Umaga na at maaga rin ako pinuntahan ni Shawn sa room ko.
"Bakit may papikit pikit pa?" tanong ko dahil pinapikit niya pa ako
"Surprise kasi." aniya
Hinayaan ko na lang siya.
Napansin kong parang biglang uminit. "Lumabas ba tayo?" tanong ko
"Uhm" tipid niyang sagot
"Saan tayo pupunta?"
Bigla siyang huminto sa paglalakad.
"Open your eyes." aniya
Dahan dahan ko naman iminulat ang mga mata ko. Nasorpresa ako sa ginawa niya.
"Surprise!" masayang aniya
"Ikaw gumawa nito?" I asked
He nodded
"Shawn"
"Nagustuhan mo ba?" nakangiting aniya
"You don't need to surprise me."
"Why? Hindi mo ba nagustuhan?" biglang nalungkot ito
"Nagustuhan"
"Pero sobra sobra na ang pagsosorpresa mo sa akin." dagdag ko
Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Deserve mo dahil sobra sobra ang ligayang ibinibigay mo sa akin." at nginitian niya ako
Hindi ko deserve, at lalong lalo na hindi niya ako deserve.
"Sorry"
"For what?"
"Nothing"
Ngumiti siya "Let's eat?"
"Uhm" at umupo na kami
"For you." binigyan niya ako ng bulaklak
Tinanggap ko naman 'yon "Thank you." at nginitian ko siya
"Ang sabi ni Mr. Lim, mamaya pa ang event."
"Uhm" tipid kong sagot
"So, after sa gym, pwedi tayo lumabas?"
"Lumabas?"
He nodded
"Tatanungin ko muna si Mr. Lim."
"Pinagpaalam na kita sa kanya. Pumayag siya." nakangiting aniya
"Okay" mukhang papayag din naman si George
"Yes!" masayang aniya
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya
"Ikaw bahala."
"Manood tayo ng movie?"
"Sige"
"Okay"
Pagkatapos kumain ay nagpalit na kami at pumuntang Gym.
"Marunong ka pala magkick boxing?"
"Uhm. Tinuruan ako ni Geo...." napatigil ako sa pagsasalita
"Sino?"
"Coach"
"Ahhh. Si George, magaling sa ganyan. Tinuruan niya rin ako noon."
"Really?"
"Uhm, ang galing galing niya sa boxing. Nagpapaturo nga rin sina Jerstin."