Chapter Eleven

144 5 0
                                    

"What's wrong?" alala ni Ken

"Pwedi ba akong matulog ngayon sa bahay niyo?"

"Oo naman. Pero... may problema ba?"

"Nothing, namiss ko lang matulog sa inyo at namiss ko na rin si tita." pagdadahilan ko at nginitian ko siya para hindi na mag alala pa.

At lumapit si Shawn "Let's go, baby?"nakangiting aniya

"I'm sorry, Shawn, kina Ken muna ako matutulog tonight."

"Ihahatid na kita."

"Hindi na, sasabay na lang ako sa kanila."

"Pero gusto kitang ihatid--"

"Greeshawn." sinubukan kong huminahon

"Okay."

"Ako na bahala sa kanya." sabi ni Ken kay Shawn

Ngumiti ito "Thanks"

"Let's go, Ken." aya ko

"Wait, nasaan sina George at kuya mo?" she asked

"Oo nga no, kanina pa sila wala." sabi ni Jerstin

"I saw them in the pool area." si Shawn

"Anong ginagawa nila don? nags'swimming na?" si Ken

"Nag uusap at umiinom." aniya

Wait, what?!

"Ohh, baka dito na sila matutulog,. Let's go, Von." aya ni Ken.

"No."

Kita ko ang gulat sa mga itsura nila. "Ha? anong no?" Ken asked

"Mauna na kayo, may kukunin pa pala ako sa kwarto ko." pagdadahilan ko

"Osige hintayin ka na namin."

"Hindi na, baka matagalan."

"Okay lang, hihintayin ka namin--"

"Magpapahatid na lang ako sa driver namin."

"Hihintayin na kita." si Shawn

Wala akong choice kundi kaladkarin sila papasok sa kaniya kaniya nilang mga kotse. "Hey, what are you doing, Von?" Si Ken

"Drive safely." sabi ko at mabilis na pumunta sa pool area

Nakita ko sila na nakaupo sa may gilid ng pool habang nakababad ang mga paa nila. Lalapitan ko na sana sila nang biglang sumandal si George sa balikat ni kuya.

Biglang kumirot ang dibdib ko.

"Thank you, Van, for always understanding me." rinig kong sabi ni George kay kuya.

Hindi ko namalayan na may luha na palang bumagsak mula sa mga mata ko.

Bakit ako nasasaktan?

Pumunta ako sa mini bar namin para uminom dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan.

Mabilis kong naubos ang isang boteng wine at akmang bubuksan ko ang isa nang may biglang pumigil sa akin. Si George.

"What are you doing?" halata sa tono ng boses ko na lasing na ako

"Lasing ka na." aniya

"Pake mo?"

"Tama na 'yan." aniya at akmang kukunin ang wine sa akin

"Ano bang pakialam mo?!" inis ko

"Magpahinga ka na" aniya at kinuha ang wine sa akin

"Ibalik mo 'yan, hindi pa ako tapos."

SUNFLOWERWhere stories live. Discover now