Chapter 31

59 6 1
                                    

Dedicated to inislerim kaosveritim











Precious POV

So that's it.

Sa isang iglap I already know my whole story. Ang parte ng buhay na nakalimutan ko.

What is the real purpose of the red box? the key?

"Ngayon na alam mo na ang nakaraan mo, ano na ang plano mo?" 

"Get rid of them." inihagis ko sa kanya ang baril na hawak ko dahil desidido na akong balikan ang pumatay sa pamilya ko.

"Now that I remember my past I will kill them all." isang buntong hininga lang ang sinagot sa akin ni Khea tsaka nilagyan ng bagong laman ang baril.

"So let's go." nagpatiuna itong lumabas dala ang mga kailangan namin. Dahil medyo malapit lang ang hide out nila ay Hindi kami aabutin ng oras sa pagbalik sa mansion.

"Who is your first target?" tanong ni Khea

"The maid's." ikinasa ko ang baril na hawak ko.

I wish Kagumi is not dead. Sa isang matao kaming lugar dumaan ni Khea upang maiwasan ang mga tauhan ng kabilang nasyon. Nakakalat sila sa paligid ngunit sa pamilihan na dinadaanan namin ngayon ay kahit na isa ay wala kang makikita.

Their all dumb.

Someone's POV

Mula sa malayo kitang kita ko ang pagbabago ng isipan ni Miss Haira. Hindi ko man alam ang nasa isip nya ngunit batid kong babalikan nya ang mga taong may malaking kasalanan sa kanya at isa na ako don.

But I did that in purpose!

Pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa kanya kaya nga andito ako at nagtatago sa kanya.

Maingat ang bawat kilos nila. Sa pagdaan ng bawat tao ay sinusuri nila kung ordinaryo o Hindi. Sa tingin ko ay hindi na kayang bilugin pa ng kabilang nasyon ang nagising na pagkatao ni Precious.

Tulad nila ay maingat ko din silang sinusundan mula sa kabilang kanto ngunit isang dalagita ang humarang sa daraanan ko kaya't biglang nawala sa paningin ko ang daan na tinahak nila Khea at Precious. Luminga linga ako sa paligid upang makita ang pamilyar na pigura ngunit nang ako ay tatakbo biglang may mabilis na humatak sa akin papunta sa madilim na sulok ng pamilihan.

"One wrong move sasabog ang bungo mo." isang nakakatakot na tinig ang nagsalita sa tenga ko at sinabayan pa ng malamig na dulo ng baril.

"Who are you? Bakit mo kami sinusundan?" tanong nito.

"It was my assignment to guard you from behind." Lalo pa nitong idiniin sa sintido ko ang baril.

"Sino ang nag utos sayo?"

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kung sino ang nag utos sa akin dahil mukang hindi nya magugustuhan ang sasabihin ko.

"Hindi ka ba magsasalita?" tinig ni Khea mula sa kabilang gilid

"Wala pala 'to eh." narinig kong ikinasa ni Precious ang baril at walang alinlangan na itinutok sa aking panga.

"It was your mother! yung kinalakihan mong nanay ang nag utos sakin!" kinakabahan kong sagot. Ibang Precious na ang kaharap ko ngayon. Nakakatakot at walang takot na papatay ng tao.

"You're joking right?" malamig itong humarap sa akin.

"No." tinignan ko sya sa kanyang mga mata at nilabanan ang malalamig nitong titig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now