Chapter Sixteen

141 6 1
                                    

Habang nakahiga kami sa kama niya ay pinag usapan namin ang naging hindi pagkaunawaan.

"Lola suddenly called me, kaya agad ako umalis na walang paalam sayo."

"Bakit hindi mo ako tinext or call man lang?"

"Gagawin ko naman sana kaso nakita ko ang IG story ni Shawn na magkasama kayo."

"Biglaan ang pagpunta niya nung gabing 'yon. Sinabi ko sa kanya na pagod ako pero nagpumilit siya. At hindi ko alam na mags'story pa siya." pagpapaliwanag ko.

"E ikaw? bakit sinama mo si kuya sa Pasay?" dagdag ko

"Hindi ko siya sinama. Siya ang photographer sa photoshoot ko."

"Really?"

"Uhm, I was just surprised that he was there too."

Ohh naging OA ako.

"Bakit may date kayo kagabi ni Shawn?"

"Hindi 'yon date. I invited him to dinner last night to tell him that I can't love him."

"What? Nireject mo siya?"

"Yes, dahil ayokong paasahin siya."

"Why did you do that?!"

"Bakit ka galit?"

"Dahil ayoko yung ginawa mo sa kanya."

"What?!"

"Tawagan mo siya at bawiin ang sinabi mo sa kanya."

"Are you serious?!"

"Oo, seryoso ako."

"Georgina?!"

"He's my friend, at hindi pa ako handa na malaman niya yung tungkol sa atin."

"Paano naman ako? yung nararamdaman ko?" naiiyak kong sabi

Pinunasan niya ang luha ko. "Alam kong mahihirapan tayo, pero ayokong maging selfish, hon."

"Ayaw mong maging selfish pero sa ginagawa mo sa akin ay nagiging selfish ka na."

"I'm sorry, give me time at ako mismo magsasabi sa kanila tungkol sa atin."

Sinunod ko na lang ang sinabi niya dahil naniniwala ako sa huling sinabi niya.

Pagkarating ko sa bahay ay tumawag si Ken. Von: [Ken--]

Ken: [Where are you?]

Von: [Sa bahay, bakit?]

Ken: [Puntahan mo kami rito, lasing na lasing si Shawn.]

Von: [What?!]

Ken: [Itetext ko ang location.]

Pagkababa ay agad ko kinuha ang susi at pinuntahan ang location na sinend ni Ken.

"What happened?"

"Tinawagan niya ako at pagkarating ko rito ay lasing na siya."

"Tulungan mo akong buhatin siya."

Pagkapasok namin sa kanya sa kotse niya ay...

"Ako na maghahatid sa kotse mo sa bahay niya, nag taxi lang naman ako papunta rito." aniya

"Osige, salamat."

Pagkarating namin sa bahay ni Shawn ay agad namin ito hiniga.

"Von, hindi na kita masasamahan, may lakad pa kasi kami ni Jerstin."

"Osige, ako na bahala kay Shawn."

"Tawag ka na lang kapag may kailangan ka."

"Uhm, salamat." at tuluyan na siyang umalis.

SUNFLOWERWhere stories live. Discover now