CHAPTER 30

38 5 0
                                    

Dedicated to newlyalive inislerim ecrivaine4ever








Hindi na maibabalik ang dating pagsasama ng mga taong hindi normal ang pinag daanan.

Mula ng iwan ni Khea si Precious nakapag isip isip ito tungkol sa mga nangyayari.

Ano nga ba ang dapat niyang gawin upang makabawi sa lahat ng kanyang kasalanan? May ibang paraan pa kaya upang makalaya sila sa pasakit na kinakaharap nila ngayon?

"I'm sorry I failed you." mahinang usal ni Khea habang nakatanaw sa pinsan.

"Mama, Papa asaan na po ba kayo?" nangungulilang sambit ni Precious.

Mula sa malamig na hangin at sumasayaw na mga puno tahimik na pinag mamasdan ng Sekretarya ang nag hihinagpis nitong anak.

Hindi niya alam kung kailan nga ba ang tamang panahon upang humarap sa kanya at sabihin ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao nya.

Sino nga ba sya para itago ang katotohanan tungkol sa tunay nitong pagkatao? Bagama't natatakot siyang sabihin ang totoo pero kailangan upang matapos ang digmaan sa pagitan ng dalawang Nasyon.

Mula sa pagtanaw ay tumunog ang telepono nito sinyales na kailangan nya ng umalis. Pinatay nito ang tunog sa telepono at kasabay ng malakas na ihip ng hangin ang pagkawala nya.

Sa kabilang dako ay patuloy pa din sa pakikipag palitan ng bala ang dalawang Nasyon sa mansyon ng mga Villamoso.

"Jeana!" sigaw ni Kagumi ng makitang nakahandusay ang kasapi nito.

Bago pa man mabuo ang ikalawang Nasyon magkasama na sa laban ang magkapatid sa ina na sina Kagumi Han Roswalde at Jeana Lin Roswalde.

Maraming tinatagong lihim ang bawat tao sa loob ng Shi Mansion. Ang bawat isa ay dapat bantayan, No one can be your Ally and everyone is your enemy.

"Bad shot." boring na sambit ng babaeng naka suot din ng maid uniform.

"Who the hell are you?!" galit na tanong ni Kagumi.

Mula sa madilim na sulok ay lumabas ito habang hinihipan ang baril na ginamit kay Jeana.

"I know from the start kung sino ka." matalim ang titig nito sa dalaga ngunit ngumiti lang ito sa kanya na palagi nitong ginagawa.

"Young Master Kagumi!" parang bata ito na natutuwa sa nakikita.

"I am sorry I didn't mean to shoot your....Sister? or should I say Step Sister?" Mabilis na inilabas ni Kagumi ang baril at walang pasabing pinatamaan ito sa kanang paa kaya bumagsak ang dalaga mula sa kinatatayuan nito.

"Arrgghhh–!!!" pinilit nitong hindi sumigaw ngunit kakaibang bala ang pumasok sa kanyang paa. "You will pay for this–!" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng biglang pasabugin ni Kagumi ang ulo nito. Nagkalat sa paligid ang wasak wasak nitong ulo.

"I am paid now." walang emosyon nitong ibinalik sa kanyang bulsa ang baril at binuhat ang kanyang kapatid.

Bago pa man ito tuluyang maka layo muli nitong tinignan ang bumaril sa kanyang kapatid.

"Rest in Hell Zenith Trinidad."

××××

"Maganda sana kung matapos na ang digmaan." Nag aalalang wika ni Lady Moon.

Hindi na nito kinakaya ang mga nakikita. Nagkalat sa buong mansyon ang mga patay na tao ngunit isa lang ang nais nyang makita. Ang makitang buhay ang heiress ng Nasyon.

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now