Chappy 7

2.3K 120 9
                                    

([A/N: Panda Tao on the mûltimedià)]

Diyana's Point of View...

"KAYO?!"

"T-teka? P-para hindi magulo, ikwento mo nalang kung papaano mo sila nakilala lahat." Sa sinabing yun ni Luhan, nanlaki yung mga mata nila.

"NO! HUWAG NA!" Praktisado ba talaga nilang sumigaw/magsalita ng sabay-sabay? Nakakainis dinggin eh! Ang ingay nila.

"A-anong huwag na? Eh naguguLUHAN na kasi ako sa mga nangyayari eh." Ngumiti ako sa kaniya. Bakit ba siya nakayuko? Hindi ko makita yung mukha niya na mukha babae eh! Kainis!

"Alam mo Luhan, kung hindi nila gustong magkwento ako, ikaw nalang yung kwekwentuhan ko. Halika! Tabi tayo. Kwekwentuhan kita." Lumapit naman siya sa akin pero pinigilan agad siya nung mga kasama nila.

"PROBLEMA NIYO BA HA?!" Yumuko naman sila. Si Luhan naman nakasimangot lang. Hindi kasi nila gustong ipalapit siya sa akin eh!

"K-kwentuhan mo nalang lahat kami." Tch. Gusto din pala nila eh.

Lumapit na sila sa akin. Uupo na sana sila sa kama ni Luhan pero pinigilan ko sila. Ano sila?! Sineswerte?!

"SINONG MAY SABI NA PWEDE KAYONG UMUPO DITO SA KAMA NI LUHAN HA?! SAPAKIN KO KAYO DIYAN EH! AKO AT SI LUHAN LANG YUNG PWEDE! SA IBANG KAMA NALANG KAYO NOH!" Sigaw ko sa kanila. Natakot naman sila kaya pumunta na sila sa tabi naming kama. Doon sila nagsi-upuan.

"Hi Luhan." Masaya kong bati kay Luhan na ngayon ay nasa tabi ko na. KYAAAH! Ang kyot talaga niya! Nahihiya pa nga siya sa akin eh.

"H-hello." Kyaaah!

"So---"

"Ehem! Ehem!" Sinamaan ko sila ng tingin like duh! Ang epal nila ah.

"BWISIT! Oo na! Oo na! Magkwekwento na ako!"

"U-uhm. A-ang unang ikwento mo nalang ay kung sino yung una mong nakilala. " Ngumiti ako kay Luhan. Ang kyot talaga niya like para talaga siyang doll.

"Teka? Sino nga ba yung una kong nakilala---Aha! Naaalala ko na. Siya! Siya yung una kong nakilala sa kanila." Turo ko sa lalakeng may dark circles. Eh sa ewan ko yung pangalan niya eh. Tumingin naman lahat sila sa lalakeng yun na kasulukuyan ng nakayuko.

"S-siya si Tao." Tao? Ah! Siya yung may-ari dun sa kama na maraming panda. Naaalala niyo?

"Papaano mo siya nakilala?" Tanong nung lalakeng makapal yung eyeliner. Paano ko nga ba siya nakilala---

"Ah! Nakilala ko siya sa mall." Tipid na sagot ko pero yung mukha nila parang hindi kontento. Aish! Papaano ko ba sasabihin toh? Tch.

"Ikaw na magkwento Paw!" Napakunot noo ako ng tumawa sila. Wait? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"T-tao ang pangalan ko, h-hindi Paw." Napatampal ako ng noo ko. Aissh! Ang tanga mo Diyana!

"E-eh Paw yung gusto ko eh! Pawnda! Hala sige na! Kwento." This time, sa kaniya na kami nakatingin lahat. Syempre! Alangan namang sa akin sila tumingin eh hindi naman ako yung magkwekwento.

"Sa mall kami nagkita. Kasalan to ni Kay eh! Sabi niya papuntahin ako sa mall tapos set-up lang pala ang lahat. Pinagtagpo niya kami ni Claire. Tapos nagulat kami ng bigla nalang siyang sumulpot. Inaway niya si Claire tapos sinabi niyang inagaw daw niya ako sa kaniya. Hanggang sa sinampal niya ako."

Nakayukong kwento niya. Nagtawanan naman sila matapos niyang magkwento. Like super laughtrip sila lalo na yung lalakeng matangkad na mejo malaki yung tenga. Hindi ko alam pangalan nila eh!

Boys All Around HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon