Chappy 4

2.8K 148 39
                                    

Diyana's Point of View

Andito ako ngayon sa taas ng puno. Nagtatago. Papunta na kasi kami kanina sana sa loob ng classroom daw namin pero tinakbuhan ko yung kambal. Aba! Tinatamad pa akong mag-aral eh.

At siguradong hinahanap na ako ng dalawang yun pero sorry nalang sila dahil hindi nila ako mahahanap dito. Hindi kasi sila magaling sa paghahanap sa akin. Huh! Buti nalang.

Nagulat ako ng may biglang umakyat dito sa puno. Aba! May iba pa palang pumupunta dito? Buti naman nakaka-akyat siya? Mataas din kasi tong puno na toh. Pinagpag niya yung damit niya at tumingin sa direksyon ko. Cute siya, maputi, may chubby cheeks tapos---The H*ck! May bitbit talaga siyang madaming siopao?

*Gasp.*

Anong nakakagulat? And takte! Starstruck na naman? Uso ba talaga yung mastarstruck sa akin ngayon? Aba! Ano bang meron? Ah! Maganda pala ako, muntik ko ng makalimutan.

"Hoy mister." Tawag ko sa kaniya dahil hindi pa siya nakaka-move on sa pagkakastarstruck niya sa akin.

"Mister!" Tawag ko ulit at lumapit na sa kaniya. Iwinagayway ko pa nga yung kamay ko sa harap niya eh.

"Mister! Hoy! Gising!" Sigaw ko sa harap niya pero wa-epek parin eh! Tsss. Naiinis na ako ah! Isa nalang!

"Yuhoo! Mister!" After that, I kissed his cheeks. Wala eh, cute kasi eh. And pakshit! Wrong move dahil lalo siyang nastarstruck sa akin. Ugh! Bwesit!

"Alam mo Mister, ang gwapo mo pero alam mo bang ayaw na ayaw ko sa mga gwapong kapag kinakausap ko ay hindi ako sinasagot? At alam mo ba ang dapat gawin sa mga gwapong ganun? Ganito *Smirk*"

At ayun na nga, itinulak ko siya pababa sa puno. Tss. Buti nga sa kaniya. I smirked.

~~~

Matapos ng isang oras, bumaba na ako sa puno. Aba! Nakakaboring din eh tsaka isa pa, gutomna ako. Hindi pa kayo ako kumakain kanina, remember? Kung hindi, letse mo! Pero nagugutom na talaga ako.

Naglakad-lakad lang ako. Aba! Walang tao sa paligid eh, kasi nga classhours palang. Pero for sure, may mga estudyante parin sa cafeteria. Yung mga usually nagka-cutting daw kasi, sa cafeteria ang tambayan.

Ayun! May nakita akong lalakeng nakaupo sa isang bench. Nagbabasa ata ng libro and Gad! Ang colorful naman nung buhok niya, parang parrot. Lumapit ako at kinalubit yung likod niya. Hindi siya lumingon kaya nagtanong nalang ako. Aba! Gutom na talaga ako! Wala ng time para awayin siya.

"Asan yung cafeteria dito?"

Deretsong tanong ko sa kaniya. Itinaas naman niya yung daliri niya at tinuro sa side. Aba! Walang modo to ah! Tsss. May araw kadin sa akin.

Hindi na ako nagpasalamat pa. Dumeretso nalang ako sa cafeteria na itinuro nung bookworm. May araw talaga yun sa akin.

"Cafeteria." Basa ko sa nakalagay sa taas. Waaah! Salamat naman!

Pumasok na ako. Konit lang ang tao. Buti naman. Mga sampung tao lang naman yung nakapila. Puro lalake. Yes! Makakasingit ako nito.

Naglakad na ako papunta sa line. Nagpuppy eyes kaso sa pinakaunang nakapilang lalake. Pangit siya pero walang choice dre.

"Pasingit ah." Tumango naman siya na para bang nahi-hynotize. Good boy.

"Isa ngang fries, pizza, sandwich and pineapple juice. Bilis." Ibinigay naman agad yung order ko. Buti naman! Baka masapak ko sila diyan eh! Psh!

Tatalikod na sana ako ng nagsalita yung babae. Shish! Alam ko.

"Miss bayad mo?" Hinarap ko siya.

Boys All Around HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon