D.O, Chen and Lay

2.2K 123 30
                                    

D.O's Point of View...

Nandito na ako ngayon sa dorm namin. Iniwan ko na nga si Baekhyun dun sa cafeteria eh, ang tagal kasi! Ewan ko ba dun, inaaway na naman niya siguro yung babae sa counter. Haysh! Baek talaga. Pero hay nako! Yung magandang babae...Yung parang baboy kumain kanina pero haysh! Lalo siyang gumanda eh!

FLASHBACK

"Sige Baekhyun, sunod ka na lang. Maghahanap pa ako ng upuan. 'Geh!"

Umalis na nga ako sa counter para humanap ng upuan. Pero sa totoo lang kasi, gusto ko ng kumain. Gutom na kasi ako! Hindi ba naman ako tinirahan nung mga ugok ng pagkain! Ako pa nga yung nagluto eh!-_- Madaya diba!

Teka?! Ang tagal naman yata ni Baekhyun! Grabe talaga yun! Gutom na ako eh! Hayshh! Mauna na kaya akong kumain? Tama! Seryoso lang akong kumain dahil ganito talaga ako, kapag kumakain kasi talaga ako, seryoso ako at isa pa ayaw ko sa mga maiingay kumain na parang baboy! Kain lang ako ng kain hanggang sa may umupo sa harapan ko. Si Baek---

Waaah! Isang babae. Kumain na siya tapos para siyang baboy kumain! Eto yung ayaw na ayaw ko eh! Ang ingay niyang kumain ha! Para namang wala ako dito sa harapan niya! Pagsasabihan ko na sana siya na ang ingay-ingay niyang kumain ng may marealize ako.

Ang gandang pakinggan tapos ang gandang panoorin na para siyang baboy kumain. Hahaha. Ang cute!

Tapos...tapos ang ganda niya. Ewan ko pero biglang nawala yung gutom ko, yung bang parang mapanood ko lang siyang parang baboy kumain, busog na ako. Teka? Ano bang nangyayari sa akin?

"Ang seryoso mo masyadong kumain."

Tapos...tapos umalis na siya. Bigla akong nalungkot. Pero ano daw? Seryoso ako masyadong kumain?

END OF FLASHBACK

Ganoon ba ako kaseryoso kumain? Parang hindi naman ah! Pero isa lang ang kaseseryosohan ko talaga...Yung..yung babaeng maganda na parang baboy kumain.. Hayssh! Ano ba tong mga naiisip ko?!

~~~~~~~

Chen's Point of View

Aish!! Panget ba masyado boses ko?! Hindi naman ah! Naiinis parin ako sa tuwing naiisip yun.. Yung babae! Yung babae na kauna-unahang nagsabi na panget daw 'tong boses ko! Porke ba natalo ako ni Xiumin-hyung sa high note singing battle?! Hoy hoy hoy! Maganda padin naman ang boses ko ah!

FLASHBACK

Nandito ako ngayon sa loob ng music room. Ewan ko ba pero trip kong kumanta mag-isa ngayon eh. Kinuha ko na yung mic tapos kumanta na. Baby don't cry tong kinakanta ko ngayon dahil ewan! Trip ko lang kantahin 'toh ngayon.

Baby don't cry tonight
eodumi geochigo namyeon
Baby don't cry tonight
eobseotdeon iri dwel geoya
mulgeopumi dweneun geoseun niga aniya
ggeutnae mollaya haetdeonso
Baby don't cry cry
nae sarangi neol jikil teni

Matapos kong kumanta, huminga ako ng malalim. Nakakarelief talaga ng feeling. Hayyyy---Hanggang sa may nagslow clap. Galing sa malapit sa pinto. And woah!●0● Chixx!

"Ang pangit ng boses mo, mas maganda pa nga sa akin. Pinapalakpakan lang kita dahil first time kong makarinig ng ganitong kapangit ang boses. Bleeh!"

Tapos lumabas na siya at doon lang nagsink-in yung sinabi niya. Nabitawan ko yung mic. Ako?! Panget ang boses!? SHEMAY!

END OF FLASHBACK

Panget ba talaga boses ko?! Kung oo, magtre-training talaga ako ng mabuti para lang MAS gumanda pa 'tong boses ko. Yung..Yung kasingganda talaga nung chix.

