Chapter 12

1.8K 90 13
                                    

Diyana's Point of View...

"B.T.S?" Kunot noo kong tanong sa kanila.

"Yep. B.T.S as in BangTan Sonyeondan."

Tumango nalang ako sa kanila at naglakad na ulit.

"Teka Miss! Saan ka pupunta?" Inis na liningon ko ulit sa sila, "Diba nga hahanapin natin 'yung room natin?"

Kumunot naman 'yung mga noo nila sa tanong ko. "Room NATIN? Bakit Miss, kaklase ka ba namin? Room 112 ka din ba?"

Napatampal nalang ako sa noo ko. What the! Ang kulit naman nila! "Diba nga sabi ko kanina, hindi ko alam kung nasaan 'yung room at tsaka section ko?! Edi makiki-room muna ako sa inyo!" At naglakad na ulit ako.

Nasaan ba kasi 'yung room ko? Bwisit na kambal na 'yun! Hindi pa kasi sinabi sa akin kung nasaan 'yung room at section ko. Grrrr!

~~~~~~~~~~~~~~~~

Leo's Point of View...

"Sorry for being late Ma'am."

"It's okay Leo. You may now take your seat."

Naglakad na nga ako papunta sa upuan ko. Dito ako sa gitna inassign ng uupuan, sa likod naman ang Bigbang.

"Now let's continue our---" Hindi na natuloy ni Ma'am 'yung sasabihin niya ng biglang may bumato sa kaniya ng lapis. Tss. Wala talaga silang respeto.

"Hahahaha." Half of the class ay nagtatawanan na pero 'yung iba naman, wala paring pake, kagaya ko.

"Ughhh! Wala talaga kayong---" May bumato ulit sa kaniya, pero galing ito sa ibang direksyon. Tss. Pagtulungan ba naman 'yung guro.

"Hahahahaha."

"Mga wala kayong---Bwisit kayo! Magreresign na talaga ako! Ughhh! I really can't take this anymore." Ano ba naman kasi 'yung bago diba? Eh wala namang nakakatagal dito sa section na ito.

Napailing nalang ako ng bigla ng lumabas si Ma'am. Akala ko pa naman makapagtatagal siya dito, nagkamali ako. Tss. Pero buti na din dahil nakaabot siya ng one week.

"Wooooo!"

"Yeeeesss! Buti naman magreresign na 'yun!"

"Wala talaga nakakagal dito. Tss. Akala ko makakatagal 'yun."

"Hoy! Yung pustahan natin! Talo kayo uy!"

At napuno na nga ng ingay dito sa buong room. Puro kami mga lalake dito, except siguro mamaya or di kaya bukas. Bakit pa kasi siya nasali dito? Eh ang gulo gulo nitong section na ito.

"Hindi niyo ba nakikita na may mga natutulog dito ha?!" Tss. Gising na pala ang mga hari.

"Sorry pres." Tumahimik na nga sila. Pft. Para silang mga tutang napagalitan.

"Leo! Halika nga dito!"

"Oh, anong kailangan mo hari?" Sinamaan naman niya ako ng tingin. Bakit ba highblood itong kambal kong ito ngayo--Ah oo nga pala, dahil nga pala 'yun sa mga transferees. Hindi kasi siya nabalitaan tungkol doon dahil nga sa lumabas kami ng campus noong araw na iyon.

"Saan si Nika? Akala ko ba pipilitin mo siyang pumasok?"

"Hindi ko siya napilit eh." Kibit bilikat kong sagot sa kaniya. Eh hindi ko naman talaga kasi mapilit 'yung babaeng iyon eh. Napakatigas kaya ng ulo 'nun.

"Nika? Sino 'yun pres?"

"Huwag kayong mga chismoso!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Boys All Around HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon