OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #15

Magsimula sa umpisa
                                    

"In my room. I just want to lie fown first bago mananghalian. Let's go." Aya ko sa kanya. "Dad, akyat lamang kami." Kuway baling ko kay daddy na abala na nga sa pagkarga sa anak nila Frances.

"Go on, hijo. Tatawagan ko na lamang kayo kapag kainan na." Sagot ng daddy na hindi na din lumingon pa.

"Okay lang ba na iwan natin sila dito?" Tanong pa niya ng hilain ko siya patayo.

"Why not? They are busy with the baby. And daddy already welcome you, anyway."

Binitawan ko na siya. Hindi ko siya pipiliting sumama sa akin paakyat kung ayaw niya.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo na din siya ng nasa hagdanan na ako. Hindi ko na siya inimik at hinayaan ko ngang sumunod sa akin sa pag akyat.

"Hey."

Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod ng nasa loob na kami ng akimg silid.

Ibinaon ang mukha sa kaliwang balikat ko at ang kanyang mga palaf ay dumada sa nipis kong tiyan.

"Are we really having babies." Mahinang tanong nito na patuloy sa marahang paghugod sa tiyan ko.

"Uhm." Tipid kong sagot. Halos isang minuto ko din siyang hinayaan sa pagyakap niya at pagdama bago ko kumalas sa kanya.

"Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.

"Yeah! Kahit sino naman. Kakaiba man ang kalagayan ko ay iyon ang katotohanan. Hindi na iyon mababago." Nagtama pa ang mga mata namin ng lingunin ko siya.

"Sit down." Alok ko sa sabay turo sa kanya ng sofa sa gitna ng silid ko malapit sa paanan ng kama.

Masunurin naman siyang sumunod at naupo pero ang tingin niya ay nakasunod sa akin. Nakasunod sa bawat galaw ko na nababakas sa kanyang mukha ang hindi parin makapaniwala.

"Are you done staring?" Tanong ko ng maupo ako sa sofa sa harapan niya.

Napansin ko ang kanyang paglunok. Kumurap pa sabay tayo na lumipat ng upo sa tabi ko.

"I love you. I really do. And I love you more now than before."

"I know."

Napailing na naman ako ng yumakap na naman siya sa akin.

"Marry me, Xaviel. Please." Kuway pag aalok na naman nito.

"Sinabi ko sayo na hindi basta basta ang kasal, Mandy. Oo nga at pinigilan kita sa pag uwi mo ng Brunei para hindi mo ituloy ang pagpapakasal mo sa taong hindi mo naman mahal. Sinabi ko din sayo na hindi ko pa masasagot iyan ngayon."

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga na kinalas ang pagkakayakap sa akin. May ngiti parin sa kanyang mga labi pero hindi iyon abot sa kislap ng kanyang mata.

"Nilinaw ko sayo ang bagay na iyon, Mandy."

"Alam ko. At maghihintay ako hanggang sa handa mo ng sagutin at tugunan ang pagmamahal ko sayo. At hindi ako susuko. Lalo na ngayon, magkakababy na nga tayo."

"Good." Itinaas ko ang kamay ko to pat and stroke his hair like a kid. "Be good, always. Saka na natin iyan pag usapan matapos nating kausapin ang ama mo na ayaw mong magpakasal."

"Okay." Tipid niyang sagot na sinundan ng damping halik sa labi ko sabay ng paghilig ng ulo sa balikat ko na muling dumama ang palad sa tiyan ko.

Wala na kaming naging usapan pa. Nanatili kami sa ganung ayos ng ilang minuto bago siya muling humarap sa akin.

Masuyong humaplos ang palad niya sa pisngi ko hanggang sa tawirin niya ang pagitan ng mga labi namin at hinalikan ako.

Agad ko iyong tinugon. Siguro nga ay hindi ko matatanggihan ang mga halik niya dahil nasa sistema ko na sila. At kung ang ibig sabihin nun ay tuluyan na ngang nabibihag ang puso ko sa kanya ay handa ko iyong sabihin kung kailang kaya ko na ngang bigkasin iyon para sa kanya.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon