Chapter Seventeen

154 7 4
                                    

"Kuya Van, why are you here?"

"I heard about what happened to you and Shawn kaya dumiretso na agad ako rito."

Inakbayan ako ni Shawn "We're okay na bro, may plan lang pala sila ni George kaya niya ginawa 'yon." nakangiting aniya

"Plan? with George?"

"Yeah" tipid kong sabi

"Anong plan?" curious nito

"May plano pala si Von na isurprise ako sa birthday ko." si Shawn na sumagot

"Ohh really?" nakangiting aniya

"Yes" at nginitian ko si kuya

"Paano 'yan? di na siya surprise." natatawang aniya

"Kaya nga e bro, pero okay lang, ang mahalaga ay may chance ako kay Von."

Wala ako ibang magawa kundi ngitian na lang sila.

"You okay?" biglang tanong ni Shawn habang nag b'breakfast kami.

Tinignan ko ito at nginitian "Yeah"

"Kanina pa malalim ang iniisip mo. May problema ba?" pag aalala nito

"Nothing, inaantok lang ako."

"Sorry, napuyat yata kita.",

"No, it's okay, bawi na lang ako pagkauwi."

"Osige, after natin kumain ihahatid na kita para makapagpahinga ka na."

Ngiti na lang ang isinagot ko.

Habang nasa byahe kami ay iniisip ko pa rin itong plano na ginawa ni George.

"Baby?" tawag ni Shawn kaya agad ako humarap sa kanya

"Uhm?"

"Free ka ba sa Saturday?"

"Yeah, why?"

"Zambales tayo?"

"Zambales?"

"Uhm, tayong anim."

"Pumayag na sila?"

"Hindi pa, tatanungin ko pa lang sila mamaya."

"Ohh"

"Update na lang kita."

"Okay" at nakarating na kami sa bahay ko

Agad namam nagpaalam si Shawn dahil may meeting pa ito. Nagshower naman agad ako at sinubukan tawagan si George pero hindi nito sinasagot. Naisip kong iopen ang secret IG account ko, at nakita kong may nag dm, si hi_peace.

hi_peace: [Hi, kumusta na kayo nung kinukwento mo?]

Yvy: [We're okay na, thank you sayo. :)]

hi_peace: [Buti naman. :)]

hi_peace: [sent a photo]

hi_peace: [Kilala mo ba siya?]

Ken? nakilala ko ito dahil alam na alam ko ang likod ni Ken.

Yvy: [No, why?] pagsisinungaling ko

hi_peace: [Kilala mo ba si Yvonne Montellana? yung sikat na model.]

Yvy: [Yeah, why?] kahit ako naman talaga 'yon

hi_peace: [That's her best friend.]

Yvy: [Really?]

Bakit kaya sinend niya sa akin? Hindi naman niya alam na ako si Yvonne.

SUNFLOWERWhere stories live. Discover now