Chapter One

980 11 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
______________________________________________

I'm here now at the flower shop with my bff.

"Von, wait for me here, I'm just going to buy something at the drugstore, okay?" ngiting aniya

"Okay" sagot ko habang pumipili ng bulaklak.

She's Kendra Jimenez, my bff, and I am Ivonne Montellana, isang popular na model.

Kukunin ko na sana ang bulaklak na napili ko nang may biglang kumuha nito.

"Miss, kunin ko na 'to" aniya sa ale

"Excuse me?!" taray kong sabi habang nakataas ang isa kong kilay

Tumingin ito sa akin "Yes?" aniya na para bang walang inagaw

"Ako nauna dyan sa Sunflower"

"Ha?" aniya na para bang walang narinig

"Ang sabi ko, ako ang nauna dyan sa bulaklak!"

"Oo narinig ko" hindi ko alam kung nang aasar ba ito or what

"Narinig mo na pala pero bakit pinaulit mo pa?!" inis kong sabi

"Wala akong oras makipag usap sayo ngayon" Inabot ang bayad kay ale at akmang aalis na.

Agad kong hinawakan ito sa braso. "Where are you going?! Akin na 'yang bulaklak!" at inalis ko ang pagkahawak.

"Miss, nagmamadali ako."

"I don't care, akin na 'yang sunflowers!"

"Fine! Ang sabi mo ikaw nauna, pero bakit ako may hawak?" kita ang inis sa mukha niya.

"Iniinis mo ba ako?! Inagaw mo kaya ikaw may hawak ngayon!" Naiinis na talaga ako

Tumingin ito kay ale "Miss, nakita mo bang hawak niya 'tong bulaklak?" tanong niya rito

Tumingin ito sa akin at muling tumingin sa umagaw sa bulaklak ko. "Ahh hindi po" sagot nitong ale

Tumingin sa akin ang babaeng mang aagaw "See? kaya wala akong inaagaw sayo, miss"

Tumingin ako kay ale "Miss, kukunin ko na sana 'yan kaso bigla niyang kinuha" depensa ko

Biglang nagsalita ang babae "Kung ganon, mabagal kang kumuha, miss" kalmado ang pagkasabi niya pero nakakainis!!

OMG!! Gusto kong sabunutan 'tong babaeng nasa harapan ko ngayon!

Agad nang lumabas sa shop ang mang aagaw "Hey!!" nilayasan ako.

"What the hell?! who is she?! hindi niya ba kilala kung sino ang kinalaban niya?!" inis kong tanong sa sarili

At nakabalik na si Ken "Ohh, hindi ka pa rin nakapili?" tanong niya

Inis akong humarap dito "May isang bitch na umagaw sa bulaklak ko!"

"Ha? sino?"

"Hindi ko siya kilala, at ayoko siyang makilala! Like girl, mukhang hindi niya ako kilala!"

"Calm down, okay? nakakatanda yang pagiging minisin. Ano bang bulaklak ang napili mo?"

"Sunflower, last na lang 'yon e"

SUNFLOWERWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu