Chapter 11 *Short*

1.9K 102 11
                                    

Diyana's Point of View

"Nika, wala ka ba talagang balak pumasok ha? Eh ano pang silbi na nandito ka?"

Napasimangot ako sa sinabi ni Leo. "Ang sakit mong magsalita ah! Umalis ka na nga! Shoo shoo!"

Nandito nga kasi siya sa dorm. Inistorbo pa nga niya ako sa pagtulog eh! Kainis 'yun, alam niyo ba?

"Anong masakit magsalita? Eh ikaw nga diyan eh. Tinataboy mo pa ako."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka ba kasi nandito?"

"Wala lang. Breaktime naman kaya malaya akong nakapunta dito."

So breaktime na pala ngayon? Hindi manlang ako updated. Tch. Eh hindi pa nga ako pumasok eh. Maging tambay nalang kaya ako dito sa dorm tapos huwag nalang pumasok?

"Pwede bang huwag nalang pumasok? Tapos dito nalang ako sa dorm?"

Kumunot 'yung noo niya. "Ano ka, estudyante o estambay?"

"Tch. Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko sa kaniya pero tumawa lang siya. Kainis 'tong nerd na 'toh!

"Anong oras na ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit ha? Orasan ako? Orasan?"

"Sorry but I need to go now Nika. Magsta-start na ulit ang klase." Tumayo na siya habang inaayos 'yung salamin niya. Tch. May pa-nerd nerd effect pa kasi!

Napangiti ako sa sinabi niya. "Buti naman! Tch. Kanina ka pa kaya hinihintay na umalis."

"Tss. Siguraduhin mo lang na papasok ka mamaya ha?"

Agad din naman akong napasimangot. "Anong gagawin mo kapag hindi ako sumunod sa utos mo?"

"Matatanggal ka na dito sa school na 'toh."

I smirk. "Really? Ako? Matatanggal sa school na 'toh? Yeah right."

"Basta pumasok ka na lang." At umalis na nga siya.

Napahiga nalang ako dito sa sofa ng dorm. Haishh. Papasok kaya ako? Tch. Pero nakakatamad kasi eh!

~~~~~~~~~~

Okay. I finally decided. Papasok na ako. Actually, bukas ko pa balak talagang pumasok pero ewan! Si Leo kasi.

Napasimangot ako ng makita ko 'yung sarili ko sa salamin. "Ano bang Uniform 'toh? Nakulangan 'yata sa tela." Eh sa totoo naman eh! Ang ikli-ikli kaya! Mas mataas pa sa tuhod ko 'yung palda nito. Kainis! Pero sa totoo lang, bagay ko naman. Pero ang ikli ihhh~

"So ngayon, nasaan na 'yung bag ko?" I scanned all over my room pero wala eh! Saan naman pumasyal 'yun?

Ay putek! Tanga lang Diyana? Wala ka kayang binili kahit ni ballpen manlang! Tch. So saan ako ngayon hahanap ng magiging bag ko? Haishh! Bakit pa kasi mag-aaral ako eh?!

Ah basta! Papasok nalang ako. Parang baliw lang noh? Papasok tapos walang bag? Eh ano namang pake nila diba? Hindi naman sila yung manghihiram ng mga gamit mamaya. Tch!

~~~~~~

Isang ngiti 'yung sumilay sa aking mga labi ng madaanan ko ang canteen. Hindi pa pala ako kumain ng umagahan. Dali-dali na akong pumasok dito sa canteen. Buti nalang dahil wala pang ibang estudyante.

"Isa ngang slice ng pizza tapos isang pineapple juice. Pakibilisan nalang." Tinaasan ko siya ng kilay ng bigla niya akong pinanliitan ng mata. "What Miss? Alam kong maganda ako, okay? Pero pwede ba, tigil-tigilan mo ako. I'm really hungry na kaya kung ayaw mong ikaw 'yung kainin ko, kunin mo na 'yung order ko."

"Ikaw 'yung babaeng hindi nagbayad kahapon diba?" Lalo namang napataas ang kilay ko sa tanong niya. "And so what? Binayaran naman ni Bacon 'yung binili ko diba? Pasalamat ka nga dahil nakalimutan ko 'yung pera ko 'nung araw na iyon eh, dahil kung nadala ko yun, baka ikaw pa mismo 'yung bayaran ko."

Dahil sa sinabi ko, hindi na siya nakaimik pa, dali-dali na nga niyang kinuha 'yung order ko. Hayyy. Buti naman! Gutom na kaya ako.

"E-eto n-na." Ibinigay na niya sa akin 'yung order ko kaya naman ilinabas ko na 'yung one thousand pesos ko. Sorry naman! Eto lang nadala ko eh.

"Here, one thousand pesos 'yan kung hindi mo alam. Keep the change." At tinalikuran ko na nga siya pero bago ako tuluyang umalis, nginitian ko muna siya ng mapang-inis. Buti nga sa kaniya. Tch!

Dali-dali ko namang isinubo 'yung pizza na binili ko. Woah~ Ang sarap naman pala ng pizza dito. I guess, hindi pa iyon ang huling pagkikita namin nung babaeng iyon. Tapos ayun na nga, kain dito, inom diyan, kain dito, inom diyan, kain---

"Hey miss." Huminto ako sa paglalakad ng biglang may mga humarang sa akin. Pasalamat sila mga gwapo sila. Tch.

"Oh anong kailangan niyo?" Taas kilay kong tanong dahil base sa mga ngiti nila, mukhang may kailangan sila.

"Miss, itatanong lang sana namin kung saan dito 'yung Section White, Room 112." Inis kong liningon 'yung lalakeng nagtanong 'nun. "Sa akin mo pa talaga itinanong yan ha? Eh ako nga, hindi ko alam kung nasaan 'yung room at section ko eh!" Then realization hit me. Oh shish! Hindi ko pa nga pala alam 'yung room ko. Bwisit namang buhay ito!

"Transferee ka din?" Maangas na tanong nung isa. "Oo. Bakit ha? Anong pake mo?" Maangas ko ding sagot sa kaniya. Akala niya ba, magpapatalo ako sa kaniya. Tch! Asa.

"Ngayon ka din lang ba nagtransfer Miss?" Umiling lang ako sa tanong nung isa sa kanila sabay subo ko ulit ng pizzang hawak-hawak ko. "Ano Miss? Eh bakit hindi mo alam kung nasaan 'yung room at section mo?" Naguguluhang tanong naman nung isa.

"Hindi pa nga kasi ako pumapasok dahil tinatamad ako, okay? Tinatamad ako!" Pero bago ko sila tuluyang lagpasan "Hoy kayo! Hindi tayo close kaya huwag kayong tanong ng tanong." At linagpasan ko na nga sila pero hindi pa ako nakakailang hakbang ng biglang may pumigil sa braso ko kaya naman automatiko akong napalingon.

Only to find out na isang napacute na lalake ang pumigil sa akin. "Ang cute mo." Wala sa sarili kong sabi sa kaniya. Nanlaki naman 'yung mga cute niyang mata sa sinabi ko. Omo~ Lalo siyang naging cute!

"Pwede ba kitang halikan sa cheeks?" Lalo namang nanlaki 'yung mga mata niya sa tanong ko. "Woah! Chill cutiey! I'm just kidding okay? 'Yung mukha mo grabe! Priceless!" Binawi ko na mula sa pagkakahawak niya 'yung braso ko.

"Sino nga pala kayo?" Kunot-noo kong tanong sa kanilang pito. Pare-parehas silang mga lalake.

"Kami ang B.T.S."

_________________________

HUWAG NIYONG BASAHIN.

Sorry dahil konti lang 'yung update ngayon. Okay so sa next chapter na 'yung mga transfeeres which is the B.T.S or the Bangtan Boys:) Sinong excited? Taas ang paa! *le taas ang paa*

So sa susunod ulit:)

SALAMAT SA MGA MATITIGAS ANG ULO NA BUMASA NETO KAHIT WALA NAMAN TALAGANG KWENTA

Boys All Around HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon