Chapter Thirty Two

81 7 0
                                    

Nakabalik na kami sa hotel.

"Babalik na ako sa room ko." sabi ko

Pabalik na ako nang bigla niya ako pigilan gamit ang paghawak niya sa braso ko. "Wait."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"

Binitawan niya ang pagkahawak sa braso ko at ngumiti siya. "Thank you."

"Para saan?" tanong ko

"Thank you kasi binibigyan mo ako ng chance."

Bigla ako napaisip.

Nginitian ko na lang siya. "Sige, balik na ako."

"Sige" nakangiting aniya

Pagkarating ko sa room ay bigla ko naalala na mamayang gabi na pala ang flight ni Shawn pabalik sa Manila.

Tinawagan ko siya para malaman kung anong oras ang flight niya mamaya.

Shawn: [Miss mo na agad ako, baby?]

Von: [Shawn, what time ng flight mo mamaya?]

Shawn: [Akala ko naman namiss mo ako.] tampo niya

Von: [What time?]

Shawn: [8 pm, why?]

Von: [Hindi ko kasi alam kung makakahabol ako mamaya.]

Shawn: [Okay lang. Bumawi ka naman din kanina.]

Von: [Sigurado ka?]

Shawn: [Uhm. Magkikita naman tayo sa Manila.] natatawang aniya

Sabagay. Pero nangako ako.

Von: [Basta ingat ka. Bawi ako pagbalik sa Manila.]

Shawn: [Sabi mo yan ah?] tuwang aniya

Von: [Uhm] nakangiti kong sabi

Shawn: [Okay. Ihahatid ko kayo sa parking lot mamaya.]

Von: [Okay]

Shawn: [See you later, baby.] mukhang masaya na naman si Shawn

Von: [See you.] at ibinaba ko na

Nagshower na agad ako at nag ayos.

Tinawagan ko si George pero hindi niya sinasagot. Tinawagan ko si Ken dahil magkasama sila ni George, pero hindi niya rin sinasagot. Minessage ko na lang si George.

Von: [Hon, nakabalik na kami sa hotel kanina. Papunta na ako sa event ngayon.]

Von: [Kumusta pakiramdam mo? Okay na ba?]

Von: [Naipagluto ka na ba ni Ken?]

Von: [I missed you, hon.]

Von: [Gusto na kita makita.]

Biglang tumawag si Mr. Lim.

Von: [Tawagan kita pag uwi ko.] sabi ko bago ko sagutin ang tawag ni Mr. Lim.

Mr. Lim: [Tapos ka na?]

Von: [Uhm. Pababa na ako.]

Mr. Lim: [Okay] at ibinaba na niya

Nagulat ako sa bigang paglitaw ni Shawn nang buksan ko ang pinto.

"Nagulat ba kita?" natatawang aniya

"Oo! Muntikan na nga mahulog ang puso ko."

"Handa akong saluhin ang puso mo." sabay kindat

"Sira" sabi ko

SUNFLOWERWhere stories live. Discover now