Chapter Thirty Six

83 6 7
                                    

Wala ako ibang ginawa kundi uminom nang uminom at umiyak. Galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi na naalis sa isipan ko yung sex video nila.

Paano niya nagawa 'yon? Hindi pa ba ako naging sapat?

Paano nila nagawa sa akin 'yon? Sa dami rami ng babae sa mundo, bakit ang taong pinagkakatiwalaan ko pa? Bakit ang matalik na kaibigan ko pa?

Ang sakit lang isipin na nagawa nila sa akin 'yon. Nagawa nila akong traydurin.

Karma ba 'to sa akin dahil sa paglihim namin kay Shawn?

Triple yung sakit na parusang ibinigay sa akin. Durog na durog yung puso ko. Hindi ko inexpect na magagawa akong lokohin ni George. Hindi ko inexpect na magagawa akong traydurin ni Ken.

Sa pag iisip ko ay biglang may nag doorbell. Wala akong ganang tingnan kung sino 'yon dahil gusto kong mapag isa.

Narinig kong sumigaw ito. "Von, si kuya 'to."

Si kuya... na alam din ang pangloloko nina George at Ken.

"Von!" sigaw pa niya

Hindi ko ito pinansin dahil sa paglilihim niya rin sa akin.

Pagkatapos non ay hindi ko na narinig pa ito. Sumilip ako sa bintana at nakita kong nagtatalo sila ni Shawn.

Agad ako lumabas. "Dito pa talaga kayo mag aaway?!" galit ko sa kanila

Napatingin sila pareho. "Von." si kuya

"Umalis na kayo! Huwag kayo rito magtalo!"

"Von, let's talk." si kuya

"Pagkatapos mo itago kay Von yung totoo, ngayon gusto mo siya makausap?" si Shawn

"Usapan magkapatid 'to!" si kuya

"Yun na nga, mas pinili mong kampihan si George kaysa sa sarili mong kapatid!"

"Shut up!"

"Mahal mo kaya mas pinili mong protektahan siya kaysa kay Von!"

Napikon na si kuya kaya hinawakan niya sa kwelyo si Shawn. "Wala kang alam kaya huwag kang mangialam!"

"Ganyan ka na ba talaga katanga para itago yung pangloloko nila kay Von?!"

"I said shut up!" at sinuntok ni kuya si Shawn

At susuntukin din sana siya ni Shawn pabalik. "Stop!!" sigaw ko para tumigil na sila

"Kung mag susuntukan kayo, huwag dito sa harap ng bahay ko! Sa ibang lugar kayo mag away kahit magpatayan pa kayo!" hindi ko na napigilan sa sobrang galit

At nagkatinginan ng masama ang dalawa.

"Umalis na kayo bago ko kayo ipakaladkad sa guard!"

Sumunod naman sila sa sinabi ko.

Pagkapasok ko napaiyak ulit ako.

Bakit nga ba pinoprotektahan ni kuya si George? Dahil ba mas mahal niya kaysa sa kapatid niya?

Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. Yung mga pinagkakatiwalaan ko ay niloloko ako.

Kailangan ko ngayon ay si mom.

Nag bathtub ako para maimasmasan, pero sa dami ng nainom ko, hindi ko na mabuhat ang katawan ko. Unti unti na ako nawawalan ng malay habang nakababad sa bathtub. Gusto ko humingi ng tulong pero hindi ko magawa. Ilang sandali lang ay may narinig akong ingay sa baba.

"Von, where are you?" rinig ko

Mom... I'm here... please help me.

sa isip ko lang nasabi dahil hindi ko mabanggit.

Thank God at narinig kong inopen ang door ng room ko.

"Yvonne, si mommy 'to." rinig ko

Mom...

Sinusubukan kong igalaw ang kamay ko pero hindi ko talaga kaya. Naiiyak ako sa nangyayari. Dahil sa sobra sa pagkababad ko sa tubig, unti unti na pumipikit ang mga mata ko.

Buhay ko na ba ang kapalit sa paglihim namin kay Shawn?

Hindi ko na alam ang nangyari pa dahil tuluyan na ako nawalan ng malay.

Nagising ako at nasa tabi ko si dad.

"Sweetheart, pinag alala mo ako." aniya at niyakap ako

"Where am I?" I asked

"You're here in our hospital."

"Where's mom?"

"Your mom?"

"Yes, where is she?" at sinusubukan kong bumangon

"Sweetheart, kailangan mong magpahinga."

"Okay na ako, gusto ko ng umuwi."

"No! Tingnan mo ang nangyari sayo dahil sa George na 'yon."

"Not now, please." at umupo ako

"Kung nakinig ka lang sana sa akin na si Shawn ang pakasalan mo, edi sana hindi nangyayari sayo 'yan ngayon."

"Dad, please!" pakikiusap ko

"Anak, daddy mo ako. Alam ko ang mas nakakabuti para sayo."

"Mas makakabuti sayo si Shawn. Itutuloy natin ang kasal niyo..."

"Please stop!" hindi ko napigilan di tumaas ang boses ko

"Stop what?! Nag iisip ka ba Yvonne Montellana? Makikipagrelasyon ka na lang sa kapwa mo pa babae! Hindi ka na nahiya!"

Napatingin ako ng masama sa kanya.

"Ano na lang ang sasabihin ng mga tao lalong lalo na ang mga kaibigan ko kapag nalaman nila na yung nag iisa kong anak na babae ay abnormal?"

"What? Abnormal?! Dad, naririnig mo ba ang sinasabi mo?!"

"Kasalanan ang ginagawa niyo, Von."

Namumuho ang luha sa mga mata ko dahil sa mga sinasabi ni daddy.

"Hindi abnormal at hindi kasalanan ang magmahal ng kapwa babae o lalaki man, dad. Nagmamahal lang kami."

"'Yang pagmamahal na 'yan ang sisira sayo, Yvonne!"

"No, dad! Wala kami ginagawang masama ni George."

Napangisi ito. "Mana ka talaga sa mommy mo! Mga tanga sa pag ibig."

"Siguro nga dad naging tanga si mom noon na minahal ka niya."

"What?!"

"Kaya hindi na ako magtataka kung bakit iniwan ka niya."

Nasampal niya ako at nabigla ako.

"Kung hindi naging tanga ang mommy mo noon, wala kayo ngayon ng kuya mo!"

"Umayos ka, Yvonne. Walang abnormal sa pamilya ko. Sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal kayo ni Shawn!" aniya at lumabas na.

At doon na ako umiyak.

Biglang dumating si Mr. Lim.

"Von" nag aalalang aniya dahil nadatnan niya akong umiiyak

"What's wrong? May masakit ba sayo?" alalang aniya

Tinuro ko ang dibdib ko. "Ito! ito ang masakit! Ang sakit sakit, Mr. Lim." umiiyak kong sabi sa kanya

Niyakap niya ako para icomfort.

SUNFLOWERWhere stories live. Discover now