Chapter Twenty

115 5 1
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas at katatapos lang ilibing ni lola Fe.

"Kain muna kayo." aya ni kuya

"George, kumain ka muna." aya ko sa kanya

"Gusto kong magpahinga." sagot niya

Nagkatinginan lang kami ni kuya.

"Salamat sa tulong niyo, pero gusto ko muna mapag isa." aniya

Nagkatinginan kaming lahat.

"Okay, uuwi na muna kami." sabi ni Shawn

"Ayaw mo bang kumain muna?" tanong ni Ken

"Busog pa ako." walang ganang sagot ni George

"Sige na, mauna na kayo." sabi ko sa kanila

"Hintayin kita sa labas." si Shawn

"Huwag na.." hindi ko natapos ang sasabihin ko

"Sumama ka na." utos ni George

Napatingin ako sa kanya.

"Gusto ko mapag isa." pag uulit niya

Wala akong magawa dahil yun yung gusto niya.

"Okay, tawagan mo lang kami kapag may kailangan ka." sabi ko

Hindi siya kumibo.

"Mauna na kami ah?" paalam ni Mr. Reyes

She nodded

Isa isa na silang nagsilabas.

"George, tawagan mo ako kapag gusto mo nang kausap." si kuya

She nodded again.

Lumabas na si kuya at ako na lang ang naiwan kasama ni George.

Hinawakan ko ang kamay niya "Nandito lang ako sa tabi mo. Hihintayin ko ang tawag mo."

Tinignan niya lang ako at tumnango.

Nagsi uwi na kami dahil parepareho kaming pagod. Hinihintay ko pa rin ang tawag ni George na baka sakali gusto niya ng makakasama. Gabi na pero wala pa rin siyang tawag o text man lang. Naisip ko baka nakatulog siya. Nag shower muna ako bago matulog, wala akong gana mag dinner dahil sa nangyari.

Umaga na at maagang dumalaw si Shawn sa bahay.

"Good morning." bati niya

"Good morning. Bakit ang aga mo?"

"Binilhan kita ng breakfast, alam kong naapektuhan ka rin sa pagkawala ni lola Fe." aniya

"Tumawag na ba sayo si George?" tanong ko

"Hindi pa. Nag aalala na nga ako, baka pinapabayaan na niya ang sarili niya."

"Kung puntahan kaya natin?"

"Ngayon na?"

"Oo, nag aalala na ako sa kanya."

"Ohh okay."

Pagkarating namin sa bahay ni lola Fe ay nadatnan namin na nandoon din pala si kuya, kasamang nag b-breakfast si George.

Napatingin sila sa amin "Von, Shawn" banggit ni kuya

Agad tumayo si George at nakatingin lang sa akin.

"You're here too, kuya Van." nakangiting sabi ni Shawn.

"Ah yeah. George called me, and that's why I'm here." paliwanag ni kuya

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kasi ako yung girlfriend niya pero bakit si kuya ang tinawagan niya?

SUNFLOWERWhere stories live. Discover now