OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #18

Bắt đầu từ đầu
                                    

Ito ba iyong pakiramdam na may taong nagiging possessive over me? Iyong mag seselos sa kaunting bagay na wala naman dapat ikaselos tulad ng paghawak ni Tristan sa akin. At para nga akong kikiligin kung hindi ko lamang napigil ang sarili ko.

"Hindi naman hawak iyon na.."

"I don't care." Putol niya sa sasabihin ko sanang hindi naman iyon hawak tulad ng pagkakahawak niya sa akin. "Gusto kong ako lang. Walang ibang hahawak sayo. Ako lamang." Saka niya inikulong ang pisngi ko sa mga palad niya at mariing hinalikan.

Nanlaki ang mga mata ko hindi sa hindi ko nagustuhan kundi nagulat ako lalo na at nasa labas kami.

Oo nga at hinalikan ko siya sa airport noon. And I don't care about others pero ganito pala ang pakiramdam na hindi mapapaghandaan ang halikan niya ako sa pampublikong lugar.

"I love you. So please, stay away from others." Sabi pa niya matapos akong halikan na sinundan ng pagyakap sa akin na para ngang ayaw akong mawala sa kanya.

"Okay, okay. Pero pwede ba. Umalis na muna tayo dito." Kuway pagtugon ko na may kasamang pagtulak sa kanya.

"Okay." Sagot naman niya na binalingan ang sasakyan. Pinagbuksan ako ng pinto at tulad ng dati umalalay na naman siya sa akin at hinarangan ang ulo ko para di mauntog bago mabilis na umikot sa kabila at sumakay.

Pahila ko na ang seatbelt ng bigla niya iyong kinuha sa akin at siya na mismo ang nagkabit.

"Let's go. Sa susunod, bibili na ako ng pwede mong gamitin sa pag iihersisyo para di ka na pumunta ng gym. Saka hindi mo na kailangan ang mabibigat na equipment na magagamit sa gym. Simlpeng lakad lang sa treadmill ay pagpapawisan ka na."

"Kaya nga kinuha ko na mga gamit ko, diba?"

"Yeah, at magandang desisyon iyon." Sabi pa nito bago umarangkada paalis ang sinakyan namin.

Habang nagmamaneho siya ay hindi maiwasan ang pagsulyap niya sa akin. Tila may gusto pang sabihin pero hindi naman siya nagsalita pa kaya hindi ko na din siya inimik pa hanggang sa makauwi kami.









Tahimik ko siyang pinagmasdan habang may kinakausap sa laptop niya. Naririnig ko ang usapan nila dahil hindi naman siya gumamit ng headphone, earphone o earpeace na siya lamang ang nakakarinig.

Kausap niya ang sikat na babaeng model na nais magpatayo ng bahay at siya ang napili nitong hahawak ng naturang pagpapagawa ng bahay nito.

Sa dami ng engineers o di kaya naman architect na pwede nitong i hire ay siya pa talaga ang napili.

Alam ko naman na sa kagaya niyang isang lisensyadong engineer ay maraming nakakakilala lalo na nga sa paggawa ng mga plano.

Maayos naman ang pakikipag usap niya dito. Hindi ko siya inabala sa kung ano ang trabaho niya pero naringgan ko mula sa babae ang tila kakaiba ang tuno ng boses nito na halatang pinapababa ang boses. Ibig sabihin lumalandi ang babae habang nakikipagdeal siya dito.

"Nagpasa ako sa email mo Ms. Rustico. Pakitingnan na lang kung may nagustuhan ka. Limang kopya iyan ng iba't ibang plano na naayon sa gusto mo." Pormal na pakikipag usap niya dito.

"Titignan ko na din ngayon para masabi ko ang gusto ko, Mr. Selvester." Sagot naman ng kausap niya. "Uhm. I can't see much dahil masyado siyang maliit. Ano kaya kung magkita na lang tayo. Maglalaan ako ng oras para makipagkita sayo para mapag usapan na din natin ng maayos ang mga plano at iba pang bagay na nag uugnay sa ipapagawa ko." Mahabang saad ng babaeng kausap na kahit hindi ko nakikita ito ay halatang nagpapacute sa harapan ng camera habang nakikipag usap sa kanya.

"Sure, Ms. Rustico. Sabihin mo lang kong kailan para maayos ko din ang schedule ko."

"Yeah! Free ako sa susunod na araw. How about that?"

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