Dedicated to Jamwuuu
Precious POV
"Eat well my lady"
"Eat well my lady"
"Eat well my lady"
"Eat well my lady"
Parang sirang plaka na paulit-ulit na naririnig ko sa isipan ko
Napasapo nalang ako sa muka ko at kinulong ang sarili sa makapal kong kumot
Hindi parin talaga ako maka get over sa narinig ko kanina
Pano ba naman kasi matapos kong marinig yon bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko ang masaklap pa nito hindi ko makita o nakita kung sino yung nagsalita
Maniniwala nanaman sana ako na imagination ko nanaman ang limit pero may nakita akong sticky note na nakadikit sa ref at may naka sulat na
"Welcome back my lady"
Simula ng mangyari 'yon kanina nagkulong na ako sa kwarto buong maghapon
So ngayon nararamdaman ko nanaman ang gutom na kanina pa sumisigaw sa tyan ko
Nagdadalawang isip kasi ako kung pupunta ba ako sa baba para kumain o magkulong nalang pang habang buhay sa kwarto ko baka kasi may magsalita nanaman edi lalo na akong nabaliw nito?
Pero nakita ko nalang ang sarili ko na nakaupo at kumakain sa kusina
Oh diba andami ko pang sinabi bababa din pala ako
Marupok na ba ako?
Dahan-dahan lang akong ngumunguya para hindi mabulunan kasi kapag nabulunan ako baka may mag abot nanaman ng tubig sakin na hindi ko namamalayan
Para na nga akong tanga dito dahil lahat ng galaw ko mabagal slow motion kung baga para naman hindi na ako makarinig ng boses
May bulong na yata ako?
Akmang sasandok ulit ako ng kanin ng biglang masagi ko ang tubig na nasa gilid ko lang
Tapon ang tubig!
Kaya natapos din ang pag iinarte ko!
Kung kanina para akong pagong ngayon naman para na akong si flash dahil sa bilis ng kilos ko dahil sa pagkataranta sa natapong tubig
Habang nag pupunas nakaramdam ako ng parang may nakatingin sakin kaya binilisan ko na ang kilos
Nang matapos ako sa pagpupunas bumalik ako sa naudlot kong pag sandok ng pagkain
Dinamihan ko na ang nilagay ko sa plato dahil sa kwarto ko na itutuloy ang pagkain ko
Tinakpan ko muna ang tirang pagkain na mukang pang one week dahil sa dami
Buti nalang gumagana pa ang refrigerator!
Nagmadali akong umakyat papunta sa kwarto ko dahil pakiramdam ko nasa tabi ko lang sya
Tagumpay akong nakapunta sa kwarto ko ng walang tapon ang pagkain at tubig na dala ko
Agad kong nilock ang pinto at mga bintana, syempre mahirap na baka may makapasok
Makapasok na ipis...
Nakakatakot pa naman ang ipis lalo na kapag lumilipad! Para sakin lumipad na lahat sama nyo pa yung manok wag lang yung ipis nako! Mahihimatay nalang ako ng wala sa oras!
Malawak ang ngiti ko ng umupo sa kama dala ang pagkain na kinuha ko
Habang kumakain iniisip ko kung nakakain na ba ang mga kapatid ko
![](https://img.wattpad.com/cover/251860958-288-k601295.jpg)
YOU ARE READING
Shi Mansion (Home Of Devils)
Mystery / ThrillerKung pangarap mong makatira sa isang mansion tatanungin muna kita..... Sigurado ka ba? Kakayanin mo kayang tumira sa mansion na ang mga kasama mo ay hindi ordinaryong tao? Kung tawagin sila ay 'demonyo' 'mga alagad ng impyerno' 'halimaw.' Mga demony...