~~~~~~~~

Lay's Point of View...

Teka? Bakit ako may Point of View? At sino yung Lay? Ahhh, naalala ko na! Buti at ininom ko yung gamot ko kanina, yung---Aish! Ni Lay-mutan ko yung pangalan eh! Kaya nga pala may Point of View ako dahil ikwekwento ko yung...yung babae ata? Sino na nga ba yun? At si Lay pala ay si Ako! Ohaa! Buti naalala ko pa!

FLASHBACK

"Tao, punta din muna ako sa canteen ha? May ipapabili ka o baka gusto mong sumama?"

Feeling ko kasi nagugutom din ako. Pumunta na din kasi si Baekhyun at D.O sa canteen eh. Hindi ba naman ako isinama.. Teka?! Saan na nga pala pumunta sina Baekhyun?

"Ah sige, huwag na lang. Hinahanap ko kasi yung wushu sticks ko eh. Ibilhan mo nalang ako ng cookies na may design na panda tapos isang soda. 'Geh hahanapin ko pa yung wushu sticks ko."

Ano? Ano bang pinagsasabi nitong Tao na toh? Pinapabili ba naman ako ng---NaLay-mutan ko na!

"Teka? Saan ba kasi ako pupunta? Bakit nandito ako sa pintuan?" Bulong ko sa sarili ko. Naguguluhan na ako!

"Lay, sabi mo kanina kay Tao, pupunta ka sa canteen. Nagpapabili nga siya ng cookies daw na may design na panda tapos isang soda. Bilhan mo na din ako ng ice cream. Salamat Lay!" Narinig pa pala ni Luhan yung bulong ko. Teka?! Ano bang ibinulong ko?

"Ah oo. 'Geh punta na ako."

Kahit na hindi ko nainintindihan yung sinabi ni Luhan, nag-oo nalang ako. Lumabas na ako ng dorm namin. Teka?! Saan ba ako pupunta? Naku naman!!! Kulang yata yung ininom kong gamot. Pupunta nalang ako ng Gym. Parang gusto kong magbasketball eh.

"Teka?! Bakit ako nandito sa Gym? Aysh! Yaan na nga! Matutulog nalang ako dito, wala namang tao eh."

~~~~~

"Gising! Hoy lalake! Gising! Nasusunog na ang dagat! Bilis gising!"

Nagulat ako ng may gumising sa akin. Bigla ko tuloy siyang nasuntok. At nakuuu! Nahimatay siya! Naku naman! Bakit kasi niya ako ginising! Nakakasuntok kasi ako kapag ganun!

Laking-gulat ko ulit ng makitang babae pala yung nasuntok ko. Babagsak na sana siya pero buti nalang dahil nasalo ko ito. Napatingin tuloy ako sa mukha niya.

"Ang ganda."

Binuhat ko na siya. Yung---hindi ko maalala yung tawag dun eh! Basta yung parang kasal yata? Ewan! Binuhat ko siya hanggang sa dorm namin ng Exo. Nagtaka nga ako ng wala yung mga kasama ko.

Ibinaba ko na siya sa kama ko. Nakuu! Kailangan kong hanapin yung mga kasama ko! Iiwan ko muna siya dito.

Pero bago ko siya iniwan, hinalikan ko siya sa kaniyang noo. Teka?! Bakit ko nga ba siya hinalikan! Hayssh! Gulo!

__________________________

HUWAG NIYONG BASAHIN!

At dahil sa may mga nag-aabang sa chapter na ito, i-uupdate ko na kasi Kyaaah! Mahal ko kayo. Hahaha

Pagpasensyahan niyo na nga po pala si Makaka-LAYmutin na si Lay! Hahaha! Don't worry kasi babawas-bawasan ko naman pag may time yung pagkaka-LAYmutin niya. XD!

Next chapter po ay yung paghanap at pagsabi ni Lay sa mga kasamahan niya tungkol kay Diyana na nasuntok niya. At syempre, pupuntahan nila si Diyana! Waaah! Ano kayang mangyayari kapag nakita nila si Diyana! Waaah talaga!

THANKS PO SA MGA MATITIGAS ANG ULO NA BUMASA NETO KAHIT WALA NAMANG KWENTA! XD

Boys All Around HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon