BIGBANG *Short*

2.1K 100 15
                                    

({A/N: Bigbang on the multimedia:) Sorry hindi ako nakagawa ng video. Hihihi. Pero may inilagay naman yata akong isa sa mga kanta nila.})

Diyana's Point of View...

"Bakit mo kasama kanina yung mga yun?"

Tiningnan ko ang kabuuan nitong dorm nila. Eto siguro yung ikalawang pinakamalaking dorm dito sa Academyng ito. Lima sila dito. Si Leo? May sarili daw siyang dorm dito and Deo said na hindi daw ito kalakihan kasi ayaw daw niya ng may special treatment.

"Hindi ka na naman nakikinig." Napadaing ako nung biglang may pumitik sa noo ko. Sinamaan ko agad siya ng tingin. Ano bang problema niya?

"Bakit mo kasama yung mga yun kanina?" Napa-kunot noo ako. Yung mga yun? Sino?

"May pagka-slow ka talaga." Sinundan ko siya agad ng bigla siyang tumayo at naglakad. Saan naman pupunta ito? Iwan ba naman ako sa sala. Tch. Ang boring doon.

"Hey Deo! Oww, hey there beautiful lady."

Dumeretso lang ako sa ref. Dito pala pupunta si Deo sa kusina, nadatnan nga din namin yung mga apat niyang kasama dito. Lumalamon na lahat sila, hindi manlang ako inaya. Tch.

"Dito ka princess." Inaya ako ng isa sa kanila. Buti naman! Tch. Kinuha ko na yung cake dito sa ref at pumunta na sa tabi nitong lalakeng ito. Hindi ko pa alam pangalan niya eh-__-

"Hindi pa pala sila nagpapakilala sa iyo. Hoy! Magpakilala nga kayo." Makapag-utos naman tong Deo na ito. Tch. Porke siya ata yung leader, ganyan na siya. Batukan ko siya diyan eh!

"Ako si G-Dragon. Remember me? Ako yung may ari nung dagger na tinangaymo." Ah! Siya yung may ari nung dagger doon sa bar. Naaalala ko na.

"Ako naman si Seungri, princess."

"Im Daesung, princess."

"Taeyang, princess."

Kumunot ang noo ko dahil sa princess-princess na sinasabi nila. What the?! Ano namang trip ng mga ito?

"Hindi princess ang pangalan ko!" And left them their. Kainis! Ayaw ko ng tinatawag ako ng kung ano-ano. I mean, hindi princess ang pangalan ko! And I will never be 'Princess'.

~~~~~~~

Deo's Point of View...

"Nakalimutan kong ayaw niya pala yung tinatawag siya ng 'princess'. Tandaan niyo yan. Okay lang naman sa kaniya yung iba pero huwag na huwag lang ang 'princess'." Tumango lahat sila sa sinabi ko. Mabuti naman napapasunod ko sila sa gwapo kong ito.

"Pero yung dagger ko eh! Favorite ko yun eh!" Binatukan ko siya.

"Ul*l! Ikaw yung may kasalanan! Pumayag ka naman? Nagpa-kiss ka pa sa cheeks! Kala mo ba nakalimutan ko na yon ha!" Bulyaw ko sa kaniya. Tumawa lang siya, sinamahan pa ng tatlong ul*l.

"Pero kidding aside, may boyfriend na ba yun?" Sinamaan ko ng tingin si Daesung. Pigilan niya ako baka kasi mabaril ko ito ng wala sa oras.

"Oo nga Lead! May boyfriend na ba yun?"

"Hoy! Akin yun."

"Anong iyo? Basta liligawan ko yun!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, binunot ko na sa likod ko yung baril na kanina ko pa gustong iputok sa kanila. Hindi nila alam ang mga pinagsasabi-sabi nila.

"W-woah~Easy lang Lead. J-joke lang yun." Sa kaniya ko itinutok yung baril. Joke? Walang nakakatawa sa joke na iyon.

"Lead! Baka maiputok mo kay Seungri yan!" Awat sa akin ni G-D dahilan para sa kaniya ko naman itutok yung baril.

"Ang utos ko noon sa inyo, bantayan siya kaya kapag iba ang ginawa niyo, ako mismo ang paparusa sa inyo." Napalunok silang apat sa sinabi ko. Dapat lang na matakot sila dahil hindi nila alam kung ano ang kaya kong gawin sa kanila.

"N-naiintindihan namin Lead."

"O-oo nga Lead kaya cool ka lang~"

Tumayo na ako pero bago ako tuluyang maka-alis sa kusina, lumingon ulit ako sa kanila.

"Bantayan niyo siya. Dadanak ang dugo dito sa paaralang ito kapag hindi niyo siya nabantayan."

~~~~~~~~~~~~

Diyana's Point of View...

"Bantayan niyo siya. Dadanak ang dugo dito sa paaralang ito kapag hindi niyo siya nabantayan."

Nagtago agad ako dito sa likod ng vase ng makita ko si Deo na paalis na ng kusina. Nainis ako sa mga narinig ko. Ako? Papabantayan niya? Ano ako, five years old na weak? Sira pala ulo nito eh

"Dadanak ang dugo dito?" Dinig kong tanong nung isa. Bakas sa boses niya ang pagtataka. Bakit nga ba dadanak ang dugo dito? *Smirk*

"Mukhang kailangan nga talaga natin siyang bantayan." Ayaw ko ngang magpabantay sa kanila! Hindi ko magagawa yung mga gusto kong gawin kung ganun.

"Tama dahil kapag hindi natin sinunod si Lead, lagot tayo." Ano na naman ba yung sinabi ni Deo sa kanila? Kainis yung lalakeng iyon.

"At isa pa, gusto ko ding bantayan siya. Hanep mga pre, ang ganda niya! Na-love at first sight nga ako noon dun sa club eh--"

Umalis na ako sa pinagtataguan ko. Mga lets*! Pag-usapan ba namn ako? Pag-untugin ko yung mga yun eh. Teka! Hindi ko pa pala alam yung group name nila. Matanong nga. Kaya ayun, bumalik ulit ako sa kusina.

"Anong tawag sa inyo dito?" Nagkatinginan sila.

"Bigbang. Kami ang Bigbang. The Student Council here and ang pinakamalakas na gang dito."

Umalis na agad ako. Daming sinabi nung Z-Dragon(?) Na yun! Tawag lang naman sa kanila yung tinanong ko eh. Dami tuloy sinabi!

"Bigbang? Ang pinakamalakas dito? I don't think so." I smirk.

________________________________________

HUWAG NIYONG BASAHIN

Sorry guys pero hindi pa kasi ako nakagawa ng video ng bigbang pero here na 'yung update. Sorry kung short lang. I'll try to update tomorrow:) SoYeah, abangan niyo nalang.

Tungkol nga pala sa Leader ng Bigbang, diba si Gd talaga yung leader? Pero dito sa kwentong ito, si Deo ang leader which is si T.O.P my labs! Pagpasensyahan niyo nalang kung magulo:)

PS. Sorry sa late update mga beh! May inasikaso lang:)

SALAMAT SA MGA MATITIGAS ANG ULO NA BUMASA NETO KAHIT NA WALA NAMANG KWENTA

Boys All Around HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon