OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #15

Comenzar desde el principio
                                    

Ang halik na aming pinagsaluhan ay nauwi muli sa isang mainit na pagiisa ng katawan namin.





"Do you need help?" Ang papa matapos nilang marinig ang aming naikwento tungkol kinakaharap niya ngayon sa pamilya.

"Hindi na kailangan papa. Kaya na naming harapin iyon ng magkasama."

"Okay then, hijo. But if you need help. Nandito lamang kami ng daddy mo. And you, be a man." Baling ng papa kay Mandy na matamang nakikinig. "Don't let your father manipulate you."

"I will po, tito. Ipaglalaban ko po si Xaviel."

Nasa mga labi na naman nina daddy at papa ang ngisi dahil sa sinabi nito. Kahit na hindi man sa labi tignan ay nasa kislap parin ng mga mata ang panunukso.

Tulad na lang kaninang bumaba kami ng tawagin na kami para mananghalian. Hindi nila itinago na alam nila kung ano ang naganap sa loob ng silid ko sa loob ng mahabang oras.

"Umaasa kami sayo, hijo. Basta habaan mo na lang ang pasensya para sa anak namin dahil mas maraming nagsasabi na mas matigas pa sa bato ang puso niya dahil walang nakakapukaw ng interest niya."

"Papa, enough." Pumagitna ako dahil sa mga nasasabi na ni papa.

"Totoo naman." Sigunda naman ng daddy.

"Alam ko po, tito. At iyon na ang ginagawa ko." Sagot naman niya na hindi pinansin ang pagpapagitna ko sa usapan nila.

"Hindi na kami magtatagal, dad. Pa." Iyon na lang ang naisip kong paraan para maputol na ang usapan nila. Ayaw ko kasi ng ako ang nagiging sentro ng usapan kaya mas mabuting magpaalam na sa mga ito.

"Hindi pa nga tayo nakakapag usap ng matagal, magyayaya ka ng umuwi." Si daddy. "Bihira ka na nga naming makasama tapos magmamadali ka pa. Lalo na ngayon sa kalagayan mo..."

"I said enough, dad. At saka itigil niyo na iyan dahil hindi na bago ang pagdradrama niyo." Sabi ko kay daddy dahil iyon lagi ang ang ginagawa nito. Dradramahan kami para lamang umuwi ng bahay sa A. Place at madadala naman kami kaya kami mapapadalaw sa kanila.

"Halata na ba, love?" kuway tanong naman nito kay papa.

"Oo, love. Hindi na kasi bata ang mga anak natin." Sagot naman ni papa na umakbay

Nailing na lang ako pero magaan sa pakiramdam ko nasuportado ang mga magulang ko sa kahit na anong disesyon namin sa buhay.

Walang nagmamanipula sa bawat kilos namin o sa sino dapat ang gusto nilang makapareha namin. Wala silang pakialam sa kung sino ang pipiliin namin basta kayang panindigan iyon.

"Dad, we are old enough for that."

"Kaya nga, hijo..hala sige. Hindi na nga kami mangingialam sa inyo. Basta ang bilin namin. If you need anything, nandito lamang kami ng papa mo."

'Thank you dad."

"Nakapag paalam ka na ba sa kambal mo?"

"Tapos na dad. Sige, at mauuna na kami. Ingat kayo lagi ni papa."

Maayos na kaming nakapagpaalam kina papa at daddy at nauna na nga kaming umalis.

Siya na ang nagmaneho. Hindi na niya ako hinayaang magmaneho na dapag magrelax na lang daw ako para hindi ako mapagod.

"Are you treating me like a kid?"

"No. I just want to serve you like a king." Nakangiti nitong sagot. Mabilis na dinampian pa ako ng halik sa labi bago ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

"Whatever." Naiiling na naging tugon ko sa sinabi niya. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Papasaan ba ay masasanay ako sa mas domobleng atensyon na ibinibigay niya sa akin. Lalo na ngayon na may ibang pulso ng pumipitik sa loob ng katawan ko na nag uugnay sa aming dalawa.






✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora