Chappy 5

2.3K 130 11
                                    

([A/N: Si MakakaLAYmutin po yung nasa multimedia...])

Kai's Point of View...

"Pinapatawag daw tayo sa office ng Dean. Ewan ko ba sa Dean na yun! Miss agad kagwapuhan natin! Ano? Tara!"

Nagsitanguan naman sila sa sinabi ko. Aba! Dapat lang na sundin nila yung sinabi ko! Sa kagwapuhan ko ba namang ito! Tumayo na din sila pero parang may kulang eh. Si---

"Kanina pa pala wala si Lay. Sabi niya kanina sa akin, pupunta daw siya sa cafeteria pero sabi naman nila D.O at Baekhyun, hindi daw nila nakita si Lay doon. Teka! Hoy Chen! Nakita mo ba yung wushu sticks ko HaH!"---Tao.

Saan ba nagpupunta yung MakakaLAYmutin na 'yun! Baka nakahanap na 'yun ng chiks ah! Tsss. Hindi naman siguro pero syempre mas lapitin parin ako ng mga chiks! Oo na! Ako na ang gwapo!

"H-hindi ko nakita yung w-wushu s-sticks mo Tao eh. W-wala akong kinalaman diyan."---Chen.

Masyadong halatang nagsisinungaling tong Chenny na 'toh! Anong wala daw siya kinalaman? Utot niya!

"Eh ano yang nasa bag mo kanina ha Chen?" Sinamaan naman niya ako ng tingin. Hahaha. Ulol! Mas gwapo parin ako sa kaniya noh! Teka?! Anong connect? Psh! Makapunta na nga lang sa office ni Dean.

~~~~~

"You may all go now." Yeah! Buti naman! Nakakabagot kasi eh! Puro ba naman sermon 'tong si Dean! Palibhasa crush niya ako!

"Where's Lay nga pala?"

"Ayun Ma'am, na-overdose na yata kakainom nung gamot niya para hindi makalimot. Hahaha." Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Chanyeol. Hahaha. Siguro nga! Pero syempre mas gwapo ako.

"Chige *Munch* Dean *Munch* Alish na *Munch* kame." Eto namang si Xiumin-hyung, kain ng kain ng siopao! Mas gwapo naman ako. Hayshh!

Paglabas namin, wala pa ding nagkalat na mga chiks. Hayyy. Hindi pa kasi time para magbreak. Pero may isang tao padin naman dito sa hallway, tumatakbo pa nga papunta sa amin eh---Teka?! Si Lay ba 'yun?

"Oh Lay napano ka? Hinahabol ka ng mga chiks?" Tanong ko. Natatawa ako sa itsura niya, hingal na hingal siya. Hahaha. Parang aso.

"Hoy napano ka Lay?!"---Chen.

"Saan ka ba kasi galing? Akala ko ba pumunta ka ng cafeteria?"---Tao.

"Oo nga! Nagpabili pa nga kami ni Tao eh! Ikaw talaga Lay."---Luhan.

"Bakit ba kathi walang bubble tea! Kainith!"---Thehun. Este Sehun pala.

"Napano *Munch* ka *Munch* Lay? Shaan *Munch* ka *Munch* pumunta?"---Xiu-pao!

"Kapal ng eyeliner mo Baek."---Chanyeol. Iba kasi mundo nila ni Baekhyun.

"Eh ano naman Chanyeol! Oh Lay nandyan ka pala?"---Baekhyun.

"Saan ka pumunta?"---D.O.

"Tssss."---Kris.

"Hayyysh! Pagsalitain niyo nga muna si Lay! Puro kayo tanong eh!"---Gramps. Si Suho yan! Mas gwapo ako niyan! Mas maputi lang siya. Psh!

"May....may...may....nasuntok kasi ako. Babae. Nandun sa dorm."

Nanlaki yung mga mata namin. Oo, yung parang kay D.O. Teka?! May mas ilalaki pa pala yung mata ni D.O? Teka?! Ano daw! May nasuntok si Lay! At Babae?! Anyare!

~~~~~

Suho's Point of View...

"May....may...may....nasuntok kasi ako. Babae. Nandun sa dorm."

"Ano! Anong ginawa mo Lay! Bakit ka nanuntok ng babae!" Sigaw ko sa kaniya. Napahawak nalang siya sa batok niya. Ano ba kasing nangyari? At nakasuntok siya ng isang BABAE!

"Ewan ko. Nakalimutan ko na. Kayo kasi eh! Tanong kayo ng tanong!"

Napaface-palm nalang ako---kami pala. Lay talaga! Ughhh!

~~~~~~

Diyana's Point of View.

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Ang lawak-lawak ng kwartong 'toh dahil---WHAT THE FUDGE! Labindalawang kama?! Meaning nasa isang dorm ako! Pero kanino?

Bigla namang nagsink-in lahat ng nangyari kanina bago ako nahimatay. That bastard! Tsss!

Inilibot ko lang yung mata ko sa buong kwarto. Iba-iba yung style ng kama. Mejo magulo din! Hindi na sila nahiya! Pero may isang kama na----WAAAH! Mukhang malambot, malinis at halatang naalagaan.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na lumipat sa kamang 'yun. Eto lang yata yung pinakamatinong kama!

"Luhan?" Basa ko sa nakasulat sa unan. May pangalan eh! Kaya hindi ulit ako nagdalawang isip na basahin yung nasa iba pang kama. Curious ako eh! Pake niyo!

"Kris." Okay din naman tong kama neto. MEDYO maayos.

"Xiumin." Maayos din naman tong kama neto. May wolf na print pa nga tong bedsheet niya eh, pati din pala yung unan niya.

"Luhan." Yan yong maayos yung kama! Yung malambot!^O^

"Lay." Nung nagising ako, eto yung kama kanina. Magulo.

"Chen." Iba-iba yung print! Sakit sa mata! Pweeh! Dejwklang. Paano ba naman, polka dots yung unan tapos stripes yung bedsheet tapos madami pang iba!

"Tao." Anyare? Puro panda eh!

Tapos pagkatapos netong kama nitong Tao na 'toh, may pagitan na isang mesa na may malaking lampshades tapos ayun na yung iba pang kama. Gets? Kung hindi, edi hindi!

"Suho." Maayos din naman ito.

"Baekhyun." Anyare ulit?Nagkalat yung eyeliner dito eh. Bakla ba tong Baekhyun na 'toh? And teka?! Pamilyar yung pangalan pero Bacon yun eh! Parang parehas kasi!

"Chanyeol." Magulo din katulad netong katabi niya.

"D.O" O.A ng pangalan ah! Pero malinis din naman etong kama neto.

"Kai." Magulo.

"Sehun." SRYSLY? Andami poster nito ng may bubble tea eh!

Hayssh! Lang kwenta! Humiga na ulit ako sa kama nung Luhan na yun. Ang lambot kasi talaga tong kama na 'to eh! At ayun, natulog na ulit ako.

~~~~~

Baekhyun's Point of View...

"Ewan ko. Nakalimutan ko na. Kayo kasi eh! Tanong kayo ng tanong!"

Napa-face palm nalang kami. Grabe tong Lay na 'toh! Sana nga totoo nalang yung sinabi ni Chanyeol kanina. Yung sana na-overdose nalang si Lay dahil sa kakaiinom dun sa gamot niya para naman hindi na siya maging makakaLAYmutin!

"Tara nalang kasi sa dorm! Teka?! Anong gagawin natin sa dorm? Ano ba tong pinagsasabi ko. Haysh! Tara na lang sa cafeteria."

Insert facepalm ulit dito! Kainis! Masisira tong eyeliner ko sa Lay na toh!-___-

_______________________

HUWAG NIYONG BASAHIN

Ang lame po ano? Nadelete po kasi yung ibang parts neto like oh my gad talaga! Ang hirap kaya magtype tapos mag-isip. Oo! Tama kayo ng nabasa! May isip po ako. Hahaha:D

So next chapter is basta! Basahin niyo nalang po kapag nakapag-update na ako;):)

THANKS SA MGA MATITIGAS ANG ULO NA BUMASA NETO KAHIT NA WALA NAMANG KWENTA! XD

Boys All Around HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon