5 2
                                    

"You!" turo ko kay Ken

"Ang lakas ng loob mong magpakita pa rito after what you did!" galit ang naramdaman ko nang makita ko siya.

"Von" pagpigil ni Jerstin

Napatingin ako sa kanya. "Hindi mo ba alam ang ginawa niya?!

"Alam ko Von."

Sinulyapan ko si Ken na umiiyak na.

"And okay lang sayo?"

"Von." banggit ni Ken

Napatingin ako nang masama sa kanya. "Ang galing mo rin no? Talent mo na ba yan? Ang galing mong magpaikot!" namumuho na ang luha sa mga mata ko dahil sa galit

"Von." pagpigil ni George

"Isa ka pa!" sigaw ko sa kanya

"Hayaan mong mag explain kami."

"Explain? For what? Hindi ko kailangan ang paliwanag ninyo!"

"Umalis na kayo." utos ni dad sa kanila

"No, dad." si kuya

"Isa ka pa Van!"

"Bakit hindi niyo sabihin kay Von yung ginawa niyo kung bakit nagkaganito?"

"Shut up!"

"What do you mean?" ako

"Itanong mo kay dad."

Mabilis na lumapit si dad kay kuya at akmang susuntukin ito.

"Pablo!" si mom

"Dad!" ako

"Ano?! suntukin mo'ko! Saktan mo rin ako!" ngayon ko lang nakita na ganito si kuya

"Bro, tama na." pag pigil ni Shawn

Napatingin nang masama si dad kay Shawn.

"Tito, tama na po." sabi ni Shawn

"I trusted you!" aniya kay Shawn

"I trusted you too, tito, pero hindi tama ang ginawa mo."

"Tama na, tito." umiiyak na sabi ni Ken

"Tito, itama mo na ang maling nagawa mo."si Jerstin

"Sabihin niyo na ang totoo sa anak ninyo." si George

"Sasabihin mo o ako ang magsasabi?" si mom

"Umalis na kayo!" sigaw ni dad

"Tapusin na natin dito, Pablo! Huwag mo na idadamay ang mga bata!"

"Enough!" napasigaw na ako dahil hindi ko sila maintindihan

Napatingin sila sa akin.

"Dad, ano ang sinasabi nila?"

"Nothing, sweetheart. Huwag kang makikinig sa kanila. Come with me." aniya at hinawakan ang kamay ko.

"No, dad." at inalis ko ang pagkahawak niya sa kamay ko

"Yvonne, listen to me. They betrayed you, right? So don't listen to them, okay?"

"Ikaw ang nagtraydor sa amin, tito!" si Ken

Lito akong napatingin kay Ken.

"Von, blinockmail niya ako para gawin iyon." aniya pa

"Don't listen to her." si dad

"Ginamit niya ang issue ni mom para takutin ako."

"Let's go, Von." aya ni dad

"Von, ginamit niya lang ako para paghiwalayin kayo ni George." aniya pa

SUNFLOWERWhere stories live. Discover now