Chapter Thirty Eight

111 6 1
                                    

Hapon na pero wala pa rin si mommy, kahit si kuya ay hindi man lang ako naisipan na dalawin.

Dumating si dad na mainit ang ulo.

"Why did you do that?!"

"What?"

"Bakit mo sinabi sa kanila 'yon?!"

"Dahil yun yung totoo."

"No! Bawiin mo ang sinabi mo sa kanila."

"No!"

"Yvonne!"

"Kung gusto niyo, kayo ang magpakasal kay Shawn."

"What?!"

"Tutal kayo naman ang may gusto sa kanya."

"Gusto ko siya para sayo dahil alam kong siya ang makakabuti sayo."

"Makakabuti sa kompanya mo." pagtatama ko

"Umayos ka! Ayaw kong masira ulit ang plano ko!"

"Plano?"

Hindi ito kumibo.

"What plan, dad?"

"Aalis na ako." akmang tatalikuran na niya ako

"I'm asking you!"

"Nothing, okay? Nothing!"

"Plano mo iyon? Na siraan kami ni George?"

"Seriously? Do you think na uutusan ko sila na mag kiss, mag holding hands, or mag sex para lang siraan kayo?"

Hindi ako nakasagot dahil tama naman siya.

"C'mon, Von. Sabihin ko man sayo ang pangloloko nila sayo o hindi, malalaman at malalaman mo rin ang totoo. And anak kita kaya gusto ko ang mas nakakabuti sayo."

Pinunasan ko ang luhang bumagsak.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Anak, alam kong naging selfish si daddy, pero ginagawa ko lang ito para sayo. Mas alam ng isang magulang ang mas nakakabuti para sa anak. Sana maintindihan mo si daddy."

"Maha kita, mahal ko kayo ng kuya Van mo. Balang araw, maiintindihan niyo rin ako." dagdag niya

Hinawakan niya ako sa balikat. "Magpahinga ka na." at lumabas na siya

Tama si dad.

Ilang oras ang lumipas ay dumalaw si Mr. Lim.

"Mr. Lim" banggit ko

"Shhhh!" aniya at sumulyap sa pinto

"Bakit? May problema ba?"

"Sumama ka sa akin."

"Saan tayo pupunta?"

"Malalaman mo mamaya."

"Hindi nga ako makalabas dahil may nakabantay."

"Huwag kang mag alala, nag cr yung isa at inutusan ko yung isa."

"Really?"

"Magbihis ka na bago pa sila dumating."

Agad naman ako tumayo at nagbihis.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta."

Inopen niya ang pinto para icheck kung wala pa sila.

"Wala pa sila. Tara." aniya at sumunod naman ako sa kanya

Habang naglalakad kami sa hallway
"Malalagot tayo kay daddy."

"Malagot na kung malagot."

"Mr. Lim."

SUNFLOWERWo Geschichten leben. Entdecke jetzt