Chappy 6

2.2K 118 17
                                    

([A/N: Chenny on the multimedia:D])

D.O's Point of View...

"Tara na nga sa dorm. Kailangan pa nating ayusin tong problema ni Lay."

Sumunod narin ako. Wala lang. Alangan namang magpaiwan ako. At isa pa, gusto ko ding makita yung babaeng sinuntok ni Lay. Hahahaha. Si Lay nanuntok...ng babae?! Hindi ko ma-imagine. Kaya nga hindi namin ginigising yang Lay na yan kapag natutulog eh.

Ayy! Mabe-bake pa pala ako ng cake mamaya. May nakita kasi akong bagong recipe kaya itra-try ko yun mamaya. Sana nga magustuhan nila at sana...huwag na naman nila akong ubusan-__-

"Nasaan yung babae Lay? Bakit wala?" Takang-tanong ni Chanyeol pagkapasok namin sa dorm namin. Aba naman tong si Chanyeol! Alangan namang pagpasok namin, yung babae agad yung bubungad! Tsss. Naman! Nasaan yung utak? Nahulog yata.

"Baka naman nasa kitchen? O baka nagsha-shower sa C.R?" Mungkahi naman nitong mukhang panda na si Tao.

"Idiots. It's obvious that the girl is in our room." Bored naman na komento nitong si Kris.

"Oo nga! Nahimatay nga diba!" Akala mo naman may alam tong si Chenny na 'toh. Psh!

Naglakad na nga kami papunta sa room namin. Iisa naman kasi yung room namin dito sa dorm pero malawak yun. Dose kami kaya dose din yung kama namin kaya malamang sa malamang na malawak talaga yung room namin. Isa din kasi itong dorm namin sa pinalaki at pinakalawak na dorm dito sa buong school.

"Kayo nalang mauna, iinom lang ako sa kusina. Geh!" Pumunta na nga si Luhan sa kusina, kami naman pumunta na sa kwarto namin.

Si Suho na yung nagbukas ng pinto. Bumungad naman sa amin ang isang babaeng nakahiga sa kama ni---Ano! Kama ba yun ni Luhan! Naman! Magagalit si Luhan neto!

~~~~~~

Chen's Point of View...

Pagbukas ni Suho-gramps ng pinto. Bumungad na sa amin yung babae na nakahiga sa kama. Nakataklob yung mukha niya sa isang unan tapos nakakumot pa siya ng kumot ni Luhan kaya malamang na kama iyon ni Luhan.

Unti-unting nagsink in yung mga nakita ko. Yung babae. Nakahiga sa kama. At sa kama iyon ni Luhan. Kay Luhan. Si Luhan. SI LUHAN!

"WHAT THE! SINONG MAY SABI NA PWEDENG HUMIGA YANG BABAENG 'YAN SA KAMA KO! MADUDUMIHAN YUNG KAMA KO!"

Nagulat ako ng may sumigaw. Si Luhan nga. Sabi ko na nga ba eh! Magagalit tong mukhang babaeng toh! Totoo naman eh! Mukha siyang babae kaya mas gwapo ako! Palag kayo? Isumbong ko kayo kay Tao diyan eh! Teka! Back to reality na nga! Tss! Nadadala na ako sa kagwapuhan ko!

"Luhan-hyung kumalma ka. Kalma lang okay? Wala din naman kaming alam tungkol dito."

Buti naman at nagsalita tong si Sehun na 'toh! Nung sumigaw kasi si Luhan, hindi agad kami nakabawi sa pagkagulat. Si Luhan yung tipong minsan lang magalit.

"Sehun! Ako kumalma?! Eh kama ko yun eh! Alam niyo naman kung gaano ko kamahal yung kama na yun! Ayaw ko pa ngang humiga o hawakan niyo lang yun eh!" Sigaw ulit niya. Nako! Baka gumising tong babaeng toh! Sa dinami-dami kasi ng kama dito, kay Luhan pa!

"Waaah! Bakit *Munch* nagagalit *Munch* si Luhan! Nakakatakot. *Munch." Si Siopao yan! At syempre! Kumakain ulit siya ng siopao!

"Bakit ako nagagalit ha Xiumin?! Eh hinigaan lang naman ng babaeng hindi pa nga naten kilala yung kama ko!"

"U-ugh."

Napatigil lahat kami ng may narinig kaming maliit na ungol mula dun sa babae. Nagigising na siya! Ang ingay kasi nila eh! Naman!

Boys All Around HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon